Forty Three

133 61 0
                                    

A Taste of Music

Chloe's POV

It's been weeks since I enrolled here in BH and I'm still not used to my classmates. They're not the typical group of students I used to witness. Not stereotyping, but everytime the teacher isn't around, they usually go crazy and literally ruin the classroom.

But here, they're minding their own business. Some were talking to each other but they're sitting on their seats. Most of them are with their phones and laptops on their desks.

Frank, the geek guy with a large circle glasses that almost covering his face, went outside the room for a phone call. Mr. Benito is in the corner too having a phone call.

Halatang mga anak ng businessmen ang mga nag-aaral dito. Ibang-iba nga sa mga pinasukan kong eskwelahan noon.

"Hey!"

Naistorbo ang pagmamasid ko ng biglang lumitaw ang mukha ni Rory sa harapan ko.

"Hey."

Napangiti ako dahil sa sobrang laki ng pagkurba ng bibig niya. Mapupunit na 'ata ang bibig niya sa laki ng ngiti niya.

"Good Morning!" Masiglang bati niya at umupo sa upuan sa tabi ko.

"Good Morning." Sinubukan kong sabayan ang saya niya pero hindi ko kaya. Ano kayang nakain nito? "Ba't ang saya mo 'ata?"

Yumuko siya habang nakangiti pa rin.

"Wala. Ang sarap lang ng tulog ko kaya ang sarap ng gising ko."

"Good. Hindi lahat ng tao nakakatulog ng maayos." Tinignan ko siya at biglang nawala ang ngiti niya.

"Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" Tanong niya sa akin.

"Hindi masyado eh. Hindi kasi umuwi si Dad kagabi sa bahay. Medyo nag-alala lang ako kaya hinintay ko 'yong tawag niya bago ako matulog."

May bigla kaming narinig na malakas na tunog sa kabilang banda ng classroom.

Tinulak ng malakas ni Mr. Benito si Frank sa grupo  ng mga kalalakihan pero agad silang nakaiwas kaya naitulak niya ang mga upuan. Nagsilingunan na rin ang lahat para makita ang nangyayari.

'Yung ibang boys ay pumunta sa pintuan at isinara ang pinto.

Pulang-pula na ang mukha ni Mr. Benito na nakatingin kay Frank at nagngingitngit ang mga ngipin na para bang matatanggal na.

"You never said a word! You just pull us out?!" Sigaw ni Mr. Benito kay Frank at hinugot ang kwelyo nito patayo. Iniupo niya lang ito sa isang mesa at lumayo ng kaunti.

"Si Papa ang may desisyon nun. Hindi ako." Sagot ni Frank at inayos ang kanyang salamin. Tumayo na rin siya at inayos ang sarili.

"Why? Is our product isn't enough for your business? Do you really need to pull us out and replace us with our major competitor?!" Bulyaw ni Mr. Benito.

'Yong ibang mga kaklase namin bumalik na sa mga ginagawa nila at hindi na pinansin ang nangyayari na para bang sanay na sila.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon