Four

149 79 0
                                    

The Dean

Chloe's POV

Nakapanlumbaba lang ako habang tinitigan ang malaking gintong pader mula sa bintana ng kotse ko. I should be excited now kasi alam kong sa likod ng pader na iyon ay BH na base na rin sa mapa na hawak ng driver ko at pati na rin sa sinasabi sa GPS ko. Pero kasi kanina pa namin 'yong nadadaanan pero 'di pa rin kami nakakarating sa bukana ng gate.

I grew bored of staring at the never-ending golden wall kaya pinihit ko ang tingin ko sa kabila kung saan hekta-hektaryang mga palayan ang makikita na hindi ko alam kung kailan sumulpot dahil mga kabahayan lang ang nakikita ko kanina. The view was honestly breathtaking kasi bihira lang makakita ng ganito sa city.

I looked at the time and it's almost a minute now when I first saw the high wall through my window and we're not even halfway through the entrance. Napasandal na lang ako sa upuan ko at napabuntong-hininga. Sana naman hindi ako ma-late nito.

Na-excite ako nang sa wakas lumiko na ang kotse pero agad din namang nadismaya nang hindi pa pala 'yon malapit sa entrance. After another minute or so, I was relieved when I finally saw the entrance from the distance.

Imposibleng magkamali ang sinumang makakapunta rito kapag nasa harap na sila ng BH. Napakalaki kasi ng sign na "Billionaire's High" na nakalagay sa harapan. Parang gawa sa metal ang mga letra at simple lang ang font nito. Kulay gray siya at nagre-reflect kapag nasisinagan ng araw. Nakadikit siya sa mala-gintong pader ng BH. Kung titingnan sa harapan, para lang siyang naipinta sa pader pero kapag titingnan sa gilid, nakaumbok pala ang mga ito para magmukhang 3D. Ganun din ang logo ng BH na nasa itaas nito. Ang pagkakaiba niya lang sa "Billionaire's High" na nasa ibaba nito ay ang kulay. Gold ang kulay ng logo at mas dark siya sa kulay ng pader.

Nakakamangha lang na makita ang buong bukana ng eskwelahan. Masyado kasi itong magarbo at dahil na rin kanina ko pa gustong pumasok, sa wakas nandito na kami.

Bumukas na ang itim at napakalaking gate. Pa-side yung pagbukas nito at mayroon lang itong ordinaryong design ng gate na hindi ko in-expect sa ganito karangyang paaralan. Isang malaking parisukat na nahahati sa gitna at may mga pababang guhit lang ito. Para siyang crib ng bata.

Well, hindi naman ako pumunta rito para usisain kung maganda ba itong campus. Nandito ako para sa isang misyon, at 'yon dapat ang pagtuunan ko ng pansin.

Pagkapasok ng kotse namin ay agad kaming hinarang ng guard. Itinigil naman ng driver ko ang kotse at nag-usap sila. Akala ko nasangkot kami sa isang problema pero 'yon pala'y kinukuha lang 'yong gate pass.

Nainip na naman ako dahil sa pag-uusap nila kaya ginala ko na muna 'yong paningin ko. Nakita kong mayroong maliit guardhouse na pwedeng pagkasyahan ng dalawang tao sa may likod ng pader sa kaliwang bahagi. Parang maliit lang siya na version ng isang pangkaraniwang bahay. Parisukat siya na tatsulok ang bubong. May pintuan at bintana at may maliit na parang veranda. Sa may veranda siguro tumatambay ang guard kapag nagbabantay at wala akong ideya kung anong nasa loob kasi nakasara ang pinto.

May pathway sa harapan ng guardhouse na kasalukuyan nang may dumadaang mga estudyante. Medyo maaga pa pero marami ng nandito sa school. Tabi ng guardhouse ang simula ng pathway na may bubong para pamprotekta sa init. Actually, sakto ang sukat ng guardhouse mula sa unang poste at sa pangalawang poste.

Muling umandar ang sasakyan at ngayon ko lang napansin na ang lawak pala ng daanan ng sasakyan. Parang kasya ang tatlong sasakyan kung nagkasabay-sabay. Namangha ako sa lawak nitong BH. Mas malawak pala ito dito sa loob kesa sa labas. Para akong nasa ibang lugar kung ibabase sa nadaanan kong mga palayan kanina.

Tiningnan ko ang magkabilang salamin ng kotse at magkabilaan pala ang pathway na daanan ng mga tao. Malawak ang grassfield at may bushes sa paligid ng mga pathway, pati rin itong dinadaanan ng kotse. May mga puno ding nadaanan ngunit mabibilang lang sa daliri ng kamay ang bilang mula sa gate hanggang dito sa palikong bahagi ng daanan.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon