Eleven

117 74 0
                                    

Sketch and Sheryl

Chloe's POV

"Good Morning, 11-A!" Masayang bati ng isang lalaki pagpasok niya. Tumayo ang lahat kaya tumayo na rin ako.

"Good Morning, Prof!" Sabay-sabay na bati ng lahat. Professor pala siya dito. Well, obvious naman sa suot niya pero hindi lang kasi siya mukhang teacher. Parang mas mukha kasi siyang doktor. Maputi ang balat niya at medyo mamula-mula pa ang mukha dahil siguro sa init. Umagang-umaga pa lang pinagpapawisan na agad siya.

Mas pumuti siya sa itim na suot niya. Actually, 'yung uniform nila ay parang teacher's version ng suot ng mga students. Plain black t-shirt din ang pang-ilalim, grey din ang coat at pang-ibaba, parehas ang design nang sa amin, ang pinagkaiba nga lang ay may nameplate sila sa may kaliwang dibdib. Sa tingin ko lagi nilang inilalagay 'yung nameplate sa kaliwang dibdib nila kasi parang nakita ko rin 'yung ganung namplate sa uniform kahapon.

Umupo na sila kaya umupo na rin ako. Nakikisabay lang ako sa ginagawa nila kasi hindi ko naman alam ang gagawin ko. Nakita kong inilapag ng prof ang mga dala niyang gamit sa mesa sa harapan. Naglakad siya papunta sa harap ng mesa niya.

"Wala naman tayong masyadong gagawin ngayon. Magdi-discuss lang ako tungkol sa mga possible new activies ngayong school year. Pero bago ko simulan, kailangan muna nating makilala ang mga bagong niyong kaklase. The two of you, can you please come here." Pagkasabi ni prof, agad namang tumayo si Ranz para makadaan ako. Tumayo na ako at naglakad papuntang harapan. Inilahad naman ni prof ang isang kamay niya na para bang sinasabi niyang maaari na akong magsimula.

"Hi! My name is Chloe Vega. I'm sixteen year's old. Nice to meet you all and I hope we will all be friends." Maikling bati ko pero nakangiti. Some first impressions lasts.

"Nice to meet you, Chloe. Tell us more about yourself like what list are you in and what's your family business." List? Anong list? 'Yun ba 'yung sinabi ni Mr. Sanchez kahapon sa may Dean's office? 'Yun siguro 'yun.

"Gold's list. I am one of the owners of Vega. Vega is a company that owns a lot of businesses. Hospitals, restaurants, airports, seaports, landports, malls, hotels, and resorts," I answered in corresponding order. Nakita kong medyo nagulat at mapanganga ang halos lahat ng nandito sa classroom. Pati ang prof hindi agad nakapagsalita.

"So, you're really a Vega. Welcome to Billionaire's High and Class 11-A!" Ganadong itinaas niya ang dalawang kamay niya pagkatapos niya akong i-welcome. Ngumiti lang ako sa kanya para suklian ang pagkalapad-lapad niyang ngiti. Sobrang masiyahin pala nitong prof namin. Mukha kasi siyang mahiyain kanina na para bang bagong teacher. "You may now take your seat, Chloe." Naglakad na ako papunta sa upuan ko. Tumayo namang muli si Ranz para makadaan ako.

Pagkaupo ko, pabalik na rin sa upuan 'yung lalaking kasama kong magpakilala na si Kian pala. Ang bilis ah.

"Again, nice to meet you Miss Chloe Vega and Mr. Kian Kaizer. Welcome to BH and we'll hope that you'll gonna love our school. Now, it's my turn to introduce myself. My name is Rodrick Quinio but you can call me Prof Rod or just Prof. I'm twenty-six years old and it's my second year teaching here in Billonaire's High. I'll be your adviser and PE teacher. I'll try to make this year amazing as your adviser." Nakatingin lang ako kay Prof habang nagpapakilala siya. Ang dami pa niyang ikinuwento pero nababagot na ako sa pakikinig. Medyo inaantok na rin ako kahit na kumpleto naman 'yung tulog ko kagabi.

"This school year, our dean decided to change our curriculum a bit. Hindi ko ito na-tackle sa inyo kahapon kasi hindi tayo kumpleto. Ngayon, sasabihin ko na. May hint na siguro kayo sa sasabihin ko dahil sa mga magazine na natanggap niyo. Ngayong taon, maaari na ninyong ilabas ang inyong mga talento. We know that BH is a school for intelligents and academic exellences only. Pero ngayon, ma-e-experience na natin ang ginagawa ng ibang mga schools. Ang PE magiging kagaya pa rin sa dati. We'll still learn on how to self-defense. At siguro nagtataka kayo kung ano 'yung SE na nakalagay sa mga schedule niyo. SE means Sports Education. Ito na ang subject kung saan matututunan niyo ang sports na gusto niyo o kaya naman ipakita ang sports na alam niyo. Madadagdagan na rin ang mga clubs tuwing Intramurals. At ang pinakahihintay ng lahat, makakasali na tayo sa mga contests sa labas ng school at makakasali na ring muli ang TDB sa 'Bands Clash'." Nagsigawan ang lahat pagkatapos sabihin iyon ni Prof maliban sa akin. Hindi ko naman sila maintindihan kaya bakita ako makikisaya.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon