Forty Six

106 50 0
                                    

What He Needs

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

What He Needs

Chloe's POV


Nagkalat sa buong Billionaire's High ang litrato ko kasama ang The Damaged Band.


Umiba na rin ang trato sa akin ng mga estudyante. May ibang nagpa-picture pagkababa ko pa lang ng kotse. Nagkaroon na tuloy ng trabaho ang bodyguard kong si Kian. Medyo nagtaka rin sila kung bakit kasama si Kian sa mga tumutulong na palayuin sila mula sa akin.


Hindi kami sumakay sa iisang sasakyan dahil tumanggi ako. Kung pwede na nga lang na ayaw ko na siyang makita.


Siguro may mga sampu sa harapan ko na pinipilit na makipagpa-picture sa akin. Ngumingiti na lang ako habang papunta kami sa sidewalk. Sinusundan pa rin nila ako pero makalipas ng mag-iisang minuto ay tumigil na rin sila.


Nagsilayuan na rin ng isang metro ang bodyguards ko at pati si Kian ay biglang nawala na rin. I guess, babalik na naman siya sa nakagawian niyang pagtatago. Makikita ko lang siya sa classroom tapos sa bahay na susunod. Hindi ko siya nakikita sa paligid ng BH kapag naglilibot ako. Pero bigla naman siyang susulpot kapag may mangyayari. Para bang lagi lang siyang nakamatyag mula sa malayo, o sa malapit pero nakatago.


Kung ano mang ginagawa niya, ayos sa akin.


Lumapit ako sa may screen sa pader na para bang naka-built in na talaga ang TV doon. May video na nagpapakita na mala-commercial ang dating. Mga picture naming lahat kahapon.


Ngayon ko lang nakita at ang gaganda nga ng kuha ng photographer. Para kaming isang sikat na banda na kilala sa buong bansa.


Kulang na nga lang maglabas sila ng magazine.


"Miss Chloe! May kopya ka na nitong magazine?" Sulpot ng kung saan ni Sheryl na may hawak na manipis na libro. "Wala ka pa? Eto, sa'yo na lang." Iniabot niya sa akin at doon ko lang nakita ang litrato naming lima. Nakaupo ako sa mataas na stool sa gitna habang silang apat ay nasa tabi ko. May hawak akong microphone pero nakapatong sa hita ko. Si Ranz ay nasa kanan at nakahawak sa mic stand. Si Paul ay nasa kaliwa ko naman na may hawak na itim na gitara, si Max ay nakatayo sa likod katabi ang piano at si Aleck ay nasa kabila niya na nakahawak ng drumsticks.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon