Twenty Three

103 67 0
                                    

Fake Girlfriend

Rory's POV


Bumalik ulit kami sa studio dahil ayaw naming pumasok. Dejoke lang. Magpipirmahan daw ng kontrata sabi ni Dean. Actually, para lang sa TDB yung kontrata at hindi talaga 'yon ganun kaimportante. Pag-uusapan lang daw nila 'yong tungkol sa mga pagbabago ng schedules nila dahil may naidagdag silang gawain. Tungkol din daw sa mga contests na hindi nila nasalihan noon ang pag-uusapan kapag dumating na si Dean.


Ilang minuto na rin kaming naghihintay. Ilang minuto na ring nagkukulitan sina Paul at Aleck. Ito talagang si Aleck mas nagiging makulit kapag kasama si Paul. Eto namang si Paul kanina pa nangungulit na bilhan daw namin siya ng bagong phone. Eh mayaman naman sila ah... kaya niyang bumili ng ilang cellphone kung gusto niya.


'5 Cycles' ang pangalan ng negosyo nilang bisikleta at motor. May ibinibenta din sila ngayong mga skateboards at roller skates. Sila mismo ang gumagawa at magaganda ang mga designs nila kaya mabilis na lumago ang negosyo nila.


"Akin na 'yan! Sa'yo 'yong pink na unan!" Kanina pa nag-aaway 'yong dalawa sa may sofa. Hindi na lang namin sila pinapansin ni Max dahil baka rambulan na naman niyan.


Pilit namin silang hindi pinapakinggan pero maging si Max na nakasaksak sa dalawang tenga niya ang earphones niya ay paniguradong rinig pa rin ang dalawa dahil tinakpan na niya ang tenga niya gamit ang dalawa niyang kamay.


Kanina pa ako napapasuklay sa buhok ko at napapasabunot na rin minsan. Tinititingan ko rin ang pinto dahil baka sakaling may pumasok at tulungan kami mula sa dalawang kampon ng kaingayan.


Natupad ang kahilingan ko nang nakita kong nagbukas ang pinto. Kung sino ka man, salamat.


Pero nang lumapit siya sa amin na parang toro na nakakita ng pulang tela at padabog pa na sinara ang pinto, nananalangin ako na dapat hindi na lang sana si Ranz ang pumasok. Mas grabe pa siya sa dalawa eh. Pero dahil sa pagpasok niya, tumahimik 'yong dalawa.


Hindi ko alam ang problema sa lalaking ito at hindi ko muna siya tatanungin. Kaibigan namin siya kaya alam namin kung kailan kami kailangang pumasok at magtanong. At hindi ito ang tamang oras.


Pinapanood lang namin siya sa bawat ginagawa niya. Mula nung kinuha niya 'yong basong may lamang tubig tsaka niya ininom.


Tsaka niya rin inihagis.


"Hoy Ranz! Ano bang problema mo?!" Hindi na ako makapagpigil sa pagtanong. Eh baka wala nang matirang gamit dito sa studio dahil inihagis niya lahat.


"Tsk!" Sumandal siya sa sofa at paulit-ulit na iniuuntog ang ulo sa pader hanggang sa huminto at pumikit.


"Akin na kasi yan! Dun 'yong area mo eh!" Naku, bahala kayong dalawa diyan. Bad mood si Ranz kaya humanda kayong maihagis at pagbuntungan ng galit kapag hindi pa kayo tumigil.


"Aleck! Paul! Not know!" Rinig kong awat ni Max at buti na lang matino siya. Pero 'yong dalawa naggantilan pa rin... nang tahimik.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon