Forty One

129 57 3
                                    

Sweety Bird

Chloe's POV

"That jerk. That stupid jerk!"

Nakaupo ako dito sa damuhan malapit sa isang maliit na pond. Hindi ko nga alam kung saang banda ito ng school. Basta nagtatakbo ako kanina at sumulpot na lang ako dito.

Malawak naman ang lugar, may ilang mga puno na kayang bilangin sa mga daliri lang ng kamay. May mga bulaklak sa paligid. May maliit na falls sa kabilang dulo kung saan ako nakaupo.

Siguro mga ilang minuto na rin akong nakaupo dito at nakayakap sa mga binti ko. Naubos na rin siguro ang mga bato sa paligid ko dahil naibato ko na silang lahat.

"I even saw in her eyes that she likes me."

Pabalik-balik sa isip ko ang huling pangungusap na narinig ko.

Paano niya... nasabi 'yon?

I don't like him.

I will never like him.

Kahit pa makaabot siya sa utak ko sa kakatitig sa mga mata ko, wala siyang makikitang parte na gusto ko siya.

Gusto ko 'yong sabihin sa kanya! Gusto kong sabihin na hindi ko siya gusto. Gusto kong sabihin na hindi porket siya si Ranz Mauren, lahat na ng babae magkakagusto sa kanya.

Gusto ko ring sabihin sa mga luha kong 'to na magsitigil na sila sa kakababa.

Pinunasan ko ang kamay ko na pinanghawak ko ng mga bato at sabay kong pinahid ang mga luha sa dalawa kong palad.

Ano ba kasing problema ng lalaking 'yon? Bakit ba kasi niya sasabihin ang mga bagay na 'yon?

Sino ba kasing babae ang magkakagusto na makasama ang isang Ranz Mauren?

Sinong babae ang magkakagusto sa lalaking nagtanggal ng sapatos mo para buhatin ka? Sinong babae ang magkakagusto sa lalaking isasayaw ka sa ilalim ng ulan? Sa ilalim ng kanta?

Sinong babae ang magkakagusto sa lalaking ipinakilala sa isang kasapi ng pamilya bilang girlfriend niya?

Sinong babae ang magkakagusto sa lalaking...

Nagsibagsakan na naman ang luhang hindi ko alam kung saan nanggagaling. Patuloy lang ang pagpahid ko dito kasabay ng patuloy na pagsikip ng dibdib ko. Hinahabol ko ang aking paghinga na parang katatapos ko lang tumakbo ng malayo.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Pinahid ko ang mga luha bago man sila makarating sa aking baba.

Ngunit ang puso ko ay ramdam ko pa rin ang pagtibok ng mabilis. Parang nagkakarerahang mga kabayo. Pumikit ako para huminga ng malalim at pakalmahin ang sarili.

Kailangan kong maging okay muna. Kailangan ko pang pumasok.

"Hey."

May narinig ako sa aking likuran ngunit hindi ako sigurado kung sino. Liningon kung sino man ang taong 'yon at hindi ko inaakalang siya ang makakakita sa akin dito.

Ibinalik ko ang tingin ko sa tubig at pinunasan ang aking pisngi at mata. Baka makita niyang umiyak ako.

"Ayos ka lang?" Napatalon ako sa gulat ng maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon