Forty Five

129 60 0
                                    

Interrogation

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Interrogation


C  H  L  O  E


"Why did you audition?" Max asked.


Nakatingin silang lahat na naging dahilan ng pagkakaba ko. Hindi naman talaga ako mahiyain pero pakiramdam ko ngayon pinapanood nila ang bawat galaw ko kaya hindi ako masyadong makagalaw dito sa upuan.


"I just want to showcase my talent. Para rin sa akin. I also wanted to sing again." I answered.


Nandito kami ulit sa studio kung saan kami nagphotoshoot kahapon. Yesterday was fun. Pakiramdam ko mas nakilala ko sila ng maayos. Especially, Paul. Ang saya niya pala kasama. Makulit pero hindi nakakainis.


Pero kabaligtaran naman kahapon ang nangyayari ngayon. Sobrang seryoso nila. Maging si Ranz ay nakaupo rin sa harapan ko. Silang lima ay nakaharap sa akin at posibleng may mga tanong sa kanilang isipan.


Hindi ko alam kung anong nangyayari basta pinatawag ako kaninang breaktime ni Mia at kailangan ko daw sumama sa kanya. Pagdating ko dito, nandito na silang lima.


Gaya pa rin naman ng dati ang kinikilos nila. Parang kahapon. Pero pansin ko pa rin ang pagiging seryoso. Mas lalo pa ng matalim na pagtitig sa akin ni Max kaninang pagpasok ko.


"Sing again? What made you stop?"


"Madami lang kasing nangyari sa buhay ko. Kung may mabuting pangyayari, hindi pwedeng walang masama. At kailangan may iwan para makapagsimulang muli. Isa ang pagkanta sa kinailangan kong iwan."


Yeah. That's right.


I love singing since I was a child. Kwento ni Dad na lagi daw akong kinakantahan ni Mommy ng lullabies pero imbis na makatulog ay nakikisabay akong mag-hum. Meron pa daw akong laruan na microphone na lagi ko daw dala-dala.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon