Twenty Four

138 66 0
                                    

Trixie's Secret

Chloe's POV

"Chloe! Chloe!" Napalingon ako kung sino mang naglakas-loob na isigaw ang pangalan ko dito sa hallway. Only to find out that it's Sheryl.

"Bakit?" Medyo inis kong tanong sa kanya dahil lahat ng taong naglalakad at nakaupo sa mga benches dito sa hallway ay napatingin sa amin.

"Halika! May ipapakita ako sayo!" Hindi na ako nakapag-react dahil bigla na lang niya akong hinila... papunta sa may bench na walang tao. May mga puno kasi dito sa BH na may benches sa ilalim. Makakapal ang dahon kaya malilim kapag may araw. Presko din ang hangin.

"Siguraduhin mo lang Sheryl na importante 'yan. Or else you'll gonna regret pulling me here." Lumaki ang mga mata niya at dahan-dahang umupo sa may bench sa tapat ko.

"Importante naman siya ah." Medyo pabulong na sagot niya.

Umupo na lang ako sa tabi niya. I folded my arms and reclined comfortably on the bench.

"Then go on." I saw her in my field of view looking at her phone and it looked like she's finding something.

"Panoorin mo 'to, Chloe." Utos niya sa akin sabay ng pagpapakita niya ng cellphone niya. "Nakita ko si Trixie kanina na may kausap sa telepono. Sinundan ko siya at narinig ko ang apelyido ko. Kaya naisipan kong i-video. Pero..."

May pabitin effect pa siya eh. Nakatingin lang ako sa cellphone niya na naka-pause at likod ng isang babae ang nakikita ko na mukhang si Trixie iyon dahil may hawak itong telepono gaya ng kwento ni Sheryl.

"Sheryl, kung hindi mo 'yan ipi-play aalis na ako." Agad niyang plinay ang video at dun napatunayan na si Trixie nga 'yun.

Nasa likod ang shot kaya likod lang ang nakikita habang may hawak siyang cellphone sa may tainga niya. Ngayong araw nga lang ito dahil naka white blouse at black mini pencil skirt siya. Mayroon ding black necktie na abot hanggang pusod, logo ng BH sa kaliwang dibdib, at kulay puti na malalaking butones sa harapan ng skirt. Alam ko 'yun dahil iyon din ang suot ko. Thursday's regular uniform.

"Dad, hindi ko problema ang mga Chua. Problema mo sila! And don't even bother them coz they're nothing now." Tiningnan ko si Sheryl kung anong reaksyon pero kalmado lang siya kaya ibinalik ko ang panonood.

"Pinoproblema mo 'yung partnership mo sa Vega? Bakit anong nangyari?" Naramdaman kong tumingin sa akin si Sheryl at hinihintay din siguro ang reaksyon ko. Well, sinabi ko naman na kay Dad na hindi tanggapin ang Parks. And he said yes.

"What?! Bakit hindi nila in-accept?! We are the highest grossing makeup store in the Philippines! Their mall needs us!" Actually, we don't need you.

If only she heard it.

Lumingon siya sa likod kaya biglang nagtago si Sheryl dahil dumilim ang screen. Ibinalik niya ulit nung nagsalita na naman siya.

"Dad, no one knows about our secret. No one will ever know about that. Kaya imposible na hindi nila tayo tinanggap dahil..." Biglang humina ang sounds dahil wala akong narinig na katuloy.

"Mukhang ibinulong niya lang 'yung sinabi niya kaya hindi narinig sa video." Mukha nga. Tumagal lang ng ilang segundo at itinuloy niya ulit ang pambibisto sa sarili niya kahit ibinulong lang niya 'yung posibleng maging ebidensya sa kanila.

"Dad, kung hindi nila tayo gusto eh di huwag! Meron pa naman sila Ranz eh." Mga gahaman pala kayo! Magnanakaw na mukhang pera pa. Denying them is really the best choice.

"Speaking of him Dad, diba sabi ko sayo nakipag-break siya sa akin?" Saan papunta itong videong 'to? Kung saan man mapunta, wala na kaming pakialam dahil mukhang madaming maibubunyag ni Trixie na sikreto nila ng wala siyang kaalam-alam.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon