Thirty Three

126 57 0
                                    

Slower Than The Music

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Slower Than The Music

Chloe's POV

"Here, drink some water." Kinuha ko 'yong basong iniabot ni Ranz sa akin. Umupo muna kami sa bench dito sa garden. Hindi muna kami pumasok sa loob kasi sabi ko gusto ko munang magpahangin at para na rin hindi nakakahiya sa mga bisita.

"Thank you." Inubos ko ang tubig tsaka ko ibinalik sa kanya ang baso.

"Did you recognized his face?" Tanong ni Ranz. Sinubukan kong alalahanin ang hitsura niya pero walang pumapasok sa utak ko.

"Hindi eh. Madilim 'yung lugar kaya hindi ko siya nakita. Nakita ko siya konti pero 'yong likod niya lang. Mukhang hindi siya isa sa mga guests ng Lolo mo." Mahabang sagot ko kaya medyo hiningal ako pagkatapos.

Ikinuwento ko na sa kanya 'yung buong pangyayari kanina. I just don't know if he understand everything I said coz I talked too fast. Kinabahan ako eh.

Medyo masakit pa rin 'yong tyan ko dahil sa suntok ng mokong na 'yon. Nagpatawag na si Ranz ng mga guards at nandito sila ngayon at nakapalibot sa garden.

"How can you say that he's not one of the guests?" Tanong niya sa akin. Tinignan ko siya sandali at ibinalik din ang tingin sa mga damo sa paanan ko.

"Nakita ko siyang tumakbo palayo pero hindi ko alam kung saan papunta." Lumingon ako sa paligid at simulang alalahanin ang mga nangyari kanina. "Iisang pintuan lang naman ang pwedeng pasukan at labasan dito sa garden eh. Hindi ka makakapunta dito kung hindi ka dadaan sa pintong 'yan." Itinuro ko sa kanya ang pinto papasok sa venue ng party at sinulyapan niya naman ito. "At kung aalis ka dito sa garden, diyan din dapat ang daanan."

"Yeah. You're right." Ang tanging nasambit niya pagkatapos kong magpaliwanag.

Tinignan kong muli ang paligid. Kahit na nangyari ito sa akin ngayon, hindi pa rin ako nakaramdam ng takot sa lugar. Kahit na madilim pa rin.

I wondered kung anong hitsura nito kapag nailawan. Kahit 'yung gazebo lang sa gitna.

"Sir Mauren, hinahanap po kayo ng lolo niyo sa loob. Pati po si Miss Chloe." Biglaang sabi ni Mint pagkalapit niya sa amin.

"Chloe lets go. I'm bringing you back home." Sabi ni Ranz pagkatayo niya. Tumingala ako para tingnan siya. Hands in his pocket and seriousness in his face.

"Huh? Pero... pero hindi pa tapos ang party." I answered.

"Don't worry about it. You did pretty well. I think Lolo liked you already. Now, let's go." Sabi niya at tumalikod na. Naglakad na siya pero hindi ako sumunod.

Lumingon na lang ako sa kabila at pinanood ang mga guards na naghahanap sa sulok ng garden kung nasaan 'yung lalaki. Maaaring nagtatago lang daw siya rito. Mayroon ding nagsabi na isang guard na baka tumalon siya sa gate para makalabas. Hindi naman kasi masyadong mataas pero hindi rin naman mababa na tipong kaya kong akyatin.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon