Thirty One

129 62 2
                                    

Hand on the Waist

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hand on the Waist

Chloe's POV

Ilang minuto na ang nakalipas at unti-unti nang nakukumpleto ang mga upuan. Dumating na rin 'yung mga ka-table ko na sila Rory at 'yung mga magkakaibigan. Sila Aleck at Paul kanina pa nagbabangayan sa harapan ko. Kanina pa sila nag-aaway at inaawat ni Rory at Max pero nagsawa na rin sila kay pinabayaan na nila ang dalawa.

"You two, can you please shut up!" Pabulong na sigaw ni Max na nasa tabi nila. Para kasi silang mga batang nagtatalo at si Max ang tatay nila.

"Eh kasi 'tong si Leck eh! Sinugatan ako ayaw mag-sorry!" Pabulong na sigaw din ni Paul pero mas malakas kesa kay Max. Nagtataka na nga ako kung bakit hindi pa rin sila pinagtitinginan ng mga katabing lamesa dahil sa gulo nila.

"Perdón." Komportable namang sagot ni Aleck na kabaligtaran ng mga pinaggagagawa ni Paul. Nakahalukipkip pa ang mga braso sa dibdib nito.

"Perdon ka ng perdon! Ano ba 'yun? Kanina ka pa!" Naiinis na si Paul kay Aleck dahil napapalakas na ang padyak nito.

Kung alam lang ni Paul na ang 'Perdón' ay Spanish ng 'Sorry' then this will be over.

"I'm so sorry Chloe kung nakikita mo 'to ngayon." Biglaang sabi ni Rory na nasa tabi ko.

"No, it's fine. Medyo nasanay na rin ako pagkatapos nung nangyari sa cafeteria." I just smiled at him and continue to watch them. Hindi naman kasi talaga ako naba-bother kasi mas okay na 'yung ganito kesa sobrang tahimik at awkward 'yung feeling.

"Sorry lang? Ang sakit kaya nung sugat na ginawa mo! Ba't kasi ginawa mo 'yun?!" Inis na naman na daing ni Paul. Nainis na si Max kaya umalis na siya sa upuan niya. Pinanood lang namin siyang umalis at walang nagbalak pigilan siya.

"Ano ba kasing nangyari?" Singit na napagtanong ni Rory. Ngayon lang siya sumingit at tanungin ang dalawa.

"Etong si Aleck, sinugatan ako! Tinusok niya 'yung daliri ko nung cufflinks niya! Ang sakit!" Naiiyak na sumbong ni Paul. Hindi ko alam kung totoong iyak 'yun o OA lang siya. Hindi ko lang kasi makita ang isang lalaking umiiyak. Mas lalo na si Paul na lalaking-lalaki pa. Isip-bata nga lang minsan.

"Ba't mo naman tinusok, Leck?" Tanong naman niya kay Aleck. Nagmumukha nang nakatatandang kapatid ng dalawa si Rory.

"Diba sabi red 'yung color scheme ng party? Wala siyang kulay red na suot. Eh papasok na kami baka hindi siya papasukin. Tinulungan ko lang siya." Depensa naman ni Aleck sa sarili niya

Tinignan ko si Paul at hindi nga siya naka-pula. Black ang suot niya na katulad sa ibang mga bisita. Maayos din ang buhok niya na hindi tulad sa school na magulo. Si Aleck naman ay nakapula. Mula pang-itaas hanggang sa sapatos ay pula. Mayroon din siyang kulay pula at puting bandana na nasa ulo niya kaya mas lalong tumaas 'yung dati na niyang mataas na buhok.

"Eh may pula naman kasi ako eh!" Sigaw na naman ni Paul sa magkaparehong lakas.

"Saan?" Taas-noong tanong ni Aleck. Pati si Rory ay napatingin na rin kay Paul at hinihintay kung nasaan ang suot niyang pula. Tumayo pa si Aleck para ipakita kung nasaan man 'yung pulang sinasabi niya.

Revenge Got DistractedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon