Entry 70 ↑_↑

630 30 8
                                    

EXODUS 15:12

IN YOUR UNFAILING LOVE,

YOU WILL LEAD THE PEOPLE,

YOU HAVE REDEEMED.

IN YOUR STRENGHT,

YOU WILL GIMUIDE THEM TO YOUR HOLLY DWELLING....

Jen POV

Asan ako???

Bakit ang puti ng paligid???

Patay na ba ako???

Habang naglalakad ako sa kawalan may nakita akong dalawang lalaki na sobrang tangkad ,kung tawagin satin at higante,,Hindi sila umiimik pero nung hawakan nila ako sa magkabilang braso,,,nagkusa ang dalawa Kong paang maglakad ng Hindi umiimik,,pagpasok namin sa isang pintuan nakita ko ang mga batang nagsasayawan,,kay gaganda at ang iba'y kumakanta ng papuri sa panginoon..

Maya maya nagsitigil sila at nagsiluhod,,mukhang dumating ang hari ngunit Hindi ko sya makita,,sobrang liwanag at sa tuwing susubukin kong tingnan sya ay kusang umaalis ang mata ko dahil nasisilaw ako..

"Panginoon...kayo na po ba yan???"

"Oo anak lumapit ka..." Habang papalapit ako sa kanya hinawakan nya ang kamay ko,,bigla nalang lumuha ang mga mata ko..

"Patawad po panginoon,,nabigo ko kayo sa misyong iniatas nyo sakin apat na taon na ang nakakalipas,,yung mga batang pinababago nyo sakin ay hindi ko napagtuonan ng pansin,,,lumayo ako at Hindi ko nakita kung napaganda ko ang kanilang ugali,,si Adrian isa na po syang pastor ngunit sobrang hina pa din po ng kaniyang pananampalataya...Panginoon,, oras ko na po bang magpaalam sa mundo???"

''Jen hindi ka nabigo,,halika..." Nagtungo kami sa isang fountain at ang dami daming tao ang nakikita ko dun..

"Panginoon paano sila nakakahinga sa ilalim ng tubig..."

"Wala sila sa tubig jen,, nasa lupa sila,,, ipapakita ko sayo ang pagbabagong ginawa mo sa kanila..

Una kong nakita si Adrian,,,nakaluhod at nananalangin ngunit Hindi ko marinig ang panalangin nya,,sunod sila hairah at Sarah na nagdadasal din na nasa kwarto ni maris nakacompine din..

Sunod si Nathan na kinocomfort si James na Hindi mapakali sa kinauupuan...

Sunod Kong nakita si Elie na may kasamang mga bata sa kalsada,,nagtuturo sya sa mga bata,,naalala ko nung huling araw na makita ko sya,,nangako akong hahanapin namin ang mama nya pero umalis ako,,patawad Elie...,maya maya may nagdala ng pagkain sa mga bata matanda na sya at mukhang close na close kay Elie...

Nakita ko din si Lanie na nagtuturong manalangin sa isang orphanage,,,Lanie salamat kasi kahit kunting panahon lang kitang nakasama naihatid ko sayo ang magandang balita...

At si Windel, Victoria, Clide at Michaela na nagmomodel,,mukhang mga artista na sila...,pero after nilang magmodel namimigay sila ng food sa mga street children., ang mga malditang bata,mababait na ngayon..

Sunod sila Geena at Nica na may sariling botique na,,,nakita ko sa cashier si nica at si geena ang nag aassist sa mga costumer,,,hindi na kaya sila nag a away??? Pagkakita ko ng T-shirt na binibinta nila,,puro bible verse ang nakaprint...^_^ ang sarap sa pakiramdam...

Sunod si lance na kasama si Carlo,,,kandidato pala sya as mayor,,may nakalagay din sa banner nya na Lance for God's Glory. .

Si Dane naman mukhang subsob sa trabaho habang may nakalagay na headset sa tainga...

"Alam mo ba kung anong pinakikinggan nya???" Tanong sakin ng panginoon...

"Hindi ko po naririnig sagot ko..."

"A Christian Teacher"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon