Entry 50 ^_^

957 25 4
                                    

OMG inabot na ng chapter 50 ang story Kong toh.., at 10.8k views na,,,thanks po ng marami sa patuloy na bumabasa at bumuboto dito sobrang thankful po ako kasi sa panahon natin ngayon sobrang bihira nalang ang nagkakainterest na magbasa ng spiritual story kaya sobrang thankful ako...

Sana sa mga nagbabasa nitong story na toh,,,pumili kayo ng story na hindi mababahiran ng kalaswaan, kasamaan at nakakabastos ang mga isipan nyo marami na kasi sa mga kabataan ang maagang napapasama ang buhay dahil sa mga napapanood at nababasa nila....

THANK YOU...

THANK YOU....

ANG BABAIT NINYO.....

____________________________________

ADRIAN POV

Nandito kaming lahat sa Theater Room dahil may papanoodin daw kaming movie sana naman hindi na movie ng sinaunang panahon... After kasi nito may activities daw kaming gagawin,,sana lang Hindi nakakaboring...

"Okay wag kayong mag alala,, walong minuto lang naman ang itatagal nitong papanoodin natin,,,and I hope may matutunan kayo dito.. Listen carefully and watch silently.."

"Para san ba talaga ma'am tong papanoodin natin..." Ngumiti lang si jen saka umupo sa upuang malapit lang sa projector..

***The Prodigal/ A JUBILEE PROJECT SHORT FILM***

____________________________________

JEN POV

Pinanonood ko ang mga estudyante ko ng isang film na makakapag open ng kanilang mga puso para mapatawad ang kanilang mga magulang...

Sa mga gustong mapanood yung film search this in YouTube... The Prodigal // A jubilee project short film madali lang syang mahanap...

Tungkol sya sa isang anak na lumaking masama kahit na ibinigay na ng tatay nya sa kanya ang kanyang buong pagmamahal..Nalunod sya sa bisyo,, hanggang nangailangan sya ng pera at kahit ang ama nya sinaktan nya para sa pera,,,ngunit pagkatapos nyang saktan ang ama nya Hindi na sya nagpakita dito,,ngunit hindi nya alam na araw araw syang sinusundan ng ama nya para lang masigurong ligtas sya...

Isang araw may nakilala syang lalaki at binigyan sya ng pagkain,, ngunit isa palang magnanakaw yung lalaki,,minsan isinama sya sa racket nya para magkapera ngunit habang nagnanakaw sila sa loob nagising ang may ari at hinampas yung kasama nya at para matulongan nya ang lalaki binaril nya yung may ari at namatay ito,,dahil sa sinusundan sya ng tatay nya late dali dali syang pumasok sa bahay na ninakawan nila,,, kinuha ang baril at pinatakbo sya dahil dumating na ang mga pulis...

Dahil sa kasong homicide naparusahan ang tatay nya ng kamatayan..at sa huli sobrang pagmamahal pa din ang ipinakita ng tatay nya sa kanya...

Kasi tayong mga anak kahit gaano kasama pa ang ipakita natin sa magulang natin,,,mahal tayo ng mga magulang natin,, minsan Hindi lang nila naipapakita dahil lage tayong tumitingin sa material na bagay na manggagaling sa kanila kesa sa mga oras na binibigay nila para sa atin,,,sabi nga nila nasa huli ang lahat,,mare realize mo lang na importante sila kapag wala na sila...

JOHN 15:13

GREATER LOVE HAS NO ONE THAN THIS,

THAT SOMEONE LAY DOWN HIS LIFE FOR HIS FRIEND..

****--------------*****--------------****

Pagtingin ko sa mga estudyante ko yung iba nakatingin sa itaas,,yung iba naman nakayuko, yung iba sumisinghot at yung iba ipinakita lang nilang lumuluha sila..

"A Christian Teacher"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon