Jen POV
Nag iba kami ng rota sa Hindi ko alam na dahilan at Hindi ko pa din alam kung san kami pupunta ni Kenneth hangang ngayon,,malapit ng mag 5 pero ayaw pa din nyang magsalita...
"Kenneth naman..san ba talaga tayo pupunta???"he never look at me..
"May nagsabi kasing dapat akong mag effort para sa babaeng mahal ko..,so nag eefort ako..." Hindi ko sya magets >_
"Anong efforts ba ang sinasabi mo?" Tanong ko sabay kamot ng ulo..
"Jen,,sweet ba kung dadalhin kita sa Mt.Samat??? Nandun kasi ang pinakamalaking cross dito sa pilipinas..." Ano bang point nya???
"Oo naman..,pero Kenneth wala na tayong oras para dyan,,30minutes from now mag uumpisa na ang staye play..." Angal ko,, malilate na kasi kami...
"Alam ko..,kaya nga dito nalang kita sa church dinala kung saan mo ako niyaya dati kaso Hindi ako nakapunta kaya dito kita dinala...." Gusto nya bang mag pa impress??? Kasi hindi effective...,hapon na at sarado na ang church kasi morning mass lang ang meron dito...si Kenneth talaga...
"I know... Actually naaapreciate ko na gusto mong mag effort,, pero Kenneth wag ngayon kasi yung pinapanalangin natin sa loob ng isang linggo...... Masisira lang lahat dahil sa ginagawa mo...mas mapapansin pa kita kung pinapriority mo din yung mga bagay na gusto ko...,Tara na sa school kasi nakakahiya kung tayo pa ang late.."
"Pero...."
"Wag ka namang selfish ken,,, Hindi mo din naman matuturuan ang puso ko ng agad agad.. You don't need to change... Kasi kung ano ka.....,mahal naman kita pero bilang kaibigan pero yung mas mataas pa dun...
Hindi ko na kayang ibigay pa yun sayo..." Napahinto sya sa pagbaba at muling isinuot ang seatbelt nya...
"ANO BANG MERON SI ADRIAN NA WALA AKO????" (O_O)
Sinigawan nya ako...
May galit ..
May asar...
Hindi ako umimik,,ayaw kong makipag usap kapag galit ang kausap ko,,, Hindi kasi marunong makinig ang mga galit..
"Sorry...." Tinanggal nya ang seatbelt at niyakap ako,,Hindi ko naman napansin na yayakapin nya ako kasi nakayuko ako...
"Okay lang..." Agad ko ding tinangal ang mga kamay nya sakin..
"I sincerely sorry...,, Hindi ko sinasadyang sigawan ka..,pero ano ba talagang meron Kay Adrian na wala sakin???"
I look at him at hinawakan ang mukha nya...
"Ken naman,,kapag nagmahal ka wala ka namang kailangang dahilan..., Hindi mo kailangang humanap ng dahilan kasi pagnagmahal ka...puso mo ang magsasabi at Hindi ang isip mo..."
"Tama ka... Kasi kahit anong gawin ko sa nararamdaman ko..,Hindi ko pa din maibaling sa iba ang nararamdaman ko.." Nagsmile ako sa kanya...
"Andito lang naman ako...,bilang kaibigan mo...." Sabi ko saka sya ngumiti at nagmahino na... Finally papunta na kami sa school ngayon.
____________________________________
Adrian POV
Kanina pa kami naghihintay kila jen,,,san ba kasi sila pumunta??
Nagpunta ako sa parking lot namin at nakita kong kakatigil lang ng sasakyan ni Kenneth...
Agad akong lumapit at pagbaba ni jen agad ko syang hinawakan sa kamay at at itinakbo..
"Sabihin mo ng ang bitter ko jen..,pero ayaw ko lang talagang kasama mo sya kasi nagseselos ako.." Sabi ko habang natakbo kami..
Bigla syang huminto... "Malayo na tayo Kay ken kaya baka naman pwedeng maglakad nalang tayo.." Hawak hawak ko pa din ang kamay nya hangang tanggalin nya..
"Bakit??? Ayaw mo bang hinahawakan ko ang kamay mo???" Tanong ko sa kanya...
"Hindi sa ganun.., kasi andito ang mga magulang nyong magkaklase,,gusto mo bang makulong ako bago ako magpachemo. ??" Nakasimangot nyang sagot..
"Syempre Hindi...kaya nga lalayo na..." Naglakad ako,,at sumunod sya..
Binilisan ko ang lakad,,
At binilisan nya din ang lakad nya...
''Sumusunod ka ba??? Madaming tao oh..." Pamimilosopo ko sa kanya,,,ang sarap nya kasing asarin...
"Hindi.. Malamang dito din ang punta ko,,di ba nga teacher mo ako...,malamang sasalubongin ko ang mga magulang nyo..." Inisnaban ko sya ng parang bakla.,,joke ko lang toh sa kanya,,,syempre lalaki kaya ako... "Oh...San ka pupunta???"
"Sa back stage ,,akala ko ba sasalubongin mo pa ang parents namin..." Sabay ngiti ng nakakaloko,,gusto lang talaga nya akong makasama..
"Sabi ko nga..."
"Aminin mo...namiss mo ako noh???" Bulong ko sa kanya saka nagpuntang back stage...
Nakita kong nagblush sya...,totoo ngang namiss nya ako,,kahit ako namiss ko sya kasi simula ng umalis sila ni Kenneth Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko...
♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦
Jen POV
Ito na naman si Adrian ,,,feeling ko namula ang pisngi ko sa simpleng tanong nya,,,grrrrrrabe sya... {♦_♦}
"Hello po ma'am,,,hello po sir...,maupo na po kayo.." Sabi ko sa mga magulang,,kahit sila ma'am claire nagpuntahan kaya Hindi kami masyadong nahirapan..,nagsitahimik na ang lahat ng umakyat si Kenneth,,sya kasi ang MC ng program kasi mahiyain ako sa mga ganyang pagsasalita...
"Magandang magandang hapon po sa inyong lahat na naandito upang masaksihan ang pagtatanghal na gagawin ng tinaguriang bad students ng ASYA noon na mga Good Students na ngayon... Pero bago po ang lahat nais kong magpasalamat sa inyong lahat sapagkat kung wala kayo...Hindi din mangyayari ang kakaibang pagbabago sa mga kabataang ito at syempre bukod sa ating lahat mas dapat nating bigyan ng parangal ang isang babaeng pilit silang binago,,ang babaeng sa umpisa palang ay nasaktan, sinabihan ng masasakit pero patuloy na nagmahal sa bawat isang kabataang magpeperform sa harapan natin ngayon, walang iba kundi ang kanilang advicer Miss Jen Alcat..................." Huhuhu...,nakakahiya,,, naluluha luha pa kaya ako...
Singa muna sa panyo,,saka ako naglakad papunta sa stage,,nilabanan ko pa ang nanginginig kong tuhod para makatayo ng diretso..
Pag akyat ko nagpalakpakan ang mga magulang nila kasama ang mga co-teachers ko...
"Ehemmm,,,ehemmm... Magandang hapon po sa inyong lahat.., Hindi po ako prepared kaya pagpasensyahan nyo na kung medyo nangangatal ang boses ko..." Nagtawanan ang mga tao sa ibaba...
"Salamat po ng marami sa inyong pagdalo ,,,alam ko pong bago kayo pumunta dito eh maraming bagay kayong ginagawa sa inyo inyong bahay,,salamat po talaga ng marami sa inyong pagdalo,,sana po magustohan nyo ang pinaghandaang performance ng mga estudyante namin... Seat,,relax and enjoy po..." Saka ko muling binalik kay Kenneth ang mic. Nahihiya kasi ako...
____________________________________
Sorry bitin mag aUD din po kasi ako ng CTHP today kaya ito na muna...tomorrow nalang yung stage play nila....
See you next chapter ♦_♦
BINABASA MO ANG
"A Christian Teacher"
SpiritualIn your unfailing love, you will lead the people, you have redeemed. In your strenght, you will guide them to your holy dwelling... (Exodus 15:12)