Jen POV
After nilang gawin ang stage play na Hindi ko inaakalang ganun ang mangyayari bigla silang nagtakbohan palapit sakin at niyakap ako,,ang mga magulang na nag iiyakan dahil sa napanood ay agad nawala ang luha ng lapitan ng kani kanilang anak....
"Hi Jen..." Sabay kaway at naglakad palapit ng mommy ni adrian..."kamusta ka na??? Dito ka na pala nagtuturo..."
"Opo... Maayos naman po ako..." Inakbayan ko si tita at bahagyang iniikot patingin sa direksyon ni Adrian... "Mas maganda po kung sya ang kakamustahin nyo....saglit lang po..." Tumakbo ako papunta Kay Adrian...
"Aid..." Sabay hawak sa braso nya...
"Bakit?? Ikaw naman masyado kang naamaze sa boses ko kanina.." Tumigil sya sa pagsasalita ng dalhin ko sya papunta sa mommy nya...
"Mag usap muna kayo..." Saka ako lumayo,,nilapitan ko si Elie na sobrang lungkot...
"Mukhang tinamaan yang puso mo ah..." Biro ko sa kanya,,,kaso nakatulala pa din.... Kaya pumalakpak ako sa harap ng mata nya.... Pagtingin nya tinapik ko sya sa balikat... "Huwag kang mag alala...,mahal ka nun..." Saka tumawa...
."si ma'am talaga...."
"Pero ano ba kasing iniisip mo???" Tanong ko..
"Wala lang po ito...,iniisip ko lang po..,kung mahal din kaya ako ng magulang ko???"
"Gusto mo ba silang makita at makilala???" Tanong Kong muli...
"Hindi ko po alam..." Sagot nya in a lower voice ,feeling ko anytime from now iiyak na sya...
"Natatakot po kasi ako,,,,paano kung Hindi nila ako mahal kaya nila ako iniwan???'
"Paano kung mahal ka pala nila???"
"Pero bakit nila ako iniwan sa kalye???" Saka tiloyan ng bumagsak ang luha ng isang matapang at bully na lalaki...
"Alam mo Elie...,lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan..,Hindi kasi natin alam,,pero kapag nalaman mo bang maganda ang dahilan Nila......ready kang magpatawad??? Kasi Elie may mga bagay na nangyayari na kahit anong gawin natin Hindi na maibabalik..." Napatingin ako Kay Adrian...
"Ma'am paghanda na ako maaari mo ba akong tulongang mahanap ang mga magulang ko???" Ngumiti ako sa kanya saka ginulo ang buhok nya...
"Oo naman...,ang galing mo kanina ha!!!! Uiiiii, may talent sya....!"biglang lumapit samin ang daddy ni Adrian...
"Good evening sir.., nakakain na po ba kayo???" Tanong ko sa daddy ni aid...,may palunch food kasi kaming ginawa...
"No thanks...,I'm here to thank you,,,my client is very impressed in what we watched and because of that they approved in our business meeting..."
"Wala po yun sir..,dun po kayo magpasalamat kasi sya po ang nakaisip nitong gagawin nila ngayon..." Si Adrian ang tinuro ko kaso si Kenneth ang tinawag nya palapit sa amin...
"Yes dad???" Tanong ni Kenneth,,kahit ako nagtataka...
"Iho,,its been three weeks since you both together...,so why don't you propose to her in front of them?? This is so special event and I like her for you,, she's kind, respectful, brilliant at she's pretty..." Saka tinapik tapik si Kenneth...
"Pero sir..."
.."I told you...,walang pero-pero sakin...." Iniabot Kay Kenneth ang sing sing saka lumayo...
"Kenneth...,what is this??? Ano bang iniisip ng daddy mo???"
"Hindi ko din alam..." Naputol ang pag uusap namin dahil nagsalita ang daddy nya...
BINABASA MO ANG
"A Christian Teacher"
SpiritualIn your unfailing love, you will lead the people, you have redeemed. In your strenght, you will guide them to your holy dwelling... (Exodus 15:12)