Chapter 30.
Nakarinig ako ng katok sa labas, ewan ko kung sino 'yon wala naman akong pake, si Manu lang ang tanging ini-isip ko sa ngayon.
"oh ikaw pala, 'di ba ikaw yung kaibigan ni Manu na dumalaw sa hospital?" ani Mama na nagpabalik sa ulirat ko. Si Davis 'yon. Dali-dali akong lumapit sa may pintuan.
"yes, it's me" nakangiting tugon ng bisita.
"k-kamusta ang lagay ng asawa ko?" aligagang tanong ko.
"Halika hijo ma upo ka muna" pag-iiba ni Mama sa usapan at tinignan niya ako ng makahulugang tingin. Marahil ay masyado kong gustong malaman ang tungkol kay Manu ng hindi manlang pinapaupo si Davis.
"thanks" tipid na sagot nito.
Pumuntang kusina si Mama upang kumuha ng ma iinom.
"k-kamusta ang asawa ko Davis? Uuwi na ba siya? Makakasama na ba namin siya?." tanong ko.
"I'm sorry pero ayaw mag bigay ng information ang pamilya niya tungkol sakanya" sagot nito sa mababang tono.
"napaka sama nila," tugon ko at unti unting tumulo nanaman ang mga luha.
humugot siya ng cheke at naglagay ito ng malaking halaga.
"hindi mo kailangan gawin yan, 'di mo dapat kami tinutulungan si M-manu dapat ang tutulong sakin para sa anak namin."
"trust Manu, I'm sure hindi pa siya okay kaya hindi pa siya nakakauwi sainyo hanggang ngayon." pampalubag loob nito.
"Paano kung ayos na siya? At k-kinalimutan na niya kami dahil sa pamilya niya?" sobrang sakit isipin na magagawa niya sa amin ng anak niya yon.
"hinding hindi niya kayo kakalimutan alam ko, mahal niya kayo ng anak mo. Mag tiwala ka lang sakanya." pangungumbinsi niya.
Tumango tango ako. "tama, mahal niya kami at hindi niya gagawin samin 'yon" tugon ko para magkaroon pa ng pag-asa. Dahil kung tatanungin ako ngayon nawawalan na ako ng pag-asa para bumalik pa si Manu samin dahil isang buwan na rin nang umalis sila ng bansa.
"here" abot niya sa akin ng cheke.
"maraming salamat Davis." ngumiti siya at tila may hinahanap.
"where is your baby?" tanong nito.
Sakto naman ang pagdating ni Mama kasama ang a-anak ko. Hanggang ngayon ayoko pa rin siyang hawakan dahil na aalala ko ang dahilan kung bakit hindi ko kasama si Manu ngayon. Kung hindi ako nanganak ng araw na yon kasama ko pa sana ang asawa ko.
"naku pasensiya kana hijo 'diko pa nadadala ang inumin mo, iyo kasing si baby Maple umiyak kaya kinarga ko muna." nakangiting kwento ni Mama.
"ahh, k-kunin ko lang yung ma iinom mo Davis." paalam ko para maka iwas sa bata.
"she's beautiful mana sa mga magulang, half isabella and half Manu ang magandang mukha." rinig kong sabi ni Davis.
Kung sanang andito si Manu ma aalagaan ko sila ng anak namin, pero sa ngayon 'di ko pa kayang harapin ang anak ko.
Patawad anak.
"eto na ang ma i-inom mo." sabat ko sa usapan nilang dalawa ni Mama.
"kailan ang binyag ng baby mo?" tanong ni Davis.
"A-ahh, hindi ko pa napag i-isipan." utal na sagot ko.
"you should planning then, I want to be her Ninong," nakangiting tugon nito.
"Naku narinig mo 'yon baby Maple? gusto ka maging ina anak ni tito gwapong Davis mo." kwelang sabi ni Mama.
Umalis na rin si Davis agad dahil may meeting pa raw ito. At ako eto bumalik sa kwarto namin ni Manu, inaalala ang bawat sandaling magkasama kaming masaya at walang problema.
Unti-unting tumulo nanaman ang mga luha ko, hanggang kailan kaya ako magkakaganito? Hanggang kailan ko tatanggihan ang anak ko sa tuwing umiiyak siya sa gabi? Alam kong bukas ang 1st month birthday ng anak ko. Pinangako ko noon kay Manu na kada buwan bago siya mag i-isang taon e ipaghahanda ko ang anak namin. Pero ngayon ewan ko, parang andaming kulang simula ng nilayo saamin ang asawa ko, pakiramdam ko ako nalang mag isa.
"hindi mo ba naririnig ang anak mo?" tanong ni Mama
Alam kong kanina pa siya umiiyak at pinapatahan ni Mama pero ako eto walang pake habang nakahiga sa kwarto.
"Ma, ikaw na po muna ang bahala sakanya, hindi ko pa kaya." tugon ko.
"kung hindi mo pala kaya edi sana hindi ka nag anak kung ganoon! Kailangan ka ng anak mo. Ano 'yon wala na nga ang tatay niya pati ba naman ikaw aabandonahan mo ang anak mo?" galit na sabi nito.
"hindi mo 'ko naiintindihan Ma," maiiyak ng tugon ko.
"Bahala ka, paano kung hindi na bumalik ang asawa mo? Ano habang buhay mo siyang itataboy?" madamdaming ani Mama.
Hindi nalang ako kumibo dahil pumatak na naman ang mga luhang walang katapusang bubuhos yata.
"ate?" katok ni Wayne sa pintuan ng kwarto ko dahil inilocked ko 'yon matapos ang pag uusap namin ni Mama.
"busog ako Wayne" tugon ko.
"pagbuksan mo 'ko ate." pamimilit niya.
Binuksan ko ang pinto at 'di nga ako nagkamali dahil may dala siyang hapunan.
"ate one month na si baby Maple bukas, 'di ba sabi mo rin sakin noon ce-celebrate natin ang monthly birthday niya bago siya mag one?" walang patid na salita na animong na e-excite.
"kalimutan mo na 'yon." walang ganang sabi ko.
"kawawa naman si baby Maple kung ganon, mga ibang baby sine-celebrate ng magulang nila yung birthday nila habang si Maple hindi." naka ngusong tugon nito.
"kung andito lang si kuya Manu siguradong may cake at maraming handa si baby Maple ate." dagdag pa nito.
"sige na sige na paghahanda na natin siya, samahan mo nalang akong mamili bukas." tamad na tugon ko.
"Yey! Kami nalang ni Mama ate ang bibili ng panghanda ni Maple bukas ate. Bantayan mo nalang si baby mo." masayang wika ulit nito, ngunit agad akong tumanggi.
"tayo na ang mamimili ng handa, ayokong mag bantay sakanya." tugon ko pa.
"Oo na ate, kumain kana baka lumamig pa 'tong masarap na luto ni Mama oh." kinuha ang kutsara na animong ginagaya ang paglipad ng eroplano papunta sa bibig ko.
Tinignan ko ito sa nanlilisik kong mga mata at binitawan nito ang kutsara, "ito na nga ate aalis na haha." umalis ita ng tawa tawa.
Kailangan ko na nga sigurong alagaan ang anak ko dahil unti unting naliliwanagan ang isip ko na baka hindi na bumalik si Manu sa amin.
BINABASA MO ANG
My Multi Billionaire Husband
Storie d'amoreWarning: Mature Content Inside This story is work of fiction. The Characters, places, Name etc. It is only from the imagination of the author. Hi guys, this is my first story here in wattpad. So I hope y'all understand the typo's and grammatical err...
