Five thirthy na nang magpasya akong umalis sa bahay nila Mama, iniwan ko muna sakanya si Maple at dinahilan na pupuntahan ko lang si Manu. Mabuti nalang at hindi na siya nag usisa pa.
Pinasadahan ko ang sarili sa salamin bago tumuloy kung saan ang condo ni Celena. Nag ayos ako at sinuot ang pinaka maganda kong bestida sa lahat, hinayaan kong lumugay ang maalon kong buhok at nag lagay ng kaonting pampaganda sa mukha.
Alas sais na nang makarating ako sa pupuntahan. Tinignan ko pang muli ang address na binigay ni Celena upang makumpirma na ito na nga ito. Huminga ako ng malalim Bago kumatok ng tatlong beses.
Bumukas ito at bumungad ang pagmumukha ni Celena.
"I know you're coming, come in." Nakangising alok nito.
Malaki ang condo at sa isang tingin mo lang ay malalaman mong mayaman talaga ang may ari nito.
Nawala nag pag iisip ko nang marinig ang mga halakhakan.
Pumintig ng malakas ang puso ko at nagsimulang manginig ang kamay at labi ko.
"I told you." Si Celena bago ko masilayan ang masayang ngiti ni Manu. So totoo nga.
Para bang may dumaang anghel nang mapansin sila ako. Pinasadahan ko ang nasa hapag ang angkan ni Manu at ang sigurong pamilya ni Celena.
Nakita ko sa mga mata ko ang pag tayo ni Manu kaya binalik ko ang mga mata ko sakanya.
Rumihistro nag gulat at akmang lalapit ito nang itinaas ko ang kamay ko."Diyan ka lang. Wag kang lalapit."
Kinalma ko ang sarili hindi ko ma atim ang lahat ng ito.
"Who invite this cheap and uneducated girl here?." Kalmado pero kunot noong sabi ng lolo ni Manu na walang kasing sama.
"I invite her here Lo, in fact she's invited in our wedding. 'di ba Bella?" Ngising baling baling sa akin ng bruha.
"Can you please stop! Love let's go." Ani Manu. Nakalapit na pala ito ng hindi ko namamalayan.
Hinila ko pabalik ang kamay ko. "Totoo ba?!" Tanong ko at pilit kinakalma ang sarili para hindi umiyak dito. Ramdam kong hindi ako welcome sa pamilya niya sa tingin pa lang ng lolo niya at mga magulang ni Celena para na silang nandidiri sa akin.
"Love, let's go and talk. Let me explain okay..?" Namumungay ang mata at parang pagod na sabi ni Manu.
"No need to explain, alam ko ang lahat." Matigas na sabi ko at sinampal siya ng buong lakas.
Serves you right.
"Paano mo nagawang gaguhin kami ng anak mo?!" Nangagalaiting sabi ko.
"At kayo! Paano niyo naatim na pahiram ang anak ko na sarili niyong kadugo! Mga wala kayong puso!" Buong pwersa ko silang sinigawan.
"Malay ba naming sa apo ko nga anak ang batang iyon. Dati kang hostes hindi ba?!" Anang hipocritong lolo ni Manu.
"Shut up Lo!" Dumagundong ang boses ni Manu sa lakas ng sigaw niya.
"Bakit hindi mo pa aminin na ginamit mo lang yan para makuha ang anak mo kuno?" Dagdag pa ng Lolo niya.
Gumuhit ang sakit sa dib-dib ko. Bakit kailangan pang idamay ang anak ko? Mga walang awa!
"Simula ngayon sainyo na ang anak niyo at ang apo niyo! Magsamasama kayong lahat mga matapobreng maitim ang budhi!" Matapos no'n ay umalis tumakbo ako. Bumuhos ang mga luha ng pagtataksil.
"Love!" Sigaw ni Manu.
Tumakbo ako sa abot ng makakaya ko at sumakay sa elevator. At bago pa makasakay si Manu ay nagsara na ito.
Napaluhod ako sa panghihina. Parang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko at walang sawang pumapatak ang mga luha ko.
Simula sa araw na 'to hindi ko na hahayaang may manakit sa amin ng anak ko. Hindi ko na hahayaang apak apakan ako.
Tumayo ako bago bumukas ang elevator at pinunasan ang mga luha ko. Pumara agad ako ng taxi pauwi ng bahay namin para kumuha ng mga gamit namin dahil hindi ko naman makukuha lahat 'yon, at baka abutan pa ako ng magaling na traydor kong asawa.
Pag-uwi ko ay hinanap ko agad ang anak ko.
"Isay ano yan at dala mo ang mga gamit niyo? rito ba muna kayo pansamantala?" Tanong ni Mama ng makita ang mga gamut namin ni Maple.
"Hihiwalayan ko na po si Manu Ma," sabi ko at tinignan siya hawak niya ang anak ko. Tumulo ang mga luhang akala kong wala na. Akala ko naibuhos ko na lahat hindi pa pala.
"Mama." Ani Maple at nagpapabuhat sa akin.
Kinuha ko siya mula kay Mama at hinalikhalikan.
"Anong sinasabi mo anak. Anong hihiwalayan si Manu? May problema ba anak? Mag sabi ka lang makikinig si Mama." Ani Mama at hinaplos haplos ang buhok ko at tiyaka ako niyakap.
Lalong bumuhos ang mga luha ko. At ang nararamdaman kong sakit noon ay hindi ko inaasahan n amararamdaman kong muli ngayon.
Isinaad ko ang lahat kay Mama at galit na galit siya at sinabing hindi na niya aayaan na makalapit pa si Manu sa amin ng anak ko. Ganoon din si Wayne ng malaman niya.
Ni lock ni Mama ang mga pinto at isinarado ang lahat ng mga bintana para kung sakalimg pumunta si Manu rito ay hindi siya makapasok.
At hindj nga kami nagkakamali at fumating siya. Katok ng katok sa pintuan.
"Love, alam kong nandiyan ka, buksan mo 'tong pinto mag-usap tayo mahal." Pagmamakaawa niya.
"Mama, Wayne. Sige na naman oh buksan niyo na po itong pinto apra makausap ko ang anak niyo Mama. Uuwi na po kami, wala po akong kasama sa bahay." Aniya ng nagpasakit muli ng damdamin ko.
Hinintay ko siya ng ilang linggo at ngayon niya gustong makasama kami ngayong wala na sira na lahat ng binigay kong tiwala sakanya.
Nagtago ako nang buksan ni Mama ang bintana oara paalisin si Manu
"Umalis ka na rito, wala ka ng pamilya, umuwi ka nalang sa bago mong mapapangasawa gago ka!" Inis na sabi ni Mama.
"Mama please po kahit saglit lang kakausapin ko po si Bella." Nanghihina ang boses niya na parang pagod na.
"Wag mo 'kong matawagtawag na Mama matapos mong saktan ang anak ko Manu! Umalis ka na at wag kanang babalik pa."
Sinarado ni Mama ang bintana at lunapit sa akin at niyakap ako. Hindi na rin nagsalita at nangulit pa si Manu. At narinig namin ang sasakyan tanda ng pag alis niya.
"Salamat po Mama." Aniko at hinigpitan pa lalo ang yakap kay Mama. Tulog na si Wayne dahil pagod ito sa trabho kaya hindi siguro rinig ang boses ni Manu. Kung alam lang no'n siguradong magagalit at aawayin pa ito.
Salamat sa Diyos at may Mama at kapatid pa rin akong masasandalan. Walang kasing sarap ang may isang inang magtatanggol sayo at magmamahal sayo ng walang kapalit. Totoo nga ang kasabihan na gagawin lahat ng ina upang ma protektahan lang ang anak. Kaya sa tulad kong may nanay pa ay sana mahalin nila ito at wag pagsalitaan ng masama. Dahil ang nanay lang ang magiging kakampi mo sa lahat.
BINABASA MO ANG
My Multi Billionaire Husband
RomanceWarning: Mature Content Inside This story is work of fiction. The Characters, places, Name etc. It is only from the imagination of the author. Hi guys, this is my first story here in wattpad. So I hope y'all understand the typo's and grammatical err...