Life is not easy, life is not life without problems. And problems reminds us that we're alive. But the important is, even the most massive problems comes into our life, we still choose to survive. Life is a survival and if you're weak to fight for it , you can't win for it.
Sometimes you'll drown by your own tears. And no one will save you at your darkest time, but yourself. Yes life is not easy but it's still will be worth it at the end of the day.
Yan lang ang natutunan ko. Ang lumaban at magpatuloy marami mang trahedya ang dumating nanatili pa rin nakakapit kahit na isang pursiyento pa yan, may tiyansa pa rin naman. And sometimes it's okay to feel not okay, kase yung iba minsan sa atin they let their selves breakdown to feel the pain until it hurts no more. Kasi ang pag-iyak ay process ng healing.
Ngayon I can say na masaya na ako. Masaya na muli dahil kasama ko na ang nagpapasaya sa buhay ko. He's imperfect. He did a mistake. He's the one who hurt me the most. But still, I love him despite of those flaws and imperfection that I felt for him.
We're now living in our dream house. Masaya at payapa. Hindi perpekto pero masaya.
I can't believe na darating ako ulit sa ganitong yugto ng buhay ko, ang maging masaya dahil walang kulang sa puso ko. I thought wala ng pag-asa. Na walang 'di dadaang mga araw na ramdam kong may kulang. Wala talagang impossible sakanya.
Pinikit ko ang mga at ngumiti para mas damhin ang pananampalataya ko sakanya.
Lagi na kaming nagsisimba tuwing linggo para sa family day namin. Pag-tapos no'n ay tsaka kami mamamasyal.
At sa pamilya naman ni Manu ay humingi na sila ng tawad lalo na ang mommy niya. Ayaw man ni Manu ay kinumbinsi ko ito dahil ayokong makaramdam pa rin ng sama ng loob lalo na siya dahil pamilya niya ang mga ito.
Si Celena naman bumalik na ng U.S, kahit 'di siya humingi ng tawad sa akin ay pinili ko nalang itong patawarin. Ang isang hindi pa namin nakakausap ay ang Lolo ni Manu. Nakalabas na raw ito ng hospital at nasa bahay na, lagi raw nitong gustong makita at makausap si Manu. Kaya mamayang pagkatapos mamasyal ay pupunta kaming mansiyon para sa dinner at para na rin makausap na ng asawa ko ang lolo niya.
"Bibi!" Ani Maple na naka karga sa ama at tinuturo ang baby na kandong ng ina nito sa kabilang table. Kakain kami ngayong lunch dito sa isang sikat na restaurant.
"You want a baby brother Maple?" tanong ni Manu sa anak.
Pumiglas naman si Maple na wari mo'y excited. "Bibi, bibi!"
"Mommy baby daw sabi ni Maple, paano ba yan?" Ani Manu na naka ngisi at tinataas taas pa ang mga kilay.
"Manahimik ka riyan!" Irap ko.
"Asus." Nguso nito para takpan ang ngiti.
"Tss, k-kailan mo ba gusto?" Tanong ko at nag iwas ng tingin.
"Damn!" aniya at hindi na napigilan ang pag ngisi.
Lumapit ito at bumulong. "I want you right now."
Nanindig ang balahibo ko dahil do'n!
"Baliw! Umayos ka nga riyan."
"Later at home." Dagdag pa nito at kumindat.
Ang gwapong manyak talaga ng asawa ko.
5 pm nang makarating kami sa mansiyon nila. Pinaghaling kaba pa rin ang nararamdaman ko dahil ngayon na lang ako ulit nakatapak sa mansiyon na ito. Hindi maganda ang huling punta ko rito pero sana ngayon maayos na.
BINABASA MO ANG
My Multi Billionaire Husband
RomansaWarning: Mature Content Inside This story is work of fiction. The Characters, places, Name etc. It is only from the imagination of the author. Hi guys, this is my first story here in wattpad. So I hope y'all understand the typo's and grammatical err...