Habang na rito si Manu nag kulong lang ako sa aking kwarto. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko sa mga oras na 'to.
Inaamin ko sa sarili ko na masaya ako, hindi ko man ma amin sa sarili ko pero alam ko na may parte sa puso ko na masaya dahil nandito siya at kasama ang anak ko. Pero mahirap tanggapin ang ginawa niya sa amin noon.
Basta ang alam ko lang paninindigan ko lahat ng sinasabi ng isip ko.
Isang katok ang gumising sa 'kin dahil sa pag-idlip nakatulugan ko na pala ang pag-iisip kanina.
Isang katok muli ang ginawad ng nasa labas kaya nagpasya na 'ko na buksan ito.
Pagbukas ko nito'y tumambad sa harap ko si Manu. Eto na naman.
Pumasok ito ng walang pahintulot ko.
"We need to talk" daretsahang sabi niya.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa" tamad na sagot ko.
Isinara niya ang pinto at humarap muli sa 'kin.
"I love you. And I'm sorry for what I've done." aniya at hinawakan ang dalawang kamay ko.
Pumiglas ako sa mga hawak niyang iyon.
"Umalis ka na" tila pagod na sabi ko.
"No, ayokong umalis hanggat hindi ko lahat na ipapaliwanag sayo ang mga nangyare when I'm away on you." kunot noong sabi niya at ang mga mata nito'y tila nasasaktan.
Ayoko muna marinig ang lahat ng paliwanag niya dahil hindi pa ako handa para roon. Hindi pa nag si-sink in sa utak ko na narito siya at nanghihingi ng chance.
Gusto ko munang mag-isip ng tama at kung paano gagawin para rito, sa ngayon ang anak ko muna ang prioridad ko.
Mayaman si Manu, maraming koneksiyon ang pamilya niya pati na rin siya. Baka pag tuluyan ko inilayo si Maple sakanya'y gamitin niya ang yaman niya para mapasakanya si Maple. Alam kong hindi na ako ang puntirya niya kaya siya naririto kundi ang anak ko. May girlfriend na ito sa ibang bansa.
Kaya hahayaan ko na siyang makita ang anak ko, tutal may karapatan siya pero hindi ibig sabihin no'n makukuha niya ang anak ko mula sa 'kin.
"Umalis kana, kung gusto mo pang makatapak dito at makita si Maple." matigas na tugon ko.
"But I-"
"Umalis kana!" putol ko sa sasabihin pa niya.
"Fine, I'm sorry" bagsak ang balikat na sabi niya.
Hinahayaan ko siya at nang makaalis na ito'y kinarga ko si Maple na ngayo'y tulog na.
Nilagay ko siya sa kuna. Hinalikan ko ang noo nito at pinagmasdan siya habang mahimbing na natutulog.
Pumatak ang mga luha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung uunahin ko ba ang nararamdamang galit ko sa Ama na o uunahin ko ang pangangailangan ni Maple sa ama niya.
Alam kong mahirap ang hindi buo ang pamilya at ayokong maranasan ni Maple 'yon.
Luminga ako sa mga sulok ng kwartong kinalalagyan namin ngayon. Isang dingding na sira, walang aircon at isang standing fan lang ang meron kame na walang takip sa harapan. Isang magaspang na pader dahil walang platada ng cemento at isang maliit na kama. Malayo sa mansion nila Manu at malayo sa bahay na binili niya para sana sa 'min noon.
Mas magsisipag pa 'ko lalo para sa anak ko, para kapag lumaki ito'y hindi niya ipagkukumpara ang kaya kong ibigay sa maibibigay pa ng Ama niya.
Lumipas ang mahabang gabi at umaga na naman, hindi ako nagtinda sa palengke ngayon dahil araw ng sabado ngayon at inulalaan ko ang araw na ito sa anak ko.
BINABASA MO ANG
My Multi Billionaire Husband
RomanceWarning: Mature Content Inside This story is work of fiction. The Characters, places, Name etc. It is only from the imagination of the author. Hi guys, this is my first story here in wattpad. So I hope y'all understand the typo's and grammatical err...