A/N: hey guys papalitan ko po yung title ng story kong ito. Kaya asahan niyo na po 'yon, popost ko po mamaya yung title sa timeline ko.
Chapter 21.
Isang linggo na ang lumipas simula nang umuwi si Manu sa Manila. Sa isang linggo na ang balik niya rito kaya hindi ako makapag hintay na sumapit ang araw na 'yon. Kasalukuyan akong nag seserve sa coffee shop na pinag ta-trabahuhan ko ngayon nang biglang may bagong dumating na customer kaya na pa lingon ako roon at biglang naka ramdam ng kaba.
Anong ginagawa ng Lolo ni Manu sa mumurahin na coffee shop na 'to? Tanong ko sa isip ko.
Inilibot ng matanda ang paningin. At nang mapadpad ang mga mata nito sa'kin ay naglakad ito patungo sa direksiyon ko at tumigil sa harapan ko.
"Goodmorning po. Ano po ang order niyo?" tanong ko habang hindi maka tingin ng daretso sa mata niya. Kinakabahan ako dahil nang una kaming magkita ay hindi maganda ang pakikitungo nito sa'kin.
"Gusto kong mag usap tayo tungkol sa apo ko" sabi nito ng walang pa ligoy ligoy.
"A-ahhm, sge po mag pa-paalam muna po ako sa Amo ko" tugon ko. At tumango lamang ito. Pagtapos kong mag paalam sa amo ko ay binalikan ko agad ang Lolo ni Manu.
Pagbalik ko ay hindi ko na makita ito at tanging body guard lang nito ang nakita ko. Lumapit sa'kin ang isang body guard nito at sinabi sa'kin na hinihintay ako ng lolo ni Manu sa sasakyan nito.
Diyos ko tulungan niyo po ako! Kina-kabahan ako!!
Prenteng naka upo ang lolo ni Manu sa back seat ng sasakyan at binalingan ako. Umupo ako sa tabi nito.
"Hindi na 'ko magpa-pa-ligoy pa. I don't really like you to my grandchild." aniya ng mahinahon na boses.
Sabi ko na nga ba. May masamang balak siya kaya pinuntahan niya ako sa shop.
"Pero mahal ko po ang apo niyo" seryosong tugon ko. Masakit para sa'kin ang mga lumalabas na pang i-insulto mula sakanya.
"Haha, wag na tayong mag lokohan dito. Alam ko naman na pera lang ang habol mo sa apo ko!" kunwaring tawa nito na may halong inis."Magkano ba ang gusto mo? Limang million? Bibigyan kita at iwan mo lang ang apo ko" dagdag pa nito.
Sobra na siya. At kahit na anong sabihin niya, hindi ko iiwan si Manu! Kahit ilang million pa ang ibigay niya. Nangako ako kay Manu na kahit anong mangyare ay hindi ako mawawala sakanya.
"Kahit ilang million pa ho ang ibigay niyo, hinding hindi ko iiwan ang apo ninyo dahil mahal ko siya" sabi ko ng matigas na boses.
"stupida! Hindi kayo bagay ng apo ko! At kapag hindi mo siya hiniwalayan. Hindi ko ibibigay ang lahat ng Mana ko sakanya at patatalsikin ko siya sa kompanya at itatakwil ko siya sa pamilya namin! Tignan ko lang kung hindi mo pa siya hiwalayan kapag wala ng pera ang apo ko ni isang kusing." pagbabanta niya at nagtitimpi ng galit.
"Aalis na po ako dahil may trabaho pa ako" pag papaalam ko. At bumaba na at dali dali akong naglakad papasok ng coffee shop. Dahil baka hindi ko mapigilan ang luhang nagbabadya sa mga mata ko.
Hindi ko na kaya ang pagbabanta niya. Sa totoo lang ay natatakot ako sa sinabi niyang tatanggalan niya ng Mana at itatakwil niya si Manu, dahil ayokong maghirap siya dahil lang sa'kin.
Hindi ko kayang iwan ang lalaking mahal ko. Hinding hindi.
Limang araw na ang lumipas nang simulang nagkita kami ng Lolo ni Manu. Ilang araw na gumugulo sa isip ko ang lahat ng sinasabi niya. Kahapon ay bumisita siya sa bahay at pinag bantaan na naman niya ako tulad ng sinabi niya sa sasakyan noon. Nawawala lang sa isip ko 'yon sa t'wing nag uusap kami ni Manu sa telepono, gumagaan ang loob ko at nawawala sa isip ko ang pagbabanta ng sarili niyang Lolo.

BINABASA MO ANG
My Multi Billionaire Husband
RomanceWarning: Mature Content Inside This story is work of fiction. The Characters, places, Name etc. It is only from the imagination of the author. Hi guys, this is my first story here in wattpad. So I hope y'all understand the typo's and grammatical err...