MMBH-34

4.6K 89 6
                                    


Totoo ba 'to o nag iilusiyon lang ako?

Tumulo ang mga luha ko, bakit siya na rito?

Bakit nakikita ko sa mga mata niya ng labis na pangungulila?

Niyakap niya ako. Sobrang higpit.

"I miss you Love," gumagaralgal na boses na sabi niya.

Nanlumo ako sa mga katagang sinabi niya, na parang napapalitan non ang mga sakit na idinulot niya isang taon at higit nang lumipas. Parang nanumbalik ang lahat ng nararamdaman ko sakanya.

Pero kumalas ako.

"Bakit ka pa bumalik?" sarkastikong tanong ko.

Naglakad ako pantungong counter para magbayad at makaalis na rito.

"Ofcourse for you and to our b-baby." ewan pero bakit parang may pangungulila sa tono ng boses niya. Na para bang nasasaktan siya.

Pagak akong natawa. "Para saan pa? Hindi ka na namin kailagan"

Naglakad ako palabas ng grocery store at magtatawag na sana ng masasakyan ngunit bigla niyang hinablot ang palapusuhan ko at dinala sa mamahaling sasakyan. Sports car ito.

"Ano ba!" pigil ko nang binuksan niya ang pinto ng sasakyan at ipinasok ako roon.

Mabilis itong umikot patungong driver seats.

Pag pasok niya agad nitong pinaharurot ang sasakyan.

Hindi ako kumikibo hanggang sa itigil nito ang sasakyan sa may tabing park. Tinted ito kaya hindi makikita ang loob.

Humarap ito sa 'kin ngunit nanatiling nasa harap ang tingin ko.

"I'm sorry, I know my sorry are not enough for what I've done to you and to our baby." nagsusumamong sabi niya.

"Anak ko lang Manu." pagtatama ko.

Hinawakan nito ang kamay ko at dinala sa kanyan nga labi at hinalikan.

Hinarap ko siya.

"Dapat hindi ka na bumalik, M-masaya na 'ko kahit... w-wala ka." garalgal na sabi ko.

"Dahil ba kay Davis?" tumawa ito at hindi naniniwala sa sinabi  "I know it's not because of him." paniniyak niya.

"P-paano kung sabihin kong Oo, na siya ang dahilan kung... bakit sumaya ako ulit dahil iniwan mo kami." nagsimulang tumulo ang mga luha ko.

"Please... Don't say that, It's not because of him." nanlulumong tugon niya.

"Bumalik ka nalang kung saan ka nararapat, hindi ka namin kailangan ni Maple." matigas na sabi ko. Pero ang totoo sobrang nanghihina ako.

"M-maple, I like her name. I want to see her."        aniya na na e-excite.

"Ang lakas din ng apog mo e 'no? Pagkatapos mong iwan kame ni Maple, ganon ganon ka nalang magsasalita na parang sa kahit anong oras gusto mong makita pagkatapos ng lahat?" tumulo ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan bumalik na naman 'yung sakit sa bawat araw na dumaraan ng wala siya noon.

"Wala kang kwentang ama Manu." may diing sabi ko.

"I know, but please hear me out first. I will explain everything to yo-" hindi ko na siya pinatapos.

"Hindi na kailangan, at hindi ko hahayaang makita mo ang anak ko." kasabay nito ang mabilis na pagbaba ko sa sasakyan niya at tumakbo at sumakay sa tricycle.

My Multi Billionaire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon