MMBH-40

4.7K 80 12
                                    

Sumunod ito sa 'kin hanggang sa kwarto.

"So bakit nga alam niya na ikaw ang nagluto no'ng kare-kare?" tanong muli nito.

"Alam ni Davis na ako lang ang nagluluto ng kare-kare rito sa bahay okay. Laging iyon ang request niya kapag nagpapaluto ng ulam." ani ko.

"It's him, kaya ka nagluto ng kare-kare." hindi 'yon tanong.

"Hinde, 'di ko alam na paparito siya ngayong lunch nagkataon lang." nahihirapang paliwanag ko. Pati ba naman ang pagluluto ng kare-kare Manu!

"Tss, gusto ko kayong masolo si Maple bukas. Lalabas tayo at mamamasyal." anito na parang sure siya na papayag ako.

Well, papayag naman talaga ako.

"Osige. Anong oras ka ba paparito?" ngusong tanong ko.

"Hindi na ako paparito dahil dito naman ako matutulog kasama niyo." pinal na sabi nito. Aba!

Taas kilay ko siyang tinignan. "At saan ka naman matutulog aber?"

Tumaas ang dalawang makakapal na kilay nito. "Ofcourse here in your room."

"Sa sala ka matulog." ani ko at lumabas papuntang sala para daluhan si Maple.

"Asawa kita, kaya kung saan ka matutulog doon din ako."

"Tss, simula no'ng umalis ka nabago na 'yon." sarkastikang sabi ko.

Natahimik dahil do'n.

Seryoso na ngayon ito at naka kunot ang noo. "Please. I know marami akong pagkukulang, pero sana wag mona ipamukha pa 'yon. I regret what I've done." anito at iwan ako. Kinuha niya si Maple.

Nagtampo pa!

Buong araw ay si Maple ang kaharap niya. Nakuha na matulog ni Maple pero hindi siya umalis sa tabi ng anak. Minamasdan niya ito mula pa kanina na animoy mawawala sa paningin niya kapag nalingap siya.

"Miss na miss niya talaga ang anak niya." ani Mama at tinulungan akong maghanda ng makakain sa hapunan.

Nginitian ko lang ito. "Ang sabi niya'y dito raw siya matutulog Ma."

Tumango si Mama."Ayos 'yan, para naman masulit niya ang anak niya."

Lumipas ang hapunan at nakasimangot si Manu 'pag nagtatagmo ang tingin namin.

"Maple tabi tayo matulog mamaya ok?" pagkakausap nito sa anak.

"Kami ang tabi matulog niyan." sabat ko.

"Oo nga tabi-tabi tayo matulog." nakangiti na ito ngayon.

"Sa sahig ka." tipid na sagot ko.

"Did you hear that baby? Your Mommy's being harsh on me!" ngusong sumbong nito kay Maple. Natawa naman ako sa nguso niyang iyon.

"Dada, Mama." tugon naman ni Maple at humagikhik ito.

Akala ko noon hindi ko na mararanasan ang ganitong eksena kasama si Manu. Pero eto siya ngayon binibigyan sigla ulit ang buhay namin. Pilit ko mang kamuhian siya hindi ko magawa, gano'n siguro talaga kapag mahal mo talaga 'yung tao. Wiling kang magbulagbulagan sa lahat ng masaklap na nangyare sa nakaraan.

Nang gabing iyon ay kasama namin matulog si Manu. Nasa gitna namin si Maple, kumpletong pamilya kaming natulog sa gabing iyon, at ang sarap sa pakiramdam na buo kami.

"Shh.. Baby. Mommy's sleeping wag tayong maingay." dinig kong sabi ni Manu bago ako magmulat ng mata. Pinagmamasdan ako habang tulog!

"Goodmorning love!" masiglang bati niya at amoy na amoy ko ang mabango nitong hininga. Gosh! amoy panis na laway yata ang hininga ko!

My Multi Billionaire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon