Chapter 26.
Lumipas ang ilang buwan nagiging halata na ang paglaki ng aking tiyan, noong palang nabalitaan ni Mama at Wayne na buntis ako ay napaka saya nila dahil madaragdagan na raw ang lahi namin. Nag celebrate kami at nagsimba ni Manu upang mag pa salamat sa panginoon sa biyayang ibinigay niya sa amin ng asawa ko. At ngayong lumalaki na ang tiyan ko, diko maiwasan na ma excite lalong lalo na ang asawa ko, walang gabi na hindi niya kinakausap ang magiging baby namin at kinu-kwentuhan niya ito.
Sa ngayon ay naglilinis ako ng bahay dahil maalikabok na ng konti ito, napansin ko rin sa sarili ko na nagiging ma arte ako sa lahat ng bagay, ni ayokong nakaka kita ng mga kalat dito sa loob ng bahay.
" Love, bitawan mo nga yan magpahinga ka lang sa kwarto at ako na ang bahala dito na maglinis." biglang sulpot ni Manu. Isa pa 'tong asawa ko, ni ayaw nya rin akong napapagod at maglinis man lang sa bahay. Lagi na niya akong pinapagalitan dahil sinusuway ko siya. Nag lilinis pa rin ako sa bahay kapag hindi niya nakikita, ewan ko ba at napaka O.A ng asawa ko. Napangiti ako pag na iisip ko ang galit niyang mukha kapag nahuhuli niya akong maglinis.
" ito lang naman love, magaan na trabaho lang naman 'to e. At saka.. Baka tumaba ako niyan sige ka papangit ako." sabi ko na kunwaring nagmamaktol.
"No, ayokong nakikita kang napapagod. Baka mapano pa si baby kapag nag matigas ka pa na mag linis ulet, and I don't care if you gain weight at magmanas pa yang buong mukha mo at katawan, I'll still love you no matter what."
" I love you." tanging salitang nasambit ko dahil sa mga luhang pumatak mula sa mga mata ko. 'di ko expect na sa akin mapupunta ang isang Manu Rios na ubod ng gwapo at bait na asawa at mapagmahal pa. Napaka swerte ko, sana ay walang magbago....
"a cry baby again huh?" aniya at hinalikan ako at yinakap. "I love you too and I will say those words to you everyday and every minute love." aniya at pinunasan ang luha ko.
Swerte pa rin pala talaga ako, ang akala ko dati puro hirap nalang ang mararanasan ko, hindi pala. Dahil binigay sa akin si Manu at pinaligaya at binigyan niya ng kulay ang mundo ko. At walang hihigit sa kaligayahan kong iyon.
Kinagabihan maaga akong natulog dahil parang sobrang bigat ng pakiramdam ko. Ni hindi ko na naman nga naasikaso ang asawa ko, siya lahat ang gumawa trabaho dito sa bahay tapos ako pa 'tong tamad. Hindi ko na yata nagagawa ang mga responsibilidad ko bilang asawa.
Maaga naman akong nagising at naghanda ng almusal para sa asawa ko. Nag luto na rin ako ng lunch niya na ipapabaon ko sakanya para naman makabawi ako kahit konti man lang.
Habang inahanda ko ang almusal nagulat ako ng biglang may humakap sa akin at inamoy ang leeg ko. Syempre sino pa ba edi ang gwapo kong asawa, naka boxer lang siya at ang bango halatang bagong paligo lang.
Ang sarap niya today!
Kumuha ako ng kubyertos at giniya siya pa upo. "kain na love, baka ma late ka sa trabaho mo."
"kiss muna" naka ngusong tugon niya.
Kiss lang pala ang nais!
Yumuko ako ng bahagya para mahalikan siya ngunit hindi lang 'yon simpling halik dahil naging malalim iyon at napakasarap. Bumitaw ako sa haliw ng kapusin na 'ko sa paghinga, sayang at gusto ko pa naman kaya lang stop na may trabaho pa siya baka ma late na naman ang mokong.
Anim na buwan na ang tiyan ko ngayon at saktong linggo kaya masasamahan ako ni Manu na magpa ultrasound na para malaman na namin ang gender ng anak namin. Sobrang excited na siyang malaman ito dahil kagabi pa niya bukang bibig ito at gusto niya daw na first baby namin ay lalaki. Ako naman ay kabaliktaran dahil ang gusto ko ay babae, nag talo pa tuloy kami kung anong baby namin.
"Mrs. Forevs kamusta?" tanong ng Oby ko.
"mabuti naman po, Doc" maikling tugon ko.
"siya ba ang tatay ng magiging baby mo Mrs.? Naka ngiting tugon nito.
"ahh.. Opo Doc, siya po ang asawa ko si Manu." pagpapakilala ko.
Tinanguan na lamang ni Manu ang Doktora.
"maganda ang genes niyo, malamang ay maganda o gwapo ang magiging baby niyo." ani pa nito. Tumawa na lamang ako at nag pasalamat sa papuri niya.
"Halika na rito at mahiga kana para malaman niyo na ang gender ng magiging baby niyo."
Una may pinahid muna siyang gel sa tiyan ko at pina ikot-ikot ito sa tiyan ko.
"ayan ang baby niyo, sa ngayon ang paa nito ay nasa bandang pwerta pa ninyo Mrs., kailangan mong maglakad lakad para mag iba ang pwesto niya at mapunta ang ulo siya sa entrance ng pwerta mo." anito.
Bigla namang humigpit ang hawak ni Manu sa kamay ko. Nang pag tingin ko sakanya maluha luha na ang kanyang mga mata at minutawi nito ang salitang iloveyou ng mahina. Hinaplos ko ang mukha niya nginitian ko siya ng may namumuong luha rin sa mga mata ko.
"at eto naman ang ari ng baby niyo Mr. And Mrs., congratulations dahil babae ang magiging anak ninyong dalawa."
"sabi na sayo babae e love,"masayang tugon ko, siya naman ay lumuluha na talaga ngayon kung kanina ay naluluha lang siya ngayon parang hahagulhol na siya sa iyak. "mahal na mahal kita."
"i love you so much more love, I promise that I will take care of you and our baby and I will do my very best to give all you wants and needs." umiiyak pa rin na tugon niya.
"hey tahan na love, meron na tayong little princes soon." sabi ko habang tumatayo sa pagkaka higa para yakapin siya at halikan.
"I love you" ani ko.
"I love you so damn much love"
Eto yung best na regalo ni lord saming dalawa ni Manu. At hanggad ko na sana maging masaya ang bubuoin naming pamilya.
STAY AT HOME GUYS, KEEP SAFE AND ALWAYS PRAY. GOD WILL PROTECT US IN THIS PANDEMIC.
BINABASA MO ANG
My Multi Billionaire Husband
RomansWarning: Mature Content Inside This story is work of fiction. The Characters, places, Name etc. It is only from the imagination of the author. Hi guys, this is my first story here in wattpad. So I hope y'all understand the typo's and grammatical err...
