Chapter 24.
Naalimpungatan ako dahil uhaw na uhaw ako. Napansin kong tulog na rin pala si Manu sa tabi ko at nakayakap sakin.
" Love??" pang gigising ko pero di pa rin siya kumikibo. Pagod na pagod siguro to kanina.
" Love?.." this time nilakasan ko na pag yugyog ko sakanya. Kaya umipekto na.
" Hmmm..? ." inaantok pang sabi niya.
" kuha mo 'kong inumin love. " sabi ko na malapit ng ma irita.
" Seryoso ka ba love? Ayan lang yung ref oh." sabay turo niya sa ref na malapit lang sa may tv. " Nakalimutan mo bang may ref tayo dito sa kwarto, huh love? " sabi pa nito at pumikit.
" Gusto kong ikaw yung kumuha, gusto ko rin yung sobrang lamig." sabi ko at niyugyog ko ulit ang balikat niya.
" Oo na eto na kukuha na po. " sa wakas naman at tumayo na siya.
Uminom ako pero konti lang 'di ko man lang nakalahati yung bottled water. Inilagay na niya ulit sa ref 'yon at umiga na ulit siya. Tinitignan ko lang siya habang ako ay nakaupo pa rin sa kama.
" Love?." tawag ko ulit.
" Hmmm?? ." tamad na at inaatok na sagot niya.
" Gusto ko ng Mani na maraming sili." sabi ko sakanya na parang naglalaway. Shemay gusto ko talagang kumain nun ngayon.
Bigla naman siyang na pa bangon. " Love, sersoyoso ka ba?? Saan naman tayo hahanap nun e alas dos na ng Madaling araw?? ." nawiwirduhan na tanong niya.
" Edi sa palengke, okaya sa mga kanto kanto. " nakasimangot na sabi ko.
" Osige bibili kita pero bukas na, dahil wala ng ganong nagtitinda sa ganitong oras. "
" Ayoko gusto ko ngayon, bilis na ibili mo na ako!! " sabi ko habang hinihila siya ulit pa bangon dahil humiga nanaman ito.
" Basta bukas nalang at matulog na tayo dahil may trabaho pa ako bukas." aniya at pumikit ulit.
Sobrang gusto ko talagang kumain ng mani at feeling ko pag 'di ko nakain ngayon 'yon e magkakasakit ako. At sa sobrang inis ko kay Manu dahil ayaw niya akong ibili e napaiyak na ko.
Narinig niya ang mga hikbi ko kaya napabangon nanaman siya.
" Love naman..bakit ka umiiyak? May nagawa ba ako?? ." tarantang tanong niya.
" E kasi naman ayaw mo 'kong ibili ng mani!." sabi ko habang humihikbi pa rin.
" Tsk, osige na ibibili na kita tumahan ka na dyan. " aniya at hinalikan ako sa noo bago siya tumayo at kinuha ang susi ng kotse niya.
" Gusto kong mani yung walang balat at wala dapat sunog ni kahit isa ahh, at dapat maraming siling labuyo. Ingat ka Iloveyou! ." umiiyak pa ring sabi ko. Tamad lang siyang tumango at umalis na.
Fuck! mura niya ng wala siyang mahanap na mani na pinapabili ng misis niya. Saan ba kasi siya makaka kita ng mani ng ganitong oras??! Ano bang trip ng misis nito at bakit gusto niyang kumain ng ganon.
Ilang oras na siyang pa ikot-ikot pero wala pa rin siyang mahanap na mani. At nang may makita siyang public market na may iilang tao ay Nagtanong siya kung saan may nagtitindang mani.
" Goodmorning po, saan po ba may nabibili ng mani na may maraming siling labuyo? ." magalang na tanong niya.
" Naku hijo, wala ng nagtitinda ng mani ng ganitong oras. Kung gusto mo bumili ka nalang sa maliit na 24/7 na super market dyan sa kabilang kanto at bumili ka nalang ng siling labuyo dito sa palengke at bigyan mo ng konting betchin para masarap." anang medyo may edad na lalaki.
" Sige po Manong, maraming salamat po. " aniya at pumunta siya sa loob ng Public Market at bumili ng limang piraso ng siling labuyo na sobrang pula. Pero bago pa niya talikuran ang matanda ay may sinabi ito sakanya. "Congrats hijo nadali mo." anang lalaki at tumalikod na. Nag kibit balikat nalang siya ng 'di maintindihan ang nais sabihin nito. Pagtapos ay dumaretso na siya sa Super Market na tinuro sakanya ng matanda.
" Love gising na, eto na yung pinapabili mo na mani. " pang gigising ng asawa niya. Agad naman siyang bumangon ng marinig niya ang salitang mani.
Inamoy-amoy pa muna nito ang mani.
" Hindi 'to naluto no?? ." naka simangot na sabi ko.
" Eh kasi naman wala ng nagtitinda ng ganoong mani sa ganitong oras love. " inaantok na sabi ng asawa niya.
" Sorry love, " sabay yakap sa asawa niya.
" It's ok, alam mo namang mahal kita kaya gagawin ko lahat ng gusto mo. " aniya at sabay halik sakin.
" Iloveyou. " sabi ko at hinalikan siya.
" kainin mo na yan at pagtapos ay matulog ka na, alright?." sabi nito at akmang matutulog ulit ng pinigilan niya.
" Sandali lang love, gusto ko hati tayo rito. Sayo yung sili at sa akin naman yung mani." sabi ko.
" But love, alam mo namang 'di ako mahilig sa mga ma-anghang diba?." anito ng pinag- pa-pawisan ang mukha.
" Ayoko! Ang gusto ko kainin mo lahat ng siling to! Kapag hindi mo ginawa wala tayong sex ng isang buwan! " pagsusungit ko. Ewan ko ba kumukulo ang dugo ko o kaya naman ay ma-iiyak kapag 'di nasusunod ang gusto ko.
" ohh sh*t, ano bang nangyayare sayo at bakit ganyang pagkain ang trip mo? " anito na parang sumusuko na.
Hindi ko siya pinansin at ang ginawa ko nalang ay pinag hiwalay ko ang sili at ang mani. Shemayy naglalaway nako sa mga sili pero ayokong ako ang kumain nun, gusto ko ang asawa ko ang kumain nun at gusto ko siyang makitang nagpapawis dahil sa hangang.
" Sayo 'to at akin 'to " sabi ko at inabot sakanya ang medyo karamihang sili. " kainin mo na dali..." na eexcite na sabi ko. Pero para namang nalugi ang mukha niya at parang gusto niyang masuka. Hahaha gusto ko talaga ang reaksiyon niya. Ang gwapo ng asawa ko.
Habang kumakain kami ay naka titig lang ako sakanya. Habang kinakain niya ang sili ay parang nakukuntento ako at parang gumiginhawa ang aking pakiramdam kahit alam kong nahihirapan na siyang lunokin ang bawat pirasong hiwa ng sili.
Saktong nakakalahati palamang niya ang mga sili ay agad na siyang tumakbo patungong ref at kumuha siya ng gatas at agad ininom ito walang awat ang mura niya dahil sa hangang. At pulang pula na ang kanyang mukha at naluluha na rin ang kanyang mga mata. Pero ako eto, tuwangtuwa sa nasasaksihan ko.
" Ubusin mo lahat yan love ahh..? Alam mo na pag 'di mo inubos yan. Tumutupad ako sa usapan." sabi ko at wala naman siyang nagawa. Tumutulo na rin ang sipon niya dahil sa sili. Shemaayyy tawang tawa ako.
" Why you don't eat yours?? " aniya ng nagtataka dahil hindi ko man nakalahati ang maning pinabili ko sakanya. Nag kibit balikat lang ako at humiga na para matulog. Natuwa na naman ako sa reaksiyon niya dahil kulang nalang mapa upo na ito sa sahig.
Don't forget to vote!!!😘
BINABASA MO ANG
My Multi Billionaire Husband
RomanceWarning: Mature Content Inside This story is work of fiction. The Characters, places, Name etc. It is only from the imagination of the author. Hi guys, this is my first story here in wattpad. So I hope y'all understand the typo's and grammatical err...