MMBH-39

4.6K 83 8
                                    


Maaga kaming naglinis ni Mama at naghanda ng pag-kain para sa panauhing kasama ni Manu mamaya. Kare-kare at menudo ang niluto namin dahil paniguradong mayaman ang Celena na 'yon at nakakahiya kung hindi namin paghahandaan ang pag bisita niya.

Handa na ang lahat. Nakapaligo na rin kaming dalawa ni Maple. Ilang minuto lang ang lumipas ay narinig ko na ang tunog ng sports car ni Manu. Sumilip ako at nakitang sasakyan niya lang ang naroon at lumabas si Manu para pagbuksan ng pinto 'yong Celena.

Bakit wala siyang dalang sasakyan. Ibig bang sabihin nasa mansion silang dalawa ni Manu o sa bahay natulog si Celena kaya sabay na ang pag punta nila rito? Dumaan ang kaonting kirot ng ma-isip 'yon.

bago pa sila maka katok sa pintuan, pinagbuksan ko na ang mga ito. Bumungad sa 'kin ang mamahaling pabango ni Manu at Celena. Amoy mayaman.

"Pasok kayo." bungad ko. Sinalubong naman ako ng yakap ni Manu dahilan ng pagkagulat ko at nilingon si Celena sa gilid niya. Kunit ang noong bumaling ito sa kabilang banda. Nakakahiya!

"I miss you." ani Manu.

kumalas ako sa yakap niya at inimbitahan na silang pumasok.

"P-pasok na kayo, naghanda kami ni Mama ng kaonting tanghalian para sainyo."

Nakatingin na ngayon si Celena sa 'kin

"Hi,I'm Celena." aniya at pormal na inibot ang kamay nito. Tinanggap ko ito ng may palakaibigan na ngiti.

"Isabella." ani ko. Ngumiti ito at iginaya ko na sila sa kusina.

Maganda si Celena. Matangkad, makinis ang balat at parang pinangliligo nito ang gatas, maiksi ang buhok na nagpapadepina ng jaw line nito. Para siyang international model na napadpad sa ppitsuging bahay namin.

Nakipag kamay rin siya kay Mama ng makita ito.

"My baby, this is tita Celena." ani Manu

Hagikhik lamang ang sagot ng anak ko.

"You're so cute, manang-mana sayo Manu." anang Celena.

Habang kumakain ay pinuri naman ni Manu ang mga niluto naming ulam.

"Si Isay ang nagluto niyang Kare-kare ako naman dito sa Menudo." si Mama habang pinagmamalaki ang luto namin.

Tatango-tango naman si Celena at si Manu ay bumaling sa 'kin at pinunasan ang gilid ng labi ko. Nakakahiya may dumi pa pala ako sa gilid ng labi!

Habang kumakain nama'y hindi nakatakas sa mga mata ko ang mapanuring mga mata ni Celena sa bahay namin. Parang hindi siya kumportable pero hindi mo makikita sa kanya ang mga 'yon. Baka dahil nandito lang si Manu.

"Naku abogado pala itong si Celena ang galing naman." biglang sambit ni Mama. Hindi ko namalayan ang usapan nila dahil iba ang mga nasa isipan ko.

"Yes, in US po. But I will file an application to work here for good." nakangiting aniya.

"How about you Isabella, anong degree ang natapos mo?" biglang tanong ni Celena sa 'kin.

"Ahm.., U-undergraduate ako ng college. nagkasakit kase si Mama kaya huminto ako at tumulong nalang para makapag-tapos naman si Wayne, ang kapatid ko." nahihiyang ani ko. Tingin ko'y ang baba kong tao.

"Oww.., sorry to hear that. But I think you have still a chance to continue your studies and pursue your dreams.  You know, bata ka pa naman." anito in friendly way. Gumaan ang pakiramdam ko sakanya ngayon.

"Celena's right, I can help you with that." sangayon ni Manu.

Nasiyahan naman lalo si Celena sa pagsangayon ni Manu sa kanya.

Tumango-tango nalang ako. Malabong mangyare iyon dahil may anak na 'ko at gusto kong masubaybayan siyang lumaki.

Saktong nakakalahati palang lahat namin ang pag-kain ng may bumusina. At paniguradong si Davis na iyon. Sa dalas ng pag-bisita ni Davis dito, nakabisa ko na ang tunog ng sasakyan niya.

"Goodafternoon." ani Davis ng nakangiti. Ngunit nang na igala niya ang mga mata sa hapag ay biglang tumigil kay Celena. At si Celena naman ay nag iwas ng tingin.

"Bigatin ang mga bisita niyo ngayon tita." Ani Davis kay Mama.

Tumawa naman si Mama sa sinabi ni Davis at pina-upo ito upang saluhan kami sa hapag.

"Hmm.. Mukhang masarap 'tong luto mong Kare-kare." si Davis at bumaling sa 'kin.

"Syempre naman no." tipid na sagot ko dahil tahimik lang sa hapag.

"How did you know na siya ang nagluto ng Kare-kare?" kunot noong tanong ni Manu kay Davis.

"Tsh." ani Davis at nginisihan lang si Manu.

Iritasyon naman ang gumuhit sa mga mata ni Manu.

"So, Celena is your friend?" ani Davis ng  hindi manlang tinitignan si Manu. At makahulugang sinambit ang salitang friend.

"Yes she is." tamad na tugon naman ni Manu.

"I don't think so." makahulugang sabi nanaman ni Davis.

"What do you mean?" sarkastikong ani Manu.

"Nothing, I'm just wondering. Where did you get to know each other."  ani Davis ng may ngisi sa labi.

"Stop being bitter Davis." sabat naman ni Celena.

"Why would I?" kunwaring halakhak naman ni Davis.

"Tsh." si Celena.

Sa totoo lang ay naguguluhan ako sa inaasta nila. Magkakilala ba si Davis at Celena? Nasagot ang tanong ko ng nagsalitang muli si Davis.

"You're only past Celena, I don't care abiut you now." seryoso ng ani Davis.

"Your mouth Davis." ani Manu

"Oww, the knight shinning armor." asar na sabi ni Davis.

Mabuti nalang at natapos ng kumain si mama at dinala niya si Maple sa kusina upang linisan ito bago magkasagutan ng ganito!

Ex na pala ni Davis si Celena kaya may tensiyon sakanilang dalawa. Pero hindi naman nakatakas ang mga binibitawan na salita ni Davis. Hindi ako tanga para 'di makuha ang sinasabi ni Davis. Na may something sa kanilang dalawa ni Celena at Manu.

Maraming tumatakbo sa isipan ko ngayon, masyadong insecure kay Celena. Hindi mahirap tanggihan ang kagandahan at ka professional nito. Nasa kanya na ang lahat at kapag naglaon ay baka si Manu naman ang balakin niya. Marami na 'kong nabasa at napanood na ganyang klasing babae. Kunwari'y mabait pero may balak naman pala sa asawa. Asawa? Itunuturing ko pa bang gano'n si Manu hanggang ngayon? Ewan.

Marami ng dumaan na sakit, at ayoko ng maranasan ulit iyon. Sabi naman ni Manu tnulungan lang siya ni Celena para makauwi rito at makasama kami.

Pero ang bumagabag sa isipan ko ngayon ay kung sa pagtulong ba niyang iyon ay wala siyang ibang mithiin kay Manu. Malamang ay mayroon.

Pagkatapos ng tanghalian ay nagpasya ng  umalis ni si Celena. Ewan ko ba kung bakit, pero tingin ko'y dahil kay Davis iyon.

Sa pag-uwi ni Celena ay nagpasya ring umuwi ni Davis sa di malamng kadahilanan.

"Davis, can you escourt Celena to our mansion?. Aalis ka na rin naman." ani Manu.

"Manu!" angal naman ni Celena.

"Yeah, sure." walang reaksiyong ani Davis.

Bumuntong hininga si Celena at nag martsa palabas ng bahay.

Sa pag-ali ng sasakyan nila'y siyang baling naman ng inis na tingin sa 'kin ni Manu.

"Paanong nalaman ni Davis na ikaw ang nagluto sa Kare-kare?" iritang aniya.

Nagkibit lamang ako ng balikat at dumaretsong kwarto para silipin si Maple.










My Multi Billionaire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon