MMBH-46

4.2K 67 12
                                    

"Eat this baby,"

Pagpapakain ko ng mansanas sa anak ko. Ayaw naman niya itong kainin.

"Dada" bukambibig niya.

"Baby eat na" pagpupumilit ko.

Kinuha niya ito at tinapon naman.

Hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ang sitwasyon namin ng ama niya pero napapansin kong kapag may naririnig na sasakyan sa labas ay lagi siyang nakadungaw at hinihintay ang lalabas sa sasakyan na 'yon.

Nasanay kasi siya sa ganon sa Daddy niya kahit sa maikling panahon. Laging tinatanaw ang ama sa t'wing bumibisita o uuwi iyon dito.

Nawala ang panunumbalik ko sa nakaraan nang may bumusinang sasakyan sa labas. Natulala ako. Si Maple naman ay nanakbo ng mabagal papunta sa nakabukas na pintuan.

"Dada!" Aniya na siyang nakapag pakaba sa akin ng husto. Handa ko na sanang kunin si Maple at isara ang pinto ng si Davis ang napansin ko.

Akala ko si Manu.

"Hello there baby Maple." Kinarga niya si Maple at may binigay na mga laruan.

"Hi, happy to see you again."

"Pasok ka Davis." Medyo ilang na sabi ko dahil medyo hindi maganda ang huli naming pag-uusap noon.

Tinimplahan oo ng maiinom si Davis at iniwan na muna silang mag larong dalawa ni Maple sa sala.

Masaya ako dahil bumisita ulit si Davis dito sa kabila ng 'di magandang pag-uusap namin noon.

"Inom ka muna." Aniko at inilapag ang itinimplang juice.

"Thankyou, na miss ko kayong dalawa ni Maple. I miss being here too." Aniya at nagtagal ang titig sa akin. Ako ang nag iwas ng tingin.

"Na miss ka na rin ni Maple. Pati na rin kami."

"Talaga?" Masiglang tanong niya. Ayokong ma misinterpret niya ang ibig kong sabihin doon.

"Oo naman, ang pag dalaw mo rito at pakikipag laro kay Maple."

"Ahh." Aniya at tumango tango.

"I heard what happened." Aniya ng nakapag pa angat ng tingin ko. "Are you okay? Do you feel unsafe here? Pwedi kayong mag stay sa bahay ko hanggang sa maging maayos na ang lahat." Worried na tanong niya.

"Ayos lang kami Davis. Don't worry."

"He's stupid. Why he choose that girl than his family." Inis na sabi niya.

"Can you please give me a chance to prove again my love to you?" walang alinlangang sabi niya.

"Davis. I'm sorry, ayoko na munang ma involved sa anumang relasyon. Iloveyou as my friend and I'm sorry for that. Believe me, I tried to love you. Pero hindi kasi talaga e isa lang talaga ang gusto ng puso ko. At si Manu 'yon. At sa sitwasyon ngayon mas pipiliin ko na muna ang ikasasaya ng anak ko." Naluluhang tugon ko.

"O-okay. I understand. But please, can we still be friends at pumunta rito?" Pagod na ang mga mata ng tignan ko siya. I saw pain.

"Oo naman anytime welcome ka rito. And we can be still friends. Thankyou." Aniko at lumapit para yakapin siya.

Davis helped me to be happy again noong mga panahong lugmok kami at nagdurusa. Davis always makes us happy. He always care about me and my little Maple. Lahat nalang yata tinulong niya sa amin. How I wish my heart will choose him and love him. I hope he can find a much better woman na makakapantay sa pagmamahal na kaya niyang ibigay.

"Thankyou." Aniya at kumalas na kami sa pagkakayakap.

Napatingin ako sa bintana at nasulyapan ang labas. Namataan ko roon ang kotse ni Manu.

Pag -tingin ko ay siyang harurot naman nito.

"Dada" ani Maple at tumingin sa labas.

Lumipas ang mag hapon at namayani nanaman ang kadiliman. Sa ganitong oras ako laging umiiyak laging tinatanong sa panginoon kung bakit nararasan ko ang ganitong mabigat na pagsubok. Minsan nga ay na ku-kwestiyon ko ang panginoon kung bakit ako? Bakit ako ang kailangan makaranas nito? Wala naman akong tinatapakang tao. Gabi-gabi rin akong humihingi ng tawad dahil sa pag kwestiyon ko sakanya.

Kapag ganitong mga oras na parang lagi akong gising. Hindi makatulog dahil sa matinding pag-iisip. Minsan naiinis na 'ko sa sarili ko kung bakit hindi ko magawang matulog ng maaga ng walang iniisip na sakit at hindi umiiyak.

Sa paglipas ng isang linggo ganoon lagi ang routine ko. Laging umiiyak pag wala ng nakakakita. Ayokong maapektuhan na naman ako dahil sa nangyari ngayon. Ayokong maranasan ulit ang mga naranasan ko nang mga panahong wala akong makapitan kundi ang Diyos ama. Ayokong magpatalo sa nararamdaman dahil meron akong anak na dapat alagaan at protektahan.

Nag vibrate ang cellphone ko ilalim ng unan.

Papatayin ko na sana sa pag aakalang si Manu ngunit hindi naka rehistro ang numero kaya sinagot ko ito.

"Hello?" Ani ko ng walang sumasagot sa kabilang linya. "Hello?" Ulit ko.

"I miss y-you," garalgal na boses ang narinig ko. Si Manu. Alam ko ang boses niya.

Hindi ako sumagot."Wish I was there with M-maple." Aniya ng mabasag ng tuluyan ang boses.

Kumirot ang puso ko. Hindi ko matanggap na ganito kami ngayon na parang pinahiram lang sa amin ang konting kasiyahan ng isang pamilya.

"I'm so sorry." Dagdag pa niya at tuluyan na itong umiyak sa kabilang linya.

Pinutol ko ang linya dahil hindi ko na matantiya ang nararamdaman ko.

Bakit siya umiiyak? Wala siyang karapatang umiyak dahil siya ang nanakit! Wala siyang karapatang umiyak dahil sinaktan niya kami. Wala siyang karapatan!

Hinayaan kong malumod sa kalungkutan. Hinayaan kong maramdaman ang lahat ng sakit lahat ng pait. Lahat ng hinanakit na meron ako. Gusto kong maramdaman at umiyak para naman mabawasan. Kasi ako pagod na akong makita yung sarili kong umiiyak gabi gabi dahil sa kalungkutan. Gusto ko na ulit maramdaman yung saya at gusto ko na rin matulog ng maayos ng walang nararamdamang sakit at pangamba. Kasi ako sawa na 'ko.

Pagod na pagod na ako. Ayoko ng mabaliw ulit sa isang lalaking walang alam kung 'di saktan ang damdamin ko at pahirapan at ipamukha sa 'kin na kapalitpalit ako. Gusto ko na ng tahimik na buhay, yung walang sakit. Yung kahit hindi perfecto basta masaya at kontento.

Simula ngayon magiging kontento ako kung ano ang mayroon ako. 'yon nalang hindi ko na ipipilit ang malabong maging akin.

My Multi Billionaire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon