MMBH-36

4.6K 84 13
                                    

"Oh Wayne, para kanino yan?" may pang-aasar sa boses na tanong ko habang sinisipat ang tatlong pulang rosas.

"Ang sabihin mo kung sinong nagbigay niyan sakanya." nangingiting sabat naman ni Mama.

"Aba ibang klasi rin pala tong kapatid ko Ma e, siya pa talaga nililigawan." natatawang ani ko.

Gwapo ang kapatid ko kaya hindi na bago sa pandinig ko ang bigyan siya ng kung sinong admirers niya ng kung ano-ano.

Bago lang ngayon kase parang ngayon ko lang nakita na bulaklak ang ibinigay sakanya madalas kase ay tsokolate okaya material na bagay.

"Kay Macy galing yan." aniya at dumiretso sakanyang kwarto. Suplado!

Pero si Macy ang nag bigay? Parang hindi yata ako maniniwala roon. Alam kong may pagtingin si Wayne kay Macy ramdam ko yon, pero si Macy kay Wayne? Parang malabo dahil asot-pusa ang mga 'yon date.

Hindi pumunta kahapon si Manu. Ewan, baka galit pa rin siya sa mga nasabi ko o baka naman bumalik na sa girlfriend niya, tapos sasabihin niya sa akin na mahal niya pa ako? Huh, Lokohin niya lelang niya!

Paglabas ko ng pintuan siya namang dating ng kotse ni Manu!

Speaking of the devil!

kumalabog ang pintuan ng tanda ng paglabas niya sa sports car niya. Kaya tuloy etong mga kapit bahay e nagtitinginan na naman. Mga chismosa!

Nanatili lamang ako sa harap ng.pintuan habang siya'y naglalakad na sa direksiyon ko.

Naka black boots, fitted jeans t naka baby blue na polo na naka tupi ang manggas hanggang siko. Napaka gwapo niya at ang muscle ay talagang nadedepina ng suot niya.

"Goodmorning." maliwalas na ngiting bati niya.

"Morning" bati ko saka hinirapan siya at pumasok sa loob.

"Suplada" bulong niya.

"Ano kamo?" iritang baling ko.

"I said you're so pretty." ngising tugon niya.

Tss. Kala naman niya 'di ko narinig!

"Where is baby Maple?" tanong niya nang sumunod sa 'kin.

"Nasa kwarto, tulog."

Tumango ito.

"Did you already eat breakfast?" malambing na tanong niya.

"Malamang. Brunch na nga ngayon e." ani ko. Ngumiwi lang ito.

"Meron ka ba ngayon love?" taas kilay na tanong nito.

Aba!

"Wala! Bakit ka ba tanong ng tanong?" iritadong sabi ko.

"Nothing, I just remember whenever you act like that." halakhak niya.

Anong nakakatawa ro'n!

Iniwan ko siya at nagtimpla ng juice.

"Oh ayan!" lapag ko sa tinimpla kong juice.

"Whoa! You're kinda sweet today!" naka ngising tugon nito.

Kapal!

"Tss. Ganyan talaga ako sa mga bisita." sobrang irita na talagang sabi ko. Napupuno na'ko sa kapreskuhan niya!

"You never did this when the last day I visit." nanunuyang sagot niya.

Tss. Noong isang araw lang galit na galit siya ngayon nagagawa na niyang mang asar sa akin ng ganito ngayon. Mas mabuti pa yatang galit nalang siya kay sa mag feeling close siya.

Nang magising si Maple agad siyang dinaluhan ni Manu.

Hagikgikan at halakhakan ang naririnig ko sa bahay hanggang sa mag alas singko ng gabi. Dahil sa paglalaro nilang mag-ama.

Kaya ayon at maaga rin natulog si Maple dahil sa pagod.

Nagluto ako ng hapunan kaya rito na rin kumain si Manu. Nakakairita lang dahil nagiging close na naman sila ni Mama at Wayne. Parang kay dali lang nilang nilimot 'yong pag-iwan na ginawa sa amin ni Manu noon.

Habang nag ku-kwentuhan sila sa sala ay biglang bumuhos ang malakas na ulan, sinamahan pa ito ng kulog at kidlat na talaga naman nakakatakot.

"Nako, Manu. Rito ka na magpalipas ng gabi dahil delikado na sa daraanan mo, masyadong maputik"  suhesiyon ni Mama.

"Oo nga kuya." dagdag pa ni Wayne.

"Ayos lang po Mama. Kaya ko naman pong bumiyahe pa." tugon naman nito.

Mama pa talaga ang tawag.

Sumigaw ako nang biglang namatay ang linya ng kuryente. Agad akong bumaling sa kwarto namin dahil natutulog si Maple!

"Si Maple." ani Mama.

Hindi pa ako nakakapasok ng tuluyan dahil nangangapa pa ako sa dilim. Pag dating ko sa kwarto nakita ko si Manu na karga na si Maple at nakatutuk sakanila ang flashlight ng cellphone niya. Ang bilis niya!

"Can you please get the phone." marahang utos niya.

Agad kong ibinigay sakanya ito at tumungo siya sa sala karga pa rin si Maple.

May mga kandila ng sinindihan si Mama kaya medyo may liwanag na.

"Kailangan ko ng pamaypay." aniya dahil medyo malamok at maalinsangan.

Malakas pa rin ang ulan kahit ilang oras na ang lumipas mag aalas dose na nang magpasyang matulog si Mama at wayne. Anila'y mag papaypay na lang daw sila.

Kaya sinabihan ko si Manu na dalhin na sa kwarto si Maple.

"Dalhin mo nalang si Maple sa kwarto, ako na ang mag papaypay."

"Ako na, you better sleep too." aniya.

"Ako na kaya ko naman mag puyat."

"I'm the father here. So I should be the one who taking care  both of you." mariing sabi niya.

"Buti ngayon mo palang na isip yan." sarkastikong tugon ko at nagpatiuna na 'kong maglakad dala ang flashlight para ma guide siya.

Isang buntong hininga lang ang tinugon nito.

Ganoon nga ang ginawa niya dahil walang sawa siyang nagpapaypay saming dalawa ni Maple.

Kahit na anong sikap kong matulog 'di ko pa rin magawa dahil sa isipang nandito siya ngayon sa tabi namin ni Maple. Dati rati hindi ako makatulog dahil hindi ko siya katabi, pero ngayon ay na i-ilang na naman ako sakanya gaya nang una pa lang kami.

Alas-dos na yata nang tumigil ang ulan at nagkaroon ng kuryente. At doon pa lang din tumigil si Manu sa kakapaypay sa 'min ni Maple.

Hindi ako tumayo at nagkunwari pa ring natutulog nang buksan niya ang electric fan.

Kumalabog ang puso ko nang naramdaman kong lumapit siya sa 'kin.

Hinimas nito ang aking buhok ng marahan at hinalikan ang aking noo.

"Goodnight Love." bulong nito sa akin. Lumakas ang tibok ng puso pero tinatagan ko ang sarili ko na wag dumilat. Umalis na ito at kay Maple naman siya nag goodnight.

kumirot ang puso ko at kasabay no'n ang pag-takas ng luha ko.

Ang sakit tanggapin, ang sakit kase bakit ngayon lang niya pinaparamdam 'to sa 'min at lalo na sa anak namin. Ang sakit kase kahit anong gawin kong pangbabaliwala sakanya kusang nagtataksil yung puso ko. Kasi kahit anong gawin ko siya pa rin, siya pa rin yung tinitibok ng puso ko. Siya pa rin yung sinisigaw ni 'to kahit anong gawin ko.

Siya pa rin yung mahal na mahal ko.

My Multi Billionaire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon