MMBH-32

4.4K 85 7
                                    


"Dada" ang isang munting tinig ng anak ko ang nakapag patawa sa aming lahat dito sa bahay. Lalong lalo na si Davis dahil nasiyahan siya sa pagtawag sakanya ng Dada ni Maple.

"Yes baby, say it again" maligayang sabi niya kay Maple.

"Dada"

Muli na namang tumawa ng malakas si Davis dahil doon. Ang saya niya at ang sarap silang pag masdan, pero parang mas masarap silang pag masdan kung ang tunay niyang Ama ang nakikipag laro sakanya ngayon.

Noong panahong lumilipat kami ng bahay siya ang pumipigil sa akin na wag umalis at hintayin pa rin si Manu. Pilit niyang sinasabi na mag tiwala lang ako kay Manu at hintayin siya. Pero paano ko pa hihintayin ang lalaking nag traydor sa amin ng anak ko?

Malakas na siya. Walang bahid ng aksidenteng natamo, pero bakit hindi niya kami binabalikan kung ganoon?

Napaka bait ni Davis lagi siyang may grocery na dala kapang pumupunta siya rito, ni hindi na nga kami bumibili sa pang araw-araw dahil kada linggo e may grocery siyang dala kaya medyo gumagaan ang mga gastusin namin sa bahay.

Lagi rin siyang nag i-insist na siya mag bayad ng bills sa kuryente para raw hindi na 'ko mahirapan sa mga bayarin, Pero hindi ako pumayag.

"say Mommy" ani Davis.

"Dada" tugon naman ng anak ko na nakapag pa halakhak sa aming lahat.

"nakakatampo naman ang baby, si Daddy lang ang binabanggit!" kunwaring maktol ko na siya namang nakapag patahimik sakanila.

Hinarap ko si Davis at seryoso siyang nakatingin sakin habang malaki ang pagkaka ngiti.

"Ayieee" patuya naman ni Wayne.

"so you address me as a Daddy of Maple now?" tanong nito ng may naglalarong ngiti sa mga labi.

Hindi ako nakasagot dahil doon, sinisi ko ang sarili dahil doon.

Gabi na nang maisipan ng mag paalam ni Davis dahil may important meeting pa raw ito.

"so I gotta go now" anito at nakatingin sa aking mga mata.

"sge mag ingat ka sa pag-mamaneho" ngiting tugon ko.

Tumikhim ito at nagpatuloy sa salita."ahmm, can we date tomorrow?" tanong nito.

Sinuklian ko ito ng ngiti "osige"

Sumilay ang ngiti nito, "Okay, I'll pick you up to then. Ahmm.. Six O'clock?"

"okay six O'clock" tugon ko.

Lumapit ito sa akin sa isang iglap at hinalikan ang noo ko bago mag paalam.

Agad itong sumakay sa mamahaling sasakyan habang ako eto, parang natulala sa paghalik niya, biglang nakaramdam ako ng kasiyahan sa puso.

Pumasok ako sa loob at kinausap si Mama tungkol doon sa date na sinasabi ni Davis.

"Ma inimbitahan ako ni Dav-"

"Oo alam ko na 'yan anak, pinag paalam ka na ni Davis sa akin kanina bago siya umalis." putol ni mama sa sinasabi ko.

"a-ahh sge po, kayo muna bahala kay Maple bukas Ma"

"Oo naman, mag pakasaya kayo ahh? Okaya sagutin mona bukas mabait naman si Davis." huling patuya pa nito.

"Mama naman!" sagot ko sa huling sinabi niya.

"haha, osya babalitaan naman ako ni Davis kung kayo na haha." asar pa nito.

Iniwan ko nalang si Mama dahil sa pang-aasar niya.

"Goodafternoon beautiful" bungad ni Davis sa akin pag bukas ko ng pinto.

My Multi Billionaire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon