Chapter 14.
Kasalukuyan naming tinatahak ang daan papunta sa bahay namin. Hindi ko maiwasang ma excite kung anong reaksiyon ng Mama ko at ni Wayne. Sigurado ako na matutuwa ang mga iyon kapag nalaman nilang kami na ni Manu. Botong boto pa naman yung mga yun kay Manu.
Habang nagmamaneho si Manu ay kitang kita ko kung gaano ito kasaya. At idagdag mo pa ang mahigpit na pagkakahawak niya kamay ko. Ang sarap sarap sa pakiramdam ng ganito. Sana lagi nalang ganito.
" Stop staring, baka malusaw nako niyan." naka ngising sambit niya." Oo humanda ka dahil lulusawin kita sa pagmamahal." tawa tawang tugon ko.
" ohh.. I like it, lusawin mo'ko ng sobra sobra." namumungay na matang sambit niya.
Natawa nalang ako at umiling iling. Hindi talaga siya nagsasawang pakiligin ako.
Nang makarating kami sa bahay ay doon lang niya binitawan ang kamay ko. At agad siyang lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Pag labas ko agad niya pinagsiklop ang kamay namin. Tinignan ko siya ng may ngiti sa mga labi ko.
Pag pasok palang namin sa bahay agad na bumungad sa'min si Mama at Wayne na nanunood ng tv. Hindi nakaligtas sa mga mata nila ang mga kamay naming magkasiklop.
Tumaas ang tingin nila samin na may nakakalokong ngiti.
" Hi Mama, hi bayaw. " may ngiting nakakalokong bati ni Manu kila mama.
Ang mokong nato. Palibhasa kasi malakas ang kapit niya kay Mama.
" kayo na ba?? " sabay na tanong pa ng dalawa. Hahha parang engot lang.
" Opo Mama, kanina lang ." natatawang sabi ko.
" Welcome to the family bayaw. " at eto na naman ang baliw kong kapatid na may pa welcome pa. Bumaling pa siya sa'kin na may ngisi.
" My pleasure. " tugon naman ng lokong boyfriend ko. At nagyakapan pa ang dalawa, Mga sira talaga. Haha. pero infairness ang sarap palang tawagin na boyfriend ang isang Manu Forevs. Ang akala ko dati eh isa siyang manloloko, mayabang. Pero ngayon napatunayan ko na hindi pala totoo ang mga yun. Napaka caring niya at nakikita ko rin kung paano niya pinapahalagahan ang pamilya ko. Napaka swerte ko na talaga sakanya.
" tama na nga iyan, para kayong mga sira diyan ." iiling-iling na saway ko. Sa totoo lang ay sobrang natatawa ako sa dalawa, daig pa nila ang totoong magkapatid.
" hoy wayne anak, tara na at iwan muna natin ang dalawa. Mag laloving loving pa yan ." sabay kindat kay Manu at nginitian pa ako.hayss si mama talaga ang daming alam. Namula tuloy ang pisngi ko.
" wag ka ngang mag blush diyan ate. Pumapanget ka lalo." sabay karipas ng taklñbo ng loko. " abat loko yun ahh.." inis ko.
" Ano uuwi ka na ba o mag sstay ka pa?. " tanong ko.
" of course I stay. " sabay halik niya sa tungki ng ilong ko. Sheyyyttt kinikilig ako..." I wan't you always by my side." at ngayon ay seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko.
" Mahal kita, at kaya kong magstay sa tabi mo. Pero sana ganon ka rin para sakin, sana hindi dumating ang araw na iiwan mo'ko. " sambit ko.
" I will never ever leave you and thats a promise. " nakangiting aniya." promise?? " pagsisigurado ko " promise na promise na promise." sabay naka taas pa ang kamay na parang nanunumpa. Napatawa nalang ako sa inasta niya.
Habang nasa sala si Manu ay nagbihis muna ako ng pantulog ko. At pagkatapos ay ipinag timpla ko siya ng kape para naman pag bumyahe siya pauwi mamaya ay gising na gising siya. Pagod pa naman iyon baka makatulog pa yun habang nagdadrve mahirap na. Ayokong mawalan ng pogi at caring na boyfriend no..
Pagdating sa sala ay inilapag ko sa mesa ang tinimpla kong kape para sakanyan.
" Eto kape ka muna. " pag aalok ko. Naka tingin lang siya sakin na natawa na parang may naalalang katangahan.
" Do you know what's the meaning of coffee? " may nakakalokong ngiti parin sa labing tanong niya.
" ahhmm, pampagising? " kunot noong sagot ko.
" No, the meaning of coffee is sex. " naka ngisi nang sabi niya habang naka kagat sa labi. " h-huh? Anong s-sex namang sinasabi mo diyan." nauutal na sambit ko.
" inaalok mo'ko ng kape, so meaning inaalok mo'ko ng sex. " sabay lapit niya sa'kin at kinabig niya ako sa baywang dahilan ng paglapit ng mukha namin sa isat isa.
" H-hoy! tigilan mo nga ako. A-alok alok kapang nalalaman! " nauutal na namang sambit ko habang lumalayo sakanya.
" Haha, parang naman hindi pa natin nagawa yun no..." bulong niya. Omg Kinilabutan naman ako dun paksyeett .
Itinulak ko siya palayo at kinutos. Tumigil ka nga.. At Umuwi kana dahil malalim na ang gabi." pagtataboy ko.
" wait lang hindi ko pa nga tinatanggap ang alok mong sex opss coffee pala." naku ang lalaking to ang hilig talagang mang asar.
" hindi na umuwi ka nn. " asar na tugon ko natawa lang siya sa inasta ko." ok uuwi na po love." tawa tawang sabi niya. Kainis talaga.
Hinatid ko na siya sa labas dahil baka ano pang mga sabihin niyang kapilyohan.
" Ingat ka. "
" Asan kiss ko?? " kunot noong tanong niya.
Hinalikan ko siya ng smack labi .At ang loko sobra kung maka ngiti . Pinapasok ko na siya sa kotse niya baka kung ano pa ang hilingin ng kumag.
Hinintay ko siyang umalis pero hindi pa rinniya pinaaandar ang sasakyan niya. At ibinaba niya ang salamin ng kotse .
" by the way love, can I have some coffee with you tomorrow night?" nakakalokong tanong niya.
" Grrr... Umalis kana nga! " natatawa na naiinis na tugon ko. Humalakhak lang ang loko. Pinag titripan niya talaga ako.
" ok, bye I love you. " natatawa paring sambit niya.
Ang pilyong iyon pepektusan ko talaga siya bukas.
Paki vote po. Thanks.
BINABASA MO ANG
My Multi Billionaire Husband
RomanceWarning: Mature Content Inside This story is work of fiction. The Characters, places, Name etc. It is only from the imagination of the author. Hi guys, this is my first story here in wattpad. So I hope y'all understand the typo's and grammatical err...