MMBH-12

9.6K 137 5
                                    

chapter 12.

" hoy bella gising na..! may bisita ka ..!! " pangbubulabog sa'kin ni Mama

" Hmmm...? ang aga pa Ma.. sino po ba yun..?? " Inaantok pang sabi ko.

hinila ako pabongon ni Mama at kinukulit ako. " basta bumangon ka nalang dyan .. bilisan mo. "

at dahil ang kulit ni Mama ay napilitan na akong bumangon, grabe lang dahil sobrang antok pa'ko. sino ba kasing bisita to at napaka importante naman yata..?

pa dating sa sala ay hindi ko inaasahan ang bisitang tinutukoy ni Mama.

" Anong ginagawa mo dito ng ganitong ka aga?!! aligagang tanong ko.

" Edi binibisita ka. " gwapong gwapong sabi niya

naku naman ano naman kaya ang hitsura ko nito..? may panis na laway pa yata ako ..! hinawakan ko ang buhok ko--- paksyeeeettttt ....!!! sabay takbo sa kwarto ko.

jussmee .. ang pangit ko pa naman..!! baka na turn off na sa'kin yun. dali dali akong nag hilamos at nagsulay ng buhok at syempre nag pabango na rin para fresh..., hiyang hiya naman ako sa bango niya no..

pag dating ko ulit sa sala agad kong napansin ang mga dala niyang pagkain.

" ahhh, pinagdalhan nga pala kita ng agahan pati na rin Mama at kapatid mo. " aniya habang tinuturo ang mga dalang pagkain. syempre hindi papahuli ang Mama ko at kapatid ko dahil nauna pang silang kumain sa'kin...

" hindi ka na sana nag abala pa, pero thankyou na rin ." kumindat lang ang loko. habang inusisa ko nalang ang mga dala niya, infairness mukhang masasarap ahhh.

" oh Manu, sumabay ka na rin na kumain sa'min. hindi naman namin mauubos lahat ng ito." ani Mama, tss halata naman sakanya na botong boto ito kay Manu.

" kuya salamat nga pala sa jordan na sapatos na bigay mo ahh. "

" you're welcome "

" hoy wayne!, mahiya ka nga .." pinandilatan ko siya ng mata. feeling close na talaga sila kay Manu.

" bakit, mabibilhan mo ba ako ng ganon na mamahalin..??"

abat sagot sagot pa ang inayupak. kung wala lang bisita ngayon na undertaker ko na tong bwiset na to.

" bakit? mayaman ba tayo huhhh?? pektos ka sa'kin mamaya.. "

" tumigil nga kayong dalawa..., di na kayo nahiya sa bisita.." pagsasaway ni Mama.

napatingin naman ako kay Manu na parang na mamangha pa sa pagaaway namin ng kapatid ko. hindi ko tuloy maiwasan na pagtaasan siya ng kilay.

" nah, its ok po . ang cute nga nilang mag away eh haha." wushuu nambola pa, baka nga iniisip na nito na napaka isip bata ko.

Pagtapos naming kumain ay nag stay pa si Manu dito sa bahay. ewan ko ba dun ayaw pang umuwi kaninang pinapa alis kona siya, kesyo raw na wala naman siyang gagawin sa opisina niya. Mayaman kasi kaya nagagawa niya ang lahat ng gusto niya sa buhay.

kumuha ako ng timba sa banyo dahil balak ko sanang maglaba dahil marami na rin ang mga maruming damit namin.

" where you going? bakit ka may dalang timba?? " tanong ni Manu na nakakunot ang noo.

" mang iigib lang ako ng tubig diyan sa kina aling betchang sa kapit bahay." daretsong lakad na sabi ko.

nakita ko sa peripheral vision ko na nag paalam siya kay Mama at tumayo na. " Samahan na kita. "

My Multi Billionaire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon