MMBH-11

10.7K 192 17
                                    

chapter. 11

Isabella pov.

Baliw na ba ako? ako, gustong niyang maging girlfriend?? seryoso ba siya?? ito lang naman ang mga tumatakbo sa isip ko. Pano ba naman kase eh. Si Manu yun, isang yummy at mayaman pa!. hindi tuloy ako makatulog ngayon kakaisip kung papatusan ko na ba o wag nalang? baka kase pinagtitripan lang ako nun eh.

FLASHBACK!!

"dahil gusto kitang maging girlfriend." seryoso'ng sabi niya.

"h-hoy! w-wag mo nga akong pinagloloko!!" utal na sabi ko.

gggrrr... kainis ba't ba ako nauutal...

"Im serious about that, gusto talaga kitang maging girlfriend."habang nakatingin siya ng daretso sa mga mata ko.

"ayoko! ano ka sinuswerte?? gusto mo girlfriend agad e dika nga nanliligaw!" inis na sabi ko.

kung hindi lang gwapo to nasampal ko na to. nahiya kase kamay ko sa kinis ng mukha niya .

"kailangan pa ba yun? for me it a waste of time." seryosong tugon niya.

"edi wag!!. hatid mo na nga ako samin dahil gusto ko na umuwi."

" seriously?? ang choosy mo e ako naman nakauna sayo . " kunot noong sabi niya.

" aba, hoy!! wag mo nga ako ma choosy choosy !! at pwede ba kalimutan mona ang maling nangyaring yun!! bahala kana nga diyan" umalis na 'ko at iniwan siya dun .

END OF FLASHBACK.

pagtapos ng mga pinagiisip ko ay nagpasya na 'kong matulog dahil bukas na ang labas ni mama sa hospital.

kina umagahan ay maaga akong nagising at naglinis sa bahay para pag dating ni mama ay walang kalat. Patapos kong maglinis ay naligo nako para sunduin si mama sa hospital.

habang naglalakad ako papuntang terminal ng jeep ay naka salubong ko si aling baby.

"oh Isa, hindi kana nagagawi sa palengke ahh?? kumusta na pala ang mama mo?" pagtatanong niya.

"busy po kase ako sa trabaho kaya hindi naka nakakatinda ng maayos dun aling baby. at ayos naman na si mama , makaka uwi na rin siya ngayon."

"mabuti naman kung ganon. e kayo nang boypren mong si floyd kumusta na? balita ko ay nagtungo na raw ng maynila iyon." pagtatanong ulit niya e halata naman nakikitsismis lang.

"ahh sige po aling baby una na ako" iniwan ko na si aling baby dun dahil alam ko namang ittsismis lang ako nun panigurado dahil kilala siya dito sa baryo bilang tsismosa.

pagdating ko sa hospital ay naabutan ko sila mama at wayne na nag aayos na ng damit .

"oh buti dumating kana. kanina pa ako excited na umuwi anak , miss ko na yung bahay." masayang sabi ni mama.

"naku, nay. Wala namang nagbago sa bahay e. Dumagdag lang yung mga tsismosa." pagpapatawa ko.

"naku sanay nako sa mga ganyan."

"tara na ate,mama para makauwi na tayo agad." ate pakidala naman tong isang bag."

Opo boss, tinulungan kong mag bitbit ng bag si wayne dahil marami-rami na din ang mga labahing damit nila.

Pagbaba namin sa tricycle ay may nakaparadang pamilyar na kotse sa tapat ng bahay namin.

"manong eto po bayad. Salamat po"

Bumukas ang pinto ng kotse at hindi nga ako nagkakamali si Manu yun. Naka faded maong pants siya at longsleeve t-shirt napaka gwapo niya sa soot niya.

"Hi" kaway niya sakin "Hello po Im Manu Forevs aakyat po sana ako ng ligaw sa anak niyong si bella." habang naka ngiti sa mama ko at nakipag shakehands pa.

Wengya tinutoo niya pa ang sinabi kong panliligaw. Akala ko panaman ay hindi na siya magpaparamdam sakin yun pala e manliligaw pa. Pero na shookt ako dun ahh kinikilig tuloy ako yieeee!!

"talaga??! kung ganon ay tara pasok ka sa loob. Napaka gwapong bata mo naman, diko akalaing magkakagusto ka sa anak ko." ang laki ng pagkakangiti ng mama ko at kinindatan pa ako. si mama talaga.

"ahh, for you." sabay abot ng bulaklak sakin at imported na chocolates.

" salamat." tipid na sabi ko habang hindi ko maiwasang pumula ang pisngi ko.

"hoy, Isa. Pagtimpla mo muna ng maiinom ang bisita mo ." utos sakin ni mama

"maupo ka hijo." aligagang sabi ni mama.

"hoy, seryoso ka ba sa ate ko??" maangas at seryosong tanong ng kapatid ko.

"hoy wayne manahimik ka nga diyan!" saway ko.

"bakit? tinatanong ko lang naman ahh.."

"yes, of course Im serious to her." taas noong sabi naman ni Manu

paksyetttt!!!!

"pagtimpla mo na nga lang ng maiinom si Manu." sabat ni mama.

pumasok ako sa kusina at napasandal sa gilid ng lababo.

totoo kaya yun na seryoso siya sakin?? o sinasabi niya lang yun para bumango ang pangalan niya sa mama at kapatid ko. gosshhhh sobrang bilis ng tibok ng puso ko .... , may feelings na nga yata ako agad sakanya!

Pagtapos kong mag timpla ay pumunta na 'ko sa sala at naabutan ko silang nagtatawanan doon. Yung totoo, pano nagagawa ng lalaking to na patawanin ang pamilya ko e kaka kilala lang nila. Eh daig pa niya ako parang ang tagaltagal na nilang close ahh..

"oh wayne, tara na nandiyan na ate mo iwan muna natin silang dalawa ." sabay kindat pa sakin.

"oh kuya wag mong kakalimutan yung sapatos ko ahhh?? "sabi pa ni wayne kay manu.

"hoy wayne mahiya ka nga!" inirapan niya lang ako.

"Oo ba, next time dadalhin ko."

"Asahan ko yan" nakangiti ng wagas ang loko

umupo ako sa katapat na sopa niya .

"anong na isipan mo at bigla kang umakyat ng ligaw dito??" pagtataray ko.

"diba ikaw na nga ang nagsabi na dapat umakyat muna ako ng ligaw." ngisi ngising sabi niya.

"hindi ko naman sabing seryosohin mo yun no!" taas kilay na sabi ko

"eh sa seryoso nga ako sayo e." naka ngiting sabi niya

"ewan ko sayo!" tumalikod ako para hindi niya mahalata ng sobrang pula na ng pisngi ko. kahit hindi ko nakikita ay feeling ko ay sasabog na ang mukha ko.

"Im serious nahuhulog na nga yata ako sayo. Feeling ko hindi nako makaka ahon pa." sabi niya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Umuwi ka na nga, ano anong mga pinagsasabi mo eh" pigil ngiti ko.

"Yeah, aalis na talaga ako kase may important meeting pa ako. So kita nalang bukas bella." sabay kindat niya.

hinatid ko na siya sa tapat ng bahay namin.

"pakisabi nalang kay tita umalis na 'ko and thankyou na rin sa pagtanggap niya." na 'ka ngising sabi niya.

"sige, ingat ka."

"Oo ba, para sayo." sabay kindat niya ulit

Tssk.

Sumakay na siya at pinaandar ang kotse niya. Bumusina muna siya bago siya tuluyang umalis.

Aynako sana nga seryoso ang mokong na yun. May feelings na talaga ako para sakanya.

keep votings

My Multi Billionaire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon