MMBH-44

3.7K 64 3
                                    

Hindi madali ang pag-alis ni Manu dahil ayaw umalis ni Maple sa kandungan ng kanyang ama. Kaya lamang na ka alis si Manu no'ng nakaraan dahil pinatulog niya ito. At sa di malamng dahilan ay umuwi rin siya sa araw na iyon at nagpasyang bumalik na sa dati naming bahay. Masaya at kontento ang ilang araw na nagdaan na magkakasama kami. 'yon nga lang ay madalas ang pag-tawag sakanya sa opisina. Umaalis siya ng after lunch at u-uwi rin naman ng before dinner para sabay kaming kumain.

Maraming plano ang nabuo sa nakalipas ng dalawang araw. Ngunit ng pangatlong araw na namin sa dati naming bahay ay may tumawag muli sakanya. Isang importanting bagay daw tungkol sa kumpanya nila at kailangan niyang hindi umuwi ng isang linggo. Umuwi nga siya agad noong unang nagpaalam siya ngunit eto na naman at mukhang matutuloy ang pangungulila namin sakanya  ng dalawang linggo.

Ngunit lumipas ang ikatlong linggo  hanggang ngayon hindi pa rin siya umuuwi rito sa amin. At madalang lamang ang pag tawag niya at madalas hindi siya tumatawag sa isang araw. At sa bawat araw na nagdaan, pabigat na ng pabigat ang puso ko. Nasasaktan ako dahil hindi na maganda ang kutob ko.

Lalo lamang akong nasasaktan dahil sa bawat araw na lumipas laging bukang bibig ni Maple ay ang ama niya na hindi ko na alam kung babalik pa ba. Kaming dalawa lang ni Maple rito sa bahay walang kasama tanging kami lang dahil ang sabi niya'y hintayin namin siya rito, rito sa mismong bahay namin at hindi ko matanggap dahil pa rang nanumbalik ang mga araw na naghihintay ako sa wala. Dito sa mismong bahay na 'to na siyang saksi sa mga luha at malamig kong gabi araw-araw noong panahong nawalay kami sa isat-isa.

Hindi siguro ako ganito na mag iisip ng hindi maganda tungkol sa asawa ko  ngayon kung hindi lang umiksena si Celena noong isang araw.

naglilinis ako ng bahay dahil alam kong hindi gaanong nalinisan ito nang bumalik kami. Tulog din naman si Maple kaya sinamantala ko na ang pagkakataon na makapag-linis kahit konti man lamang. Habang naglilinis sa sala ay may kumakatok sa pintuan kaya nagmadali akong buksan ito sa pag-aakalang si Manu.

Sapagkat ang bruha lang pala. Si Celena.

"Anong kailangan mo?" Pa irap na tanong ko.

At ang bruha pumasok agad kahit hindi ko naman pinapapasok.

"Wala akong sinabing pumasok ka dahil hindi ka welcome rito sa pamamahay ko." Ani ko at iminuwestra ang palabas sakanya.

Pagak itong tumawa at tinaasan ako ng nagkakapalan niyang kilay na di akma sa make up niya."I see kung bakit hanggang ngayong ay nagpapaloko ka pa rin sa fiancé ko."

Tumawa ako ng malakas at tinuro siya "Napa-...ka ilusiyunada mo talaga." ani ko ng di matuloy ang sinasabi dahil sa pagtawa.

"Kahit kasal kayo rito, magpapakasal kami sa ibang bansa at do'n hindi kayo kasal at malaya kaming magpapakasal."

"Edi gawin mo. Ay! Teka, alam kaya ng asawa ko na fiancé mo siya at ikakasal kayo?" Tumatawa sabi ko kahit ang totoo ay inis na inis  na 'ko sakanya.

Lumaki ang ngisi niya at may iniabot sa aking magarang papel, mukhang invitation at pag-bukas ko nito ay isang  wedding invitation at na ka saad na ikakasal sila ni Manu.

Putangina.

Nawala ang ngiti sa labi ko. Ngunit tinatagan ko ang loob ko.

"Saang batikang editor ka nagpagawa?" Tanong ko.

"Hindi ko alam kung sadyang bobo ka lang talaga at hindi mo makita ang katotohanan na hindi ka mahal ng fiancé ko. He manipulating you to get Maple. Oo! Ginagamit ka lang niya pa ra madali siyang ma pa lapit at makuha sayo ang anak mo!" Nangngagalaiting sabi niya.

"I helped him to be in this country para makuha lang ang anak mo! And we planned this before kami umuwi rito. So tell me, sino ang tanga sa ating dalawa? Kung ako sayo if you want to be with your child forever ay lumayo na kayo. Before Manu pull his connection para mapasakanya si Maple."

"I know his plan and I'm here to warn you."

It's like my world collapsed on the  information I got. Pinipilit kong balewalain ang mga sinasabi niya pero yung utak ko nakikita yung malaking posibilidad na tama nga ang babaeng 'to.

Nawala ang kaartehan nito ng muli siyang nagsalita."I'm a girl too, I know what's the feeling of being broke and being fooled by someone you love."

"His family don't like you. They want you to disappear in their path they walk. At alam ko rin na iniiwasan ni Manu ang mga tawag mo at text. And by other day, they might steal your child and live in U.S with us. Wala kang laban dahil wala kang pera. Kahit na ang korte ay kaya nilang bayaran para lang makuha nila si Maple."

Hindi ako nagsalita.

"You should be wise, at alam ko kung mahal ka talaga ni Manu he wont let you live in this old small house like this. Think wisely. Dahil maraming traydor at hindi mo namamalayan na naloloko kana minamahal mo pa."

"Here's the address of my condo. Tommorow evening at 6:30, their family will visit my condo to plan the wedding." Aniya at umalis ng walang ano-ano.

Nawalan ng lakas ang mga binti ko, nag uumapaw ang pangamba ko. Paano kung totoo?

Dali-dali akong tumawag kay Manu ngunit nakapatay ang cellphone niya. Doon na nagsimulang umapaw ang kaba ko.

Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Bakit hindi ka madalas mangamusta? Bakit hindi ka pa bumabalik? yan lang ang mga tanging katanungan na nagdaragdag kaba at sakit sa puso ko.

Kaya nagpasya akong puntahan ang address na binigay sa akin ni Celena bukas. Kung totoo man ang lahat, wala ng puwang pa para mahalin ang lalaking katulad niya. Walang karapatan maging ama at asawa.

Kung totoo talaga 'yon sana, sana lang hindi na siya bumalik pa. Sana hindi na siya nanggulo pa. At sana hindi na niya tinuruan muli na mag mahal ang puso ko.

My Multi Billionaire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon