(MMBH) Continuation of chapter 27.

5.9K 114 18
                                    


Inalis ko ang dextrose na naka kabit sa kamay ko, wala na 'kong pake sa sakit kahit mag dugo pa ito

"gusto kong makita ang asawa ko Ma, dalhin niyo ako sakanya ngayon din." umiiyak na sabi ko. Sobrang sumisikip ang dibdib ko, gusto kong makita kung ano ang lagay ni Manu ngayon.

"Anak magpahinga ka muna, mamaya rin ay dadalhin ka namin sakanya basta magpahinga ka muna anak."

Hindi ko pinakinggan ang sinabi ni Mama dahil gusto kong makita ang lagay ng asawa ko, hindi ako mapapanatag anggat 'di ko alam kung maayos ba ang lagay niya.

"basta dalhin niyo ako sakanya M-ma, gusto kong makita ang lagay ng asawa ko plss.." nag mamakaawa kong tugon. Hindi ako maka alis ng tuluyan dahil hinawakan ni Wayne ang mga kamay ko at pilit na hinihiga sa kama. Tuluyan ng bumagsak ang mga balikat ko dahil nawalan ako ng lakas.

"parang-awa niyo na, gusto kong makita ang asawa ko." pagmamaka-awa ko. nakayuko habang patuloy sa pag-iyak, nangangamba sa posibilidad na mangyare sa asawa ko.

"Wayne kumuha ka ng wheelchair sa baba at dadalhin natin ang ate mo sa kuya Manu mo." nag angat ako ng tingin kay Mama at bakas ang awa at pag-aalala sakanya. Pinunasan ko ang mga luha ko at umayos, tatawag pa sana ng nurse si Mama para ilagay ang dextrose muli sa kamay ko pero tumanggi ako dahil ayos naman na ako at kaya ko kaya hinayaan nalang din niya.

Pagdating ni Wayne ay mabilis akong sumakay sa wheelchair at timulak na kami papunta sa kinaroroonan ni Manu. Bumilis ang tibok ng puso ko at nag uunahan na namang tumulo ang luha ko dahil sa sinapit ng asawa ko.

Pinagtitinginan ako ng mga taong nadaraanan namin pero wala akong pake sakanila. nang huminto si Wayne sa harap ng pintuan na may numerong 89 nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.

"handa mo ang sarili mo ate." makahulugang wika ni Wayne.

Pagbukas ng pintuan ni Mama bumungad sakin ang asawa ko ng maraming aparato ang naka kabit sakanya. May sa bibig dibdib at karamihan ay sa ulo, hindi ko mapigilan humagulhol ng iyak dahil sa itsura ng asawa ko ngayon, nakaka-awa siya at alam kong matindi ang pagkaka-aksidenti niya dahil sa mga aparato na nakalagay sakanya. Nang makalapit ng tuluyan ay yinakap ko ng bahagya ang katawan niya at umiyak ng umiyak.

Lumabas muna sila Mama at Wayne.

"l-love I'm s-sorry..., gumising ka na jan please.., h-hinihinatay na tayo ni baby. Gumising ka na mahal ko, k-kailangan ka namin ng a-anak mo pllsss.... Mag mulat ka na love...." napaos na 'ko kaka iyak at namumugto na ang mga mata ko. Dalawang oras na 'ko dito sa room ni Manu ngunit hindi pa rin siya nagigising. Muli na namang tumulo ang mga luha ko, hindi ko mapigilang umiyak sa tuwing nakikita ko ang malalang kalagayan niya.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mama at Wayne.

"a-anak kailangan mo ng bumalik sa kwarto mo, may kailangan ka pang inuming mga gamot doon, naghihitay na ang nurse at si baby mo." wika ni Mama, alam kong na aawa siya sa lagay naming dalawa ni Manu.

Dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko at ngumiti dahil naisip ko ang anak ko. Gusto ko na siyang makita, siya ang nagbibigay lakas sakin ngayon.

"hello b-baby.." sabi ko ng sandaling masilayan ko ang anak ko at makarga ng tuluyan 'di ko maiwasan maluha dahil napaka ganda niya, halatang nag mana ito sa Ama. Mula sa ilong at labi pati na rin ang mga mata nito ay kuhang kuha ang features ng Ama. Naluha na naman ako dahil sa isipin malubha ang lagay ng asawa ko, kung hindi ko siya minadaling pa puntahin dito ay hindi sana siya ma aaksidente ng ganon, kasalanan ko kung bakit nangyare to sa asawa ko.

Hinele ko si baby ng bigla itong umiyak ng umiyak.

"shh..., tahan na baby si Mommy mo na ito." kasabay ng pag luha ko ang pag iyak niya, para pang nagdadalam hati kami sa nangyari aksidente sa daddy niya.

"Ate na sa room ni kuya Manu ang kaibigan niyang nag ngangalang Davis daw, kilala mo ba siya?" sabat ng kapatid ko.

"O-oo kilala ko siya," pinunasan ko ang mga luha ko at ibinigay muna si baby kay Mama para pumunta sa room ni Manu para asikasuhin na rin ang kaibigan niya. Wala pang name si baby dahil ang gusto ko ay si Manu ang mag pangalan nito sakanya.

Nagpahatid ako kay Wayne patungo sa kwarto ni Manu at sinenyasan ko siya na maghintay nalang sa labas.

Pag pasok palang ay nakita ko na ito, gwapo rin ito at matangkad, may pagka mistiso at maganda ang tindig.

"I gues you're Manu's wife?" pa unang tanong niya.

"ako nga," tipid na sagot ko.

"he sacrifice all of his assets because of you, I help him so he can have a job to support your needs. He loves you so much, he even reject all the large inheritance from his grand father for you, to be with you." bumuntung hininga ito at tumingin kay Manu na para bang na aawa sa sinapit ng kaibigan.

"He's a good friend, I promise to him now, infront of you. That I will help you if somethings bad happen to him." dagdag pa nito.

Napa angat ako ng tingin sakanya na parang nag tatanong na bakit ganun siya mag salita na para bang mawawala si Manu sa amin ng anak niya.

"therefor I'm here to say that...be ready, his family will arrived, perhaps in hour they are here." parang nagbabanta ito.

"A-anong gagawin nila? Dadalaw lang ba s-sila?" kinakabahang tanong ko.

"I don't know, no matter will happen just trust Manu. He will not abandoned you, wait for him." seryosong tugon nito.

"anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.

"call me when you need help, I'm one call away for you and your baby. Set me as a godfather of your child." 'yon lang at binigay niya ang calling card niya at tuluyan ng umalis.

Panay patak ng mga luha ko dahil natatakot ako sa mga sinasabi ni Davis.

"l-love please.. Gising na, ayokong mawalan ng d-daddy ang anak natin..please, kailangan kita.. H-hindi ko kaya ng wala ka m-mahal ko."

Keep voting, love lots!!

My Multi Billionaire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon