Chapter 22.
Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang ginawa ko ang pinaka maling desisyon sa buhay ko. Pinakawalan ko ang lalaking pinaka mamahal ko. Inaamin kong nagkamali ako at pinagsisisihan ang lahat ng sinabi ko nang araw na iyon.
Nang araw din na 'yon ay pumunta si Manu dito sa bahay para kausapin ako at nagma-ma-kaawa na kausapin ko siya pero hindi ako lumabas ng kwarto. Umiiyak lang ako sa kwarto magdamag at si Mama ang kumausap sakanya. Kinausap ako ni Mama tungkol sa paghihiwalay namin bigla ni Manu. Kinuwento ko lahat sakanya at ang sabi niya ay tama ang desisyon ko. Pero ang mas tama raw na dapat gawin ko ay ang sundan ang puso ko.
Tatlong linggo akong walang ganang kumain at puro pagtatrabaho lang ang ginagawa ko. Kinuwento ko rin sa kaibigan kong si Ava ang tungkol saamin ni Manu, nang una ay nabigla siya pero naiintindihan niya rin naman daw ako. Pareho lang sila ng payo ni Mama na dapat sundin ko ang nilalaman ng puso ko. At handa nakong sundin ngayon ito, pero ang kaso ay hindi rin nagpaparamdam si Manu simula nung araw na nakausap siya ni Mama. Hindi sa'kin sinabi ni Mama ang mga pinag usapan nila, nahihiya naman akong itanong dahil alam kong tungkol iyon sa relasyon namin.
Na mimiss ko na ang lalaking 'yon. Pero karma ko na siguro 'yon dahil sa mga ginawa ko sakanya, sinayang ko yung lalaking nagmamahal talaga sa'kin ng tapat. Lalaking handang iwan ang lahat at isakripisyo ang mayroon siya para lang sa'kin. Sa t'wing naiisip ko siya ay naluluha nalang ako bigla, at sa gabi ganun din ang ginagawa ko.May nahanap na kaya siyang iba? nakalimutan na kaya niya ako? ito lagi ang sumasagi sa isip ko.
Lumabas ako ng kwarto ko at tumambay sa sala at nandoon din si wayne nanonood. Ayoko munang umiyak ngayon dahil para nakong panda dahil sa dark circle sa ilalim ng mata ko dahil sa kakaiyak.
Binalingan ako ni wayne bago ako naupo sa tabi niya. "Ate maganda ka pa rin kahit mukha kanang panda." aniya ng naka ngiti.
Itong kapatid ko talaga alam na alam kung paano pagaanin ang loob ko."Nung nakaraan lang sinasabihan mo 'ko ng panget, tapos ngayon maganda ako kahit mukhang panda ako?" naka simangot na sabi ko.
Nagkamot ito ng batok "Pinapagaan ko lang loob mo ate, pero panget ka pa rin para sa'kin haha" dagdag pa nito habang tumatawa. Natahimik ako at ngumiti ng mapakla.
Lumapit naman si wayne sa'kin at sinandal ang ulo ko sabalikat niya at niyakap ako. "Ayos lang yan ate, babalik pa 'yon dito at pakakasalan ka pa" aniya ng nagpa tulo ng luha ko. "P-paano kung h-hindi na siya bumalik sa'kin?" sabi ko ng umiiyak.
"tahan na, babalik din yon alam ko" sabi niya habang pinapatahan ako.
"alam ko na, bibili nalang tayo ng Ice cream doon sa Ice cream parlor diyan sa malapit" aniya at kumalas naman ako sa yakap niya at pinunasan niya ang luha ko.
"libre mo?" lumuluha pa rin na tanong ko.
"Syempre naman.. Para sa ate kong broken. Hehehe" bwisit to. Binatukan ko nga.
Buti nalang nandito tong baliw na kapatid ko at nabawasan kahit papaano ang sakit na nararamdaman ko. Kahit papano ay may karamay pa rin ako sa mga malulungkot na nangyayari sa buhay ko.
Kalahating oras kaming namalagi sa Ice cream parlor at wala kaming ginawa doon kung di tumawa ng tumawa. At pag tapos naming kumain umuwi na agad kami.
Habang naglalakad kami ay puro tawa ako sa kapatid ko. Pag talaga pagdating sa ka baliwan nangunguna itong si wayne, may saltik kase. Nang nasa tapat na kami ng bahay panay pa rin ang tawa naming dalawa na parang may saltik na rin.
Pagpasok palang naamoy ko na agad ang pamilyar na pabango. Isa lang ang kilala kong may amoy nun at sobrang na mimiss ko na 'tong taong ito.
"M-manu?" pabulong na sabi ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya ko dahil nakita ko ulit siya.
Lumapit siya sa'kin at niyakap ako. "Imissyou" bulong niya.
Nananaginip ba ako?
Gumanti ako ng mahigpit na yakap sakanya. Hindi nga ako nananaginip, totoo nga na nandito siya. "Umalis na 'ko sa bahay, pupunta ako kung saan ako sasaya para makalimutan lahat ng sakit" aniya ng may konting ngiti sa labi.
Kinabahan ako sa sinabi niya dahil parang aalis na siya dito at tuluyan na niya akong iiwan.
"S-saan ka pupunta?? Iiwan mo na ba talaga ako?" sunod sunod nq tanong ko na may kaba."S-sorry na. Hindi ko naman talaga gustong iwan k-ka" umiiyak ng sabi ko.
Sa totoo lang parang hindi ko na kayang mawala siya sa buhay ko. Totoo nga talaga yung sinasabi ng iba na hindi nila kakayanin pag nawala ang taong mahal nila. Tinatawanan ko lang dati pag may naririnig akong ganun sa mga magkasintahan na naghiwalay. Ngayon alam ko na yung pakiramdam na 'yon.
Pinahid niya ang luha ko gamit ang kamay niya habang nakatingin ng daretso sa mga mata ko.
"Tahan na love. Kahit kailan di sumagi sa isip ko ang iwan ka. Nandito ako dahil gusto kong lagi kang nasa tabi ko, handa akong iwan ang mayroon ako makasama ka lang hanggang sa huli. Iloveyou" hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa mga katagang sinabi niya. Napaiyak nalang ako lalo dahil naisip ko yung mga panahong sinaktan ko siya, pero sa kabila nun ay nanatili pa rin siya sa'kin.
"Mahal na mahal din kita" naka ngiti habang lumuluhang sambit ko. Ito na yung tinatawag nilang tears of joy, at ang sarap sa pakiramdam.
Lumuhod si Manu sa harapan ko at may dinukot sa bulsa niya. At lalo naman akong napaluha dahil alam ko na ang susunod niyang gawin.
"Will you be my wife Isabella Damian Rios?" tanong niya ng may galak sa mga mata.
"Yes, pakakasalan kita Manu Forevs. Dahil alam kong may forever tayo" sabi ko at natawa ng mahina.
"Bukas na bukas din ay magpapakasal na tayo kahit sa civil wedding muna. At pag nakapag plano na tayo sa gusto nating kasal ay sa simbahan naman okaya beach wedding." sabi niya na mukhang excited.
Bigla naman may pumalakpak. Nakalimutan naming nandito pala sila Mama at Wayne nahiya naman ako ng konti hehehe.
"Salamat naman at hindi na iiyak si Ate gabi gabi" asik ni Wayne. Loko talaga 'tong baliw na 'to, binubuko pa ako!
"Oo nga naman hijo, lagi nalang nagkukulong yan simula nang naghiwalay kayo" dagdag pa ni Mama.
"Tumahimik na nga kayong dalawa..binubuko niyo naman ako e" nakasimangot na sabi ko.
"Hindi na siya iiyak ngayon kase 'di na kami maghihiwalay pa" sabi naman ng mokong. Hehe kinilig naman tuloy ako.
"Saan ka muna titira niyan?" tanong ko kay Manu.
"Saan pa, edi dito. Nakausap ko na si tita soon my mother in law hehe, diba po?" aniya at tumingin kay Mama para mangumpirma.
"Tama siya anak, dito muna kayo hanggang sa katapos ng kasal ninyo" ani Mama ko ng naiiyak.
Nilapitan ko siya at niyakap.
"Mama.. Wag ka na umiyak. Lagi naman akong bibisita dito nun e" sabi ko ng naiiyak na rin.
"Ma mimiss lang kita anak, alam mo namang 'di ako sanay na wala ka rito e" sabi pa nito ng umiiyak na.
"Pwedi naman po kayong mag stay sa bahay namin tita/Mama hehe" ani Manu.
"Oo nga po Mama. Welcome naman po kayo lagi sa magiging bahay namin" nakangiting sambit ko kahit umiiyak.
"Ang da-drama niyo. Mabuti pa gawa nalang kayo ng makakain para naman mag celebrate tayo dahil hindi na broken si Ate" singit naman ng mokong. Binato ko nga ng unan.
"Panira ka talaga ng moment" asik ko at nagtawanan lang sila.
Ang saya ko ngayon, ang akala ko ay tuluyan ng mawawala sa'kin si Manu. Thankyou lord dahil binigay mo ulit siya sa'kin.
Hey guys! So ayun, matagal tagal din akong 'di naka UD dahil pasahan ng requirements sa school. Hope y'all enjoy reading lovelots..
BINABASA MO ANG
My Multi Billionaire Husband
RomanceWarning: Mature Content Inside This story is work of fiction. The Characters, places, Name etc. It is only from the imagination of the author. Hi guys, this is my first story here in wattpad. So I hope y'all understand the typo's and grammatical err...