MMBH-33

4.4K 116 5
                                    

The picture above is the previous cover photo of my story.

"Damn you!" I said.

"Wait for me there dude, I will take back what's mine." He said in serious tone.

"You have no place here dude, so back off." May diin Kong sagot.

He chuckled, "See you in one week then."

I ended the call without saying good bye. My grip tighten, I will not let him see Isabella nor Maple.

"Ate petchay kayo riyan, fresh na fresh pa kasing fresh ng petchay niyo kaya bili na!." kuwelang pagta-tawag ko ng mga customers.

"Pabili nga ako ng petchay na kasing fresh ng petchay ko." Anang suki kong bakla na si Roberto, A.K.A shantal.

"Talong yata ang hanap mo Roberto este shantal pala." Tumatawang asar ko.

"Gusto mo bang sabunutan kitang gaga ka ha?!" kunwaring pag ma-maldita pa nito.

Tumawa lamang ako at binigyan ko na ang binili nitong fresh na petchay.

"Oh eto, keep the change maganda ka namang impakta ka." Sabay bigay ng 15 pesos tsaka ito sumibat.

Baklang 'yon may pa keep the change pa e sakto lang ibinigay.

Sumigaw ako gaya ng ginagawa kong pang-aasar sakanya.

"ROBERTO PO TALAGA ANG PANGALAN NI SHANTAL!!.." kasabay nito ang pag-harap niya at sumigaw din gaya ng laging ganti niya sa akin.

"HINDI KA MINAHAL NG EX-HUSBAND MONG GWAPO!" sabay pag-irap nito. Ang gaga foul 'yon ahh..

Chismosa kase ang baklang 'yon kaya alam ang nangyare sa 'kin noon.

Sinabi pala sa akin ni Davis na susundoin niya na ako pag-uwi galing sa palengke. Kaya eto siya ngayon kasama ko.

"How have you been here? Are you tired?" concerned na tanong nito.

"Okay naman, tsaka ayos lang 'di naman nakakapagod ang pag-titinda rito sa palengke." Tugon ko.

"Good to hear. Nag paluto ako ng sinigang kay tita sasabay akong mag diner sainyo." May ngiting tugon nito.

"Okay, ikaw hindi ka ba busy sa trabaho mo?" tanong ko.

"No. besides, I'm the one who hold my time at work." Makahulugang sagot iya.

"Oo nga pala dahil ikaw ang boss." Bahagyang siyang tumawa sa sagot ko.

"You're so cute." Nakatitig ito sa mga mata ko pababa sa labi ko.

Nahiya ako dahil doon. "Ahm.. s-salamat." Tipid na sagot ko at hindi ko ma-iwasang ma utal dahil sa pagkakailang.

Nakahinga ako ng maluwag dahil pinaandar na nito ang sasakyan niya. At nakarating kami sa bahay ng 'di nag i-imikan.

Aalisin ko na asana ang seat belt nang bigla siyang lumapit at inunahan niya ako magtanggal nito.

"Ako na." baling ko rito at nagsisi sa agarang ginawang aksiyon, dahil sobrang lapit na ng mukha naming dalawa!

Tumingin siya sa mga labi ko at dahan-dahan itong inilapit ang mga labi patungo sa akin. Parang huminto ang lahat ng maglapat ang mga labi naming dalawa.

Nang matanto ay agad akong lumayo at biglang na ilang dahil sa nangyare.

"Bababa na 'ko." Sabi ko at hindi na hinintay pa ang sasabihin nito dahil mabilis kong binuksan ang pinto at hindi na siya hinintay pag-pasok sa bahay.

Tumagal si Davis sa bahay hanggang alas nuebe ng gabi at wala itong ginawa kung hindi maglaro kasama si Maple. Masaya ako dahil malapit si Maple sakanya, laging humahagikgik ito kapag nakikita at kasama si Davis.

"I'm sorry about earlier Isabella." Sinserong anito.

"Ayos lang 'yon, wag nalang natin ispin." Ani ko.

Ngumiti ito ngunit hindi humabot hanggang sa mga mata. Parang may tinatagong lungkot.

"Can I hug you?" mag po-protesta sana ako ngunit ayaw ko naman siyang mapahiya sa sarili niya.

"I love you." Sambit niya habang yakap niya 'ko ng mahigpit.

Ginantihan ko rin siya ng yakap. Alam kong hindi ko pa kayang suklian ang pag-mamahal niya, pero masaya ako dahil kasama ko siya. Napakarami na rin niyang na itulong sa 'min ng pamilya ko at siya rin ang nagsilbing Ama ni Maple.

kumalas ito, at namumungay ang mga mata. "Thank you, Thank you for letting me expressed what I feel towards you. I know I can't replace Manu into your life. But I just want you to know that I will do anything and everything to make you safe and Maple. Yes I'm not her biological father, but I will be the best father figure to Maple if you accept me in your life."

"bigyan mo pa ako ng sapat na oras para maghilom lahat Davis, kapag ayos na ang lahat at wala na 'yung sakit, baka pwede na. Ayokong sagutin ka ng may sakit pa ng nararamdaman, gusto kong suklian ang pagmamahal mo sa maayos na paraan. 'yung kahit na balikan ko pa ang nakaraan ayos na, wala ng sakit." May sinseridad na sabi ko.

Ayokong suklian ang pagmamahal niya ng hindi ako buo, mabait si Davis Oo, at kung bibigyan ko ng level ang nararamdaman ko sakanya ngayon tatlo lang hanggang sampu. Kaya mabuti ng idaan sa tamang proseso ang lahat bago ko siya ayaan na pusok sa puso ko.

Isang linggo na ang lumipas at patuloy pa rin si Davis sa panliligaw sa 'kin. At laging may bulaklak okaya pasalubong na dala.

Ngayong araw hindi siya pumasyal dahil may out of the country meeting daw ito kaya tumawag siya at nangangamusta siya sa 'kin at kay Maple. Dalawang linggo siya roon kaya matatagalan ito ng balik dito.

"Maple bibili ka muna ng gatas ni Mommy." Paalam ko sa anak ko habang tulog.

Napakabilis ng panahon dahil kalahating buwan na lang mag two years old na ito. At paniguradong napaka ganda rin niya pag laki niya. Sa bawat buwan ang lumilipas nagiging mas maayos na ang buhay namin simula nang mangyare ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya namin.

Kung hindi siguro nangyari ang aksidente baka kumpleto kami ngayon. May Manu na maalaga at mapagmahal na asawa. Pero naisip ko rin kung paano hindi siya na aksidente at nakasama naming siya sa araw nang nanganak ako? Buo kami, magagawa kaya niya ang magkaroon ng ibang babae at ipag-palit kami sa iba? Siguro nga ganoon rin ang mangyayare kahit anong gawin ko.

Iiwan pa rin niya kame gaya ng ginawa niya sa 'min ngayon .

Naputol ang pag-iisip ko nang nakarating sa grocery store. Pumunta ako sa mga stante ng gatas ng mga pambata at sa kasamaang palad ay nasa mataas na bahagi ng stante ang mga ito.

Tumingkayad ako para maabot ang isang medyo may kalakihang gatas nito. Pero bago ko pa ito maabot may kumuha na nito.

At kasabay ng paglingon ko ay siya ring pag lakas ng kabog ng dibdib ko.

"M-manu" sambit ko.



keep voting.

My Multi Billionaire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon