MMBH-29

4.5K 72 3
                                    

Chapter 29.

Wayne POV:

"Ate kumain ka na, hapunan na ni hindi ka kumain ng tanghalian kanina oh," pagpupumilit kong pakainin si ate. Na aawa ako sakanya dahil wala siyang kibo simula nang dalhin si kuya Manu sa ibang bansa para roon operahan.

"gusto mo subuan kita ate?" pamimilit ko pa, nangangalumata na ang mga mata ni ate dahil sa kadahilanang kulang sa tulog. Ni hindi niya hinahawakan si baby Maple, sa tuwing pinapahawak ni Mama kay ate ang baby niya lagi niyang tinatanggi na masakit ang pakiramdam niya.

"ate kumain kana kase, tignan mo para ka ng flywood jan oh wala ka na ngang hinaharap hinahayaan mo pang pumayat ka. Bahala ka ikaw din pag dating ni kuya Manu makikita ka niyang ganyan ang itchura siguradong magagalit iyon." pagbanggit ko ng pangalan ni kuya Manu parang bumalik siya sa ulirat ng bahagya.

"i-iwan mo nalang diyan Wayne, kakain din ako." matamlay na tugon niya.

May trabaho ako ngayon kaya dali dali na rin akong nag ayos para roon. Kailangan 'kong mag trabaho para matustusan ang pag-aaral ko, marahil nang nandito pa si kuya Manu ay tinutulungan niya ako pag dating sa pinansiyal para sa matrikula sa eskwelahan ngayon ay hindi na dahil wala siya at walang inaasahan ngayon sa amin kundi ako lang.

"Good afternoon ma'am," normal na bati ko sa mga customers. Ngunit nantili paring nakayuko dahil sa ibang orders.

"I'm here to talk to you Wayne,"

"M-macy, anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko.

"For ate Isabella, One lychee shake please, I'll wait for you there." turo niya sa dalawang mesa sa may dulo.

Umalis na siya at nag tungo sa mesa, napaka ganda niya ngunit suplada, sagot ng isipan ko.

"bilisan mo dahil may trabaho pa ako," daretchang ani ko pagka lapag sa order niya.

"chill, how's ate Isabella and baby?" may pagka concern sa tanong niya.

Suminghap ako bago nagsalita. Wala pa naman customer kaya umupo nako sa harap niya. "ayos si baby, pero si ate laging tulala kakaisip kay kuya Manu"

"hollysh*t, I hope ate is ok. I want to visit them but my lolo don't want to see communicating me to your family" pabebeng sagot niya.

Your? Pa talaga e no. Tsshh.

"So pwedi na ba akong bumalik sa trabaho?" tanong ko, at akmang tatayo na.

"wait," agap niya sa kamay ko, napatingin ako ron at agad niyang binitawan ang kamay ko. "I-i want to give this small amount of money for my cousin's family."

Abot niya sa puting sobre na medyo makapal, tatanggi na sana ako pero inagapan niyang muli ang mga sasabihin ko, "please, lower your pride. This is not for you, just give this to ate bella and for the baby needs." 'yun lang at umalis na siya.

Buti nalang at kahit suplada 'yon hindi niya tinuring si ate na parang basura gaya ng lolo niya. Napangiti ako sa isiping iyon.

Pag dating sa locker ko tinignan ko ang laman ng sobre at binilang ito, at isang daang libo ang laman. Ang sabi niya ay maliit na halaga lang 'yon pero one hundred thousand? Maliit pa sakanya? Eh kahit ilang taong sahod kona 'yon!. Iba talaga ang mayaman sisiw lang sakanila ang one hundred thousand.

"Mama andito na po ako, may pasalubong ako sainyo ni ate." ani ko pagka-uwi galing trabaho.

"oh kumain kana anak, buti nalang may dala kang ulam dahil wala na tayong pambili" ma problemang tugon ni Mama.

"Mama merong mabait na nagbigay ng pera kay ate at kay baby maple, yung tita ni maple na pinsan ni kuya Manu si Macy," nakangiting tugon ko.

"talaga ba anak, naku magandang balita 'yan dahil walang pambiling gatas si Maple ayaw naman padedehan ng ate mo sakanya" ani Mama.

"One hundred thousand ang bigay Mama" pagkasabi ko ay napa nganga si Mama at nag sign of the cross pa.

"nako po Diyos ko maraming salamat at binigyan mo kami ng biyaya sa oras ng kagipitan." madramang tugon nito.

"asaan na po ba si ate at bibigay ko ang pera nila ni baby?" tanong ko at bigla namang labas ni ate galing kwarto.

"ate sakto eto pala yung bigay ni Macy tulong daw para sainyo ni baby." pagka rinug niya sa pangalan ni Macy ay sunod sunod na ang mga tanong niya.

"nabanggit niya ba si M-manu? Ano ok na daw ba ang kuya niya? Makakauwi na ba siya samin ni Maple?" tanong niya.

"w-wala siyang nabanggit ate, at hindi ko rin natanong pasensiya na." bumagsak ang balikat ni ate at nilagpasan kame.

"ikaw na bahala diyan Nay." tanging sambit niya.

Dumating ang gabi at ganun parin si ate walang kibo, kahit iyak ng iyak si baby Maple para siyang nabibingi na walang naririnig. Na iintindihan ko ang pinag dadaanan niya ngunit dapat hindi niya parin pabayaan si baby Maple dahil kailangan niya ng isang Ina na kakalinga sakanya.

Kung sana 'di nangyare ang aksidente hindi magkaka ganito si ate sanay masaya at buo ang pamilya nila ngayon.

Para maka update kahit papaano kay kuya Manu nag research ako sa social media accounts ng pamilya nila. Si Macy lang ang kilala ko kaya siya ang hinanap ko ang pangalan sa Fb.

Macy Rios, Famous sa fb dahil andaming heart react ng magandang pictures niya sa isang resort dito sa maynila. At may bago siyang post ngayon isang picture ng maleta at pasaporte nito, biglang pumasok sa isip ko na siguro lilipad siya papunta kung saan dinala si kuya Manu.

Agad kong pinindot ang add friend at nag message sakanya.

*ako to si Wayne saan ang punta at may post ka ng maleta at passport?*

Pinindot ko ang send ng walang pag aalin langan, sana naman ay mabasa na niya agad.

Biglang tumunog ang cellphone ko at may nag notif ng you're now friends with Macy Rios. at na seen niya na ang message ko sakanya.

*you stalking me huh?* parang sarkastikong reply niya.

*asa ka, bawal ba mag tanong?*

*nope..., do you have crush on me or something?* daretsang tanong niya.

Feeling din pala ang isang to *asa ka ulet, gusto ko lang malaman kung pupunta ka ba kung saan nila dinala ng lolo mo si kuya Manu*

*hindi ko masasagot yan sorry, pero kung about sating dalawa willing akong sumagot* with wink emoji.

*NEVERMIND* akala niya naman kakagat ako sa mga pakulo niya, 'di lang pala siya suplada maloko rin, mayayaman nga naman.

The long wait is over, ayan na po ang hinihintay niyong UD!!

My Multi Billionaire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon