MMBH-16

8.4K 117 9
                                    

Thank po kay @Almouethacamiging na walang sawang naghihintay sa mga UD ko

Chapter 16.

Kina-umagahan nagising nalang ako ng wala si Manu sa tabi ko." Umuwi na kaya siya? " Tanong ko sa isip ko. Bumangon ako at naghilamos muna bago dumaretso sa kusina para sana mag luto ng agahan, hindi pa ako tuluyang nakakapunta sa kusina ng marinig kong nagtatawanan sila mama at wayne paniguradong kasama nila si Manu dahil dinig ko rin ang tawa niya.

"Goodmorning." bati ko ng pagkarating sa kinaroroonan nila.

"Goodmorning love." masayang bati niya habang may suot na apron at nag luluto ng itlog at hotdogs. Kahit papaano pala ay marunong din siyang magluto.

"Goodmorning anak."

"Goodmorning ate."

Bati din sa'kin ni mama at wayne.

Tinanguan ko lang sila at umupo na rin sa hapag.

"Wayne sabado ngayon ahh. Hindi ka ba papasok sa trabaho mo.? Tanong ko, dahil ang pagkaka alam ko tuwing sabado alas otso palang ay umaalis na siya ng bahay para sa pinapasukan niyang isang fast foodchain.

"Hindi na ate, nawalan na'ko ng trabaho doon dahil sa isang babaeng naka alitan ko." mukhang badtrip na sabi niya.

"Ano bang nangyare bakit ka napa away, e babae yun?" kunot noong tanong ko.

"Natapunan ko lang ng inorder niyang kape, nag sorry naman ako ng maayos pero wala siyang pakealam! Ang sabi pa niya bayaran ko raw yung EXPENSIVE dress niya kuno! Ang sabi ko babayaran ko naman. Pero ang pobreng yun... Ininsulto pa ako. Por que raw kulang ang isang taon na sahod ko sa pambayad sa dress niya kahit mag overtime pa ako!!!" nang gigigil at inihingal na saad niya.

"Aba sumosobra naman yata ang pagka maldita ng babaeng yun." asik ko

"hoy wayne, tandaan mo. Kahit gaano pa kasalanan na ginawa sayo nang babaeng yun. Babae parin siya. Wag na wag mong papatulan o sasaktan manlang. Tandaan mo yang turo ko sayo." pangangaral naman ni mama.

"tssk" asik ni wayne.

" breakfast is ready.." singit na sabi ng love ko. Hehe syempre sa isip ko lang sinasabi yung love. Baka kasi asarin pa'ko ng mokong. Saka nalang.

"nako bayaw, chixs ba? dapat hinalikan mo para tumigil sa kaka dada." naka ngising saad ng mokong. Tumingin siya sakin kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Sus kuya, kung yung babaeng yun nalang wag na! Sayang lang at maganda at makinis pa naman. Pangit lang ng ugali!" naka simangot na sabi ni wayne.

" mabuti pa na wag ka na mag trabaho bayaw. Mag focus ka nalang sa pag aaral mo. Malapit ka naman na mag college eh, ako ng bahala sa mga gagastusin mo sa school." seryosong saad ni manu.Isa pa sa nagustuhan ko kay Manu ang pagiging mabait niya sa pamilya ko.

"aynako.. Maraming salamat talaga Manu dahil sa tulong mo kay wayne., Malaking bagay na iyon." masayang tugon ni mama.

"Maraming salamat kuya. Pero gussto ko parin makahanap ng trabaho okaya sideline manlang. Para kahit papaano may pandagdag ako sa mga ibang gastusin sa skwelahan." anang kapatid ko.

"kung iyan ang gusto mo walang problema." Tugon ni manu.

"kumain na nga tayo." pag iiba ko.

Pagtapos naming kumain nag pahinga muna si Manu. Nasa sala kami ngayon at nanonood siya ng PBA.

"love, kailangan ko na pala na bumalik luna sa Manila nextweek. Kailangan kasi nila ako roon, dahil hinihintay na'ko ng mga ka meeting ko." seryosong naka tingin sa'kin ang mga mata niya.

"k-kailan ka b-babalik.??" utal na tanong ko. Sa totoo lang natatakot ako na baka sa pag uwi niya ng maynila hindi na siya bumalik sa'kin. Balita ko kasi sa maynila maraming magagandang mga babae roon at magandang pumorma. Pano nalang kung may mahanap siyang iba roon??

"Wag kang mag alala, hindi ako titingin sa kahit na sinong magagandang babae roon. Parang nabasa niya ang iniisip ko. Pagtapos na pagtapos ng mga gagawin ko roon uuwi kaagad ako rito." pa ngu-ngumbinsi niya.

"Dapat lang no..kapag nambabae ka roon. Puputulin ko yang ANU mo!"

"hey, easy. I won't cheat on you. Takot ko lang na maputulan no.." tumatawang saad niya.

Inirapan ko lang siya.

Saktong tumunog ang cellphone niya na naka lagay sa kaharap kong lamesa.

"wait, sagutin ko lang." tinanguan ko lang siya.

"hey, sweety what do you wan't?"

"really?"

"ok see you soon, bye sweety."

Nasa malapit lang niya sakin sinagot ang cellphone niya kaya dinig na dinig ko yung mga sinabi niya.

Sinong sweety?? Kala ko ba hindi siya mam-ba-babae! Eh wala pa siya sa maynila may katawagan na siyang sweety at may pa see you soon pa siyang nalalaman!!

"Sino yung tumawag sayo?" kunwaring diko narinig na tanong ko.

"it's my cousin." naka ngiting sagot niya.

"ahh...O-ok." peke akong ngumiti.

Bakit ganito. Kabago bago palang namin mukhang may iba na siya agad. Nakuha pa niyang mag sinungaling sa'kin! Ayoko siyang sumbatan ngayon dahil baka mag away pa kami. Aalamin ko muna kung totoong babae niya nga yung tumawag kanina bago ko siya masumbatan.


Umalis na kanina si Manu. Hindi parin mawala sa isip ko yung mga narinig ko kanina. Natatakot akong malaman na may iba siyang karelasyon habang kami pa. Ayokong may third party, gusto ko sa'kin lang siya. Ayoko ng may kaagaw.

Tumunog ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko.

May mensahe ito ni Manu.

Love:

hey love. Inaya ako ni clark at ni denver na mag bar ngayon. But I promise konti lang ang iinumin ko kaya don't worry. Iloveyou

Ako:

ok, ingat ka. Iloveyou too.

Hindi ko maiwasan na mag alala dahil bar ang pupuntahan nila. Ang dami pa naman na babae na higad doon. Sana naman hindi sila magkikita nung tumawag sakanya kanina.

Tumunog ulit ang phone ko dahil may reply doon si Manu.

Love:

yeah, for you. may emoji pang kiss.

Hindi ko na siya ni-replyan pa. Siguro siya ang pumalit sa pangalan niya sa contacts ko ng love.

Sana talaga pinsan niya lang ang tumawag sakanya. Pero kung pinsan niya yun, tatawagin ba niyang sweety?? Naka-ka-panghinala iyon. Wag lang siyang mag pa-pa-huli sa'kin na may kasamang ibang babae. Malalagot talaga silang dalawa sa'kin pag nagkataon!!
















My Multi Billionaire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon