MMBH-19

7.8K 136 2
                                    

Chapter 19.

"hoy Wayne, manahimik ka nga riyan. Pinsan siya ni Manu kaya respetuhin mo siya." pag singit ko.

"kasalanan ng babaeng 'yan kung bakit natanggal ako sa trabaho ko Ate." inis pa rin na sabi niya. So siya pala yung kinukuwento ni Wayne na naka away niya.

"Excuse me, kasalanan mo rin naman. Tatanga tanga ka kasi at tinapunan mo ng kape ang expensive dress ko!" nanggagalaiting tugon naman ni Macy.

"Macy stop, Wayne pag pasensiyahan mo na ang pinsan ko." sabi ni Manu.

"ano namang kaguluhan 'yan huh?" biglang sulpot ni Mama.

"nga pala Macy, siya ang Mama Daisy namin." pakilala ko kay Mama.

"hello po tita, I'm cousin of kuya Manu po." iniwan nito ang ka away at nakangiting dumalo ito kay Mama at bumeso.

"naku, ang ganda naman pala talaga ng lahi niyo. Kay ganda mong dalaga ineng." papuri ni Mama habang sinisipat ang kabuohan ni Macy.

"Tsk, hindi naman maganda." dinig kong bulong ng kapatid ko.

"I'm pretty like you tita and ate Isay." naka ngiti ito ng napakaganda."I heard you, jerk" ani Macy ng naka ngiti ng kimi at bumaling kay Wayne. Hahaha, mukhang may tatalo na sa team MaIs ahh, team MaWay hahah pangit pakinggan. Hehe.

"Oh, Wayne. can you do me a favor?" tanong ni Manu.

"ano yun bayaw?" tugon naman ng kapatid ko. Loko talaga 'tong si wayne kinarir ang pag tawag ng bayaw kay Manu. At ang mokong na boyfriend ko naman naka ngiti. Bet na bet niya kasi ang pagtawag ni wayne ng bayaw sakanya. Tss, mga loko talaga

"can you please tour Macy here arround Sitio Maligaya?" sambit ni Manu.

"ahh-" hindi natapos ni Wayne ang sinasabi niya nang sumabat si Mama at pinanlakihan niya ito ng mata."Oo naman papayag 'yan, diba Anak?" aniya kay Wayne.

"S-sge ililibot ko siya rito." napipilitang sabi niya at tinignan ng masama si Macy.

"no need tita and kuya cuz, mukhang napipilitan lang yata siya." kiming tugon naman ni Macy.

"naku hindi yan, maraming alam si Wayne na magagandang tanawin dito sa Sitio namin. Marami rin exotic foods dito." pangungumbinsi naman ni Mama.

"wow talaga po? Kung ganon dadalhin ko ang DSLR ko para marami akong makuhanan na pictures." nakangiting tugon naman nito.

"Oo naman, diba Wayne anak?" at bumaling si Mama sa naka simangot kong kapatid. "Opo" walang ganang tugon naman ng kapatid ko. Siguradong away ang abot ng dalawang 'to bukas. Hahah.

Gabi na nang magpasyang umiwi si Manu at Macy dahil tumawag si tita Madisson at pinapauwi na si Macy ng Daddy niya dahil tumakas lang daw ito kanina sa Mansion.

Bukas na darating ang Lolo at Dad ni Manu. At ipapakilala niya ako sa mga ito. At pagtapos kinabukasan na ang alis ni Manu pauwi ng Manila. Wala pa man ay parang ma mi-miss ko na siya ng sobra. At eto na namang negative na pumapasok sa isip ko nag u-umpisa na. Na kung pano may makilala siya roon at ipag palit ako? Lalo na nakuha na niya ang gusto niya sa'kin. Okaya naman baka may lumandi sakanya o aaligid sakanya roon? Grrr.. Na i-isip ko palang na iinis na 'ko ng bongga!

Kinabukasan ay nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.

Tinignan ko ang orasan at alas nuebe na pala. Hindi ako pumasok sa trabaho ngayon dahil ngayon ko ma mi-meet ang Lolo at Dad ni Manu. Kinakabahan na naman tuloy ako ng bongga.

My Multi Billionaire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon