"Mama" ani Maple habang bitbit ang mumunting mansanas na binili ng Daddy niya kahapon.Hapon nang umuwi si Manu kahapon. Hindi ko alam kung saan siya tumutuloy ngayon, baka siguro sa mansiyon nila.
Nakarinig ako ng busina ng sasakyan sa labas. Biglang na excite sa pag aakalang si Manu iyon. Iyon pala'y si Davis.
Pero kahit hindi siya ang inaasahan ko masaya pa rin ako dahil nakabalik na siya.
"Goodmorning gorgeous" bati nito sabay yakap sa'kin. Nabigla ako sa ginawa niya pero hindi ko nalang pinahalata.
"Morning" tipid na bati ko.
Bumaling ito kay Maple at nilapitan."Maple baby, here's your pasalubong." masayang yakap niya sa anak ko at inilapag ang mga ibat- ibang klasing laruan na halatang abroad binili.
"Dada!" hagikhik ng anak ko.
"And ofcourse. Here." abot niya sakin ng isang mamahaling paper bag na may tatak na LV!
"Naku Davis hindi ko matatanggap yan." sinaoli ko ito.
"Ano ka ba, that's my gift for you." aniya at pilit na pinapahawak sa 'kin ang paper bag.
"No Davis, masyadong mahal yan. Hindi ko kayang tanggapin." final ng sabi ko.
"Tsh, tanggapin mo na, deserve mo at worth sayo ang ganitong klasing regalo."tugon naman niya.
"Sige ka, magtatampo ako kapag hindi mo tinanggap 'to." nakangusong dagdag niya.
Bumuntong hininga ako at napilitang tanggapin ang bag.
Kinuha ko ang laman ng paper bag at hindi ma iwasang mamangha sa ganda ng bag na bigay niya.
"Naku ang ganda Davis, dapat hindi ka na nag abala na ibili ako nito lalo na 't sobrang mahal. Pero salamat, nagustohan ko." malawak ang ngiting sabi ko, sigurado pag ginamit ko itong bag na 'to tiyak pag ppiyestahan ng tingin ito.
"You deserve it." aniya at bumaling na muli kay Maple para buksan ang mga laruan. Sa tutuosin hindi na kailangan ng laruan ni Maple dahil marami ang binili ni Manu sakanya noong nagdaang mga araw, mukhang ma ii-spoild ang anak ko nito.
Nang dumaan ang kalahating oras may narinig muli ako ng tunog na sports car ni Manu!
Patay narito pa si Davis!
Sabay sabay kaming bumaling sa pintuan at walang sabing pumasok si Manu.
Naka khaki short ito at Gray T-shirt na saktong sakto sa pangangatawan nito. Napaka gwapo!
"Ohh, My dearest friend Davis." bungad nito ng napansin niya Davis na kalaro si Maple.
"Tsh" dinig kong bayolenteng reaksiyon ni Davis.
"Dada!" hagikhik ni Maple ang namutawi sa loob ng bahay at mabagal ngunit agresibong naglakad patungo sa Ama.
"My baby, you miss Daddy? Hmm.." anito at hinalikan sa pisngi ang anak.
"Dada!" tugon naman ni Maple.
Naglakad si Manu papunta sa direksiyon ko.
"Goodmorning." aniya at walang pasubaling hinalikan ako sa pisngi.
"Hey!" bayolenteng angal ni Davis.
Nabigla ako sa halik niyang 'yon, at ginawa pa niya iyon sa harap ni Davis!
"You should go Davis, bonding 'to ng pamilya namin." daretsang ani Manu na nagpagulat sa 'kin ng husto!
"Manu!" saway ko.
BINABASA MO ANG
My Multi Billionaire Husband
RomanceWarning: Mature Content Inside This story is work of fiction. The Characters, places, Name etc. It is only from the imagination of the author. Hi guys, this is my first story here in wattpad. So I hope y'all understand the typo's and grammatical err...