MMBH-42

4.3K 75 8
                                    

Lumipas ang kahapon at ngayong araw ang family date namin. Pero medyo ilag pa si Manu sa akin dahil sa nangyare kahapon.

Nagluto ako ng almusal para sa aming lahat tulog pa si Maple dahil five thirty pasado palang. Si Manu naman ay eto sa sala natulog may tampo pa siguro kaya hindi sumali sa amin sa kwarto.

Nagluto ako ng itlog at hotdog pati na rin sinangag. Saktong pag tapos ko'y siyang gising naman ni Manu.

"Goodmorning" aniya ng nagpupungas pa.

"Goodmorning, kain ka na." Ani ko at naghanda ng plato para sa aming dalawa tulog pa sila Mama kaya sasabay na ako sakanya.

Tumango lamang ito at na upo na. Tahimik lang akong nagsasandok at siya naman ay hindi kumikibo.

"Bakit ang aga mo nagising?" Tanong ko para naman patayin ang katahimikan.

"Hindi ako gaano nakatulog, I'm awake when you out inside your room." walang emosyong sabi niya.

Tumango tango ako.

"Sa kahapon nga pala, I'm sorry." Sabi ko.

"It's okay, I'm just jealous to Davis." daretsahang sabi niya.

"Wala ka naman dapat ipag selos. Oo binigyan ko siya ng chance noon, pero kahit kailan hindi nawala ang pagmamahal na meron ako sayo."

"Really? Kahit matagal akong nawalay sainyo?" May kislap at panghihinayang sa matng tanong niya

"Yes, kahit anong pilit ko na alisin ka sa sistema ko sa buhay ko. Dito sa puso ko hindi ka nawawala." Kasabay ng pagturo ko sa puso ko ay siyang pag patak naman ng mga luha ko.

Tumayo siya at dinaluhan ako ng yakap at dinampihan ng halik ang aking mga labi.

"I'm sorry Love, I love you so much." Aniya at tinahan ako.

Pagkatapos ng eksena sa kusina kanina ay eto kami ngayon sa isang mall. aliw na aliw si Maple sa mga nakikita sa paligid at sa dami ng tao dito sa loob.

"Let's eat first before natin ipasyal si Maple sa toy's world." Ani Manu ng may ngiti sa labi.

Masaya akong tumango sakanya.

Sa isang mamahaling Restaurant kami kumain ni Manu at halos ng nakakasabay namin ay mga sosyal kakaonti lang ang kumakain sa Restaurant na ito dahil mahal talaga ang mga pagkain.

"Nagustuhan mo ba ang mga pagkain?" Tanong ni Manu.

Magkakasunid lang na tango ang sinukli ko dahil puni pa ang bibig ko ng pagkain dahil sobrang sarap talaga.

Tumawa si Manu sa ginawa ko.

"Dada! Mama!" Ani Maple ng tuwang tuwa sa pagkain niya.

Kami lang ang may kasamang bata rito kaya medyo napapatingin ang mag kasabayan naming kumakain dahil sa mga hagikhik ni Maple.

First time naming lumabas ng buo ang pamilya kaya sobrang saya ko rin ngayon at hindi maalis alis s amukha ko ang ngiti at saya.

"After this punta na tayong toy's world baby okay?" Pag-kausap ni Manu kay Maple.

Sumagot naman si Maple ng pasigaw. At tumawa kaming dalawa ni Manu.

Pero bago pa kami matapos kumain ay nagtawag si Manu ng waitress para kuhanan kami ng larawan.

Isang pormal na litrato iyon. At pag bigay ng waitress sa phone ni Manu ay nagkomento pa ito na ang ganda raw ng lahi namin at mukhang masaya raw kaming pamilya.

My Multi Billionaire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon