Chapter 27.
Kabuanan ko na ngayon at nandito sila Mama at Wayne sa bahay para bantayan ako dahil na sa work si Manu. Dis oras na siyang nakakauwi dahil nag o-over time ito sa trabaho para daw dagdag kita dahil malapit na 'ko manganak.
Nag cr ako ng maramamdaman kong parang humihilab ang tiyan ko ng konti, ang akala ko natatae lang ako pero hindi na pala. Nakita ko ang panty ko na may dugo kaya nag panic nako at lalabas na sana ako ngunit bigla nanaman itong humilab ng napaka sakit
"Nayyyyyyyy, Wayneeee!!, sigaw ko ng biglang sumakit ang tiyan ko at para bang may dumadaloy na tubig pababa sa paa ko "M-ma..m-manganganak na yata ako!!" pasigaw ulit na sabi ko. Sobrang sakit na dahil humihilab ang aking tiyan.
"naku jusko po manganganak na ang anak ko." pa histerical na sabi ni Mama.
"wayne bumaba ka rito at tulungan mo kami ng ate mo sa hospital!!."
si Wayne naman ay dali daling pumasok sa kwarto at inalalayan ako. Tumawag na rin siya ng taxi at si Mama kinuha ang mga gamit ko para sa panganganak.
Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sobrang sakit na ng tiyan ko, tumatagaktak na ang pawis ko sa sakit pero hindi ko pa nakikita ang hospital. Sh*t hindi na yata ako aabot sobrang sakit na talaga gusto ko na ilabas ang baby ko.
"Ma, tawagan niyo si Manu plsss, gusto ko kasama ko siya manganak Mama, n-natatakot ako baka hindi ko kayanin."
"nakalimutan ko ang cellphone ko sa bahay ate, tatawagan ko nalang si kuya pag dating natin doon." ani Wayne ng may pag-aalala.
Pagdating sa hospital ay agad na akong dinala sa delivery room.
"M-ma.. si Manu? Papuntahin mo siya sa loob baka 'di ko kayanin mag isa sa loob Mama." sabi ko habang papunta na kaming delivery room.
"Oo anak tinatawagan na siya ng kapatid mo, wag kang panghinaan para ligtas mong mailabas ang anak mo."
Umiiyak na 'ko dahil natatakot ako, at gusto ko na kasama ko ang asawa ko habang nanganganak para lumakas ng konti ang loob ko.
"ate papunta na raw si kuya Manu tiisin mo lang yang sakit para ma ilabas mona si baby." lumakas ng konti ang loob ko dahil papunta na ang asawa ko. Pero ilang sandali lang ay pinapwesto nako ng kumadrona sa sandaling pinabuka sakin ang mga paa ko ay parang mapupunit ang nasa ibaba ko sobrang sakit, kulang nalang ay mapatiran nako ng ugat sa ulo kaka sigaw. Umaasa akong darating na si Manu ngunit mukhang lalabas na ang baby at hindi pa siya darating. Sa sobrang sakit ay hindi kona makaya, huminga ako ng malalim at doon sabay umiri ng tuwid. Nawalan nako ng lakas sa sandaling iyon dahil lumabas na ang baby ko narinig ko na rin ang munting iyak niya at doon nako napaluha. Sa sobrang pagod ay kusang pumikit ang mga mata ko sa labis na antok.
"shit!" I'm trembling, nervous really drives around my whole system. I'm scare for my wife, Wayne call me and said that my wife wants me beside her beacause she think she can't gave birth without me. And now its damn traffic, panay busina ako dahil gusto kong maabutan na nanganganak ang asawa ko. Ni di umuusad ang mga sasakyan dahil may nag banggaan yatang sasakyan.
I decide na bumaba nalang ng sasakyan at tumakbo dahil alam kong di ako makakarating agad ng hospital kung hihintayin ko pang mawala ang traffic, malapit nalang rin naman ako sa hospital. tumakbo ako ng mabilis para makarating agad dahil nag aalala nako sa asawa ko. Lagi niyang sinasabi sakin noon na kapag nanganak siya ay gusto niyang nasa tabi niya ako dahil baka hindi niya kayanin.
Sa sobrang bilis ko tumakbo ay muntik nakong mabangga ng isang kotse buti nalang ay naka preno ito agad. I cant even think straight dahil kala ko ay mababangga na talaga ako thank God dahil pumreno ito agad.
"Hoy! tumingin ka sa dinadaanan mo!!!" sigaw ng lalaking may ari nito. Hindi ko ito pinansin dahil ayokong mag aksaya pa ng oras.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo ng mabilis ng biglang may nakita akong isang bata at may papalapit na mabilis na sasakyan na puting Van na bumubusina ng pa ulit-ulit sa bata, dali dali akong tumakbo at itinulak ito sa gutter.
But its too late para iwasan ko pa ito, sa sobrang bilis ay hindi ko na magawang makatakbo at naramdaman ko nalang ang malakas na impact na tumama sa 'kin.
Sa sandaling iyon ay agad na pumasok sa isip ko ang asawa ko, I can't even move my arm parang namanhid ang buong katawan ko sa pagka bigla, tanging mga nagsisigawan na tao ang naririnig ko parang hindi ko na kakayanin pa dahil nanlabo na ang paningin ko.
Nagising ako at naramdaman ang kirot sa maselang parte ng katawan ko, inangat ko ng bahagya ang sarili ko ng mapansing nag- iisa lang ako sa kwartong ito. Agad kong naisip ang asawa ko kung nakita na ba niya ang anak namin. Agad namayani ang excitement ng maisip ko iyon, siguradong siya ang magdadala sa baby namin sakin.
Ilang sandali lang ay pumasok na si Wayne at Mama, ngunit bakas sakanila ang matinding kalungkutan dahil si Mama ay maluha luha pa.
"Ma nasaan si baby at Manu?," tanong ko dahil nakakapag taka ang itsura nilang dalawa. Hindi ito sumagot at nakayuko lamang, "Wayne, asan ang baby ko?, Si Manu dumating na ba siya?"
"ate.." gumaralgal na tonong sabi niya.
Kinabahan na 'ko sa sandaling iyon.
"ano?, mag salita kayo!" 'di ko na ma iwasang ma pa sigaw.
"pina born screening pa si baby... Pero a-anak si Manu...., na aksidente ng mabilis na Van.. h-habang patakbo p-punta rito sa h-hospital." kanda utal utal na sabi niya at maluha luha ang mga mata.
Hindi mag sink in sa utak ko ang sinabi niya at di makapaniwala, ngunit sa sinabi niya ay agad pumatak ang mga luha ko at labis ang bilis ng tibok ng puso ko sa maaring mangyare sa asawa ko.
Keep safe and stay at home!!
Keep voting guys!!
BINABASA MO ANG
My Multi Billionaire Husband
RomanceWarning: Mature Content Inside This story is work of fiction. The Characters, places, Name etc. It is only from the imagination of the author. Hi guys, this is my first story here in wattpad. So I hope y'all understand the typo's and grammatical err...