MMBH-17

8.4K 125 14
                                    

Chapter 17.

Nandito ako ngayon sa pinag ta-trabahuhan kong coffee shop. Hindi ako makapag concentrate sa trabaho ko dahil iniisip ko parin yung katawagan ni Manu ko kagabi. Pano kung niloloko niya talaga ako? na na-realize niya na hindi kami bagay sa isat-isa dahil isa lang akong dukha tapos siya isang anak ng isang bilyonaryo. Kahit saang anggulong titignan, hindi talaga kami bagay. Kaya di na'ko magtataka kung iiwan niya ako balang araw at ipagpapalit sa gaya niyang mayaman....buhay nga naman bakit ba hindi ako pinanganak ng mayaman!!

Buong araw lang akong lutang sa pagtatrabaho. Ni hindi ko na nga matandaan kung ilang beses akong napagalitan dahil sa kalutangan ko kanina. Kaka out ko lang sa trabaho at pauwi na'ko sa bahay ngayon.

Kinuha ko sa bag ko ang cellphone ko para tignan kung may mensahe ba si Manu sa'kin. At hindi nga ako nabigo dahil may dalawang mensahe siya sa'kin.

Love:

My mom wants to meet you later, We have a dinner night and she wan't to see you in person, so be ready love. I'll pick you up later.iloveyou

Love:

Don't worry love, My mom gonna like you. I promise.

Ako:

Pauwi na'ko galing trabaho. Mag aayos na ako pag uwi ko. Iloveyou.

Ilang minuto lang nag beep ang telepono ko at may mensahe roon ni Manu ko.

Love:

I'll take a bath first before I proceed to your house.

Ako:

Ok, see you later.

Hindi na siya nag reply sa last txt ko. Siguro naliligo na iyon.

Nawala ang mga agam agam ko na may ibang babae si Manu. Hindi naman niya siguro ako papakilala sa mama niya kung hindi niya ako mahal diba?

Pag uwi ko ng bahay agad akong naghalungkat ng damit na susuotin para mamaya. Gusto kong maging formal mamaya sa harapan ng mga magulang ng lalaking mahal ko. Simpleng kulay kremang bistida na hanggang tuhod ang napili kong suotin para mamaya. Kinakabahan ako dahil hindi basta bastang mga tao ang haharapin ko mamaya kundi ina ng lalaking mahal ko.

Pagtapos kong mag bihis nag paalam ako kay mama para sa lakad namin ni Manu.

"ingat ka roon anak, wag kang gagawa ng katangahan." birong sambit ni mama.

"Mama, kaya ko na sarili ko no...at hindi ako clumsy no.." simangot na tugon ko..loko talaga itong si mama Anong pinag-sa-sa-sabi pa .

Lumapit sa'kin si mama at sinakbit sa likod ng tenga ko ang takas na buhok ko.

"Ang ganda ganda talaga nang anak ko.. Mana sa'kin." naka ngiting sambit niya.

"Syempre..san pa ba ako mag mamana, mama. Edi sayo diba..." at nagtawanan kaming dalawa.

Kahit na simple lang ang bistida na suot ko makikita mo ang hubog ng makurba kong katawan. At mas na-de-depina ang kaputian ko dahil kulay krema ang damit kong suot. Ang buhok ko naman ay naka ponytail lamang, at pinarisan ko ng sandals na krema para bumagay lalo sa damit ko.

May bumusina sa labas ng bahay kaya alam kong si Manu na iyon. Binuksan ko ang pintuhan. Hindi nga ako nagka mali dahil nakaparada sa harap ng bahay namin ang all new hummer niya. Hindi niya madalas gamitin iyon kaya ang mga tambay sa labas naka tingin lahat sa sasakyan ng nobyo na may pagka mangha.

Lumabas na'ko ng bahay dala ang maliit kong mumurahin na slingbag na inorder ko online.

Bumaba ng sasakyan si Manu para pagbuksan ako ng pinto.

My Multi Billionaire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon