Chapter 28.
"Love, gising na nag luto ako ng breakfast na paborito mo" napamulat ako at si Manu agad ang bumungad sa 'kin. Ang apaka gwapo at mapag mahal kong asawa.
"Iloveyou, mahal ko." ani ko ng namamalat pa ang boses.
"Iloveyou more kaya tumayo ka na diyan at kumain ka na at aalis na 'ko" nakangiti habang nagbabadyang halikan ako.
"Wala kang work ngayon love, saan ka naman pupunta?" nagtatakang tanong ko.
"Mahal na mahal kita kaya kahit saan man ako mag punta lagi kang nandito sa puso't isip ko. Basta mag iingat ka lagi at alagaan mong mabuti si baby habang wala ako ah??" aniya ng nakangiti ngunit malungkot ang mga mata.
"pero love-"
"ate?"
"ate? gising"
"gising anak"Nagising ako bigla dahil kay Wayne at Mama, natataranta ang mga ito.
"nasaan si Manu, Mama?" tanong ko at luminga sa lahat ng sulok ng kwarto.
"anak wala siya dito"
Pagka sabi ni Mama ay biglang pumasok sa isip ko na panaginip lang pala lahat ang kanina. Bumagsak ang balikat ko sa isiping iyon at kasabay nito ang patak ng luha ko.
"bilisan mo diyan anak at nililipat si Manu ng kanyang pamilya ng ibang hospital, galit na galit ang mga ito kanina at hinahanap ka, mabuti na lamang at hindi nila alam ang kwarto mo." ani Mama ng may oagka aligaga.
Sa puntong ito ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko, dahil parang sa oras na ito ay nararamdaman kong malalayo sa 'kin at sa anak ko ang asawa ko.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto at walang pake kahit na hindi pa 'ko totally na ok dahil kakapanganak ko lang. Sa oras na 'to wala akong ibang iniisip kundi ang asawa ko.
Pagliko ko ay siyang paglabas nila kay Manu sa kwarto niya. Gusto kong tumakbo ng mabilis at pigilan ito ngunit hindi pa kaya ng katawan ko
"Itigil niyo yan!" sigaw ko
Lakad takbo ang ginawa ko sa abot ng makakaya ko at nag uunahan na naman tulo ang luha ko.
"Itigil niyo! Wala kayong karapatan na kunin ang asawa ko ng walang pahintulot ko!" pasigaw na sabi ko at pinigil ang patuloy na pagtulak nila sa kinahihigaan ni Manu.
"Umalis ka diyan dahil walang mapapala ang Apo ko sa iyo! Kasalanan mo ang lahat ng ito kaya nangyare iyan sakanya Impokrita!" sigaw sakin ng lola ni Manu.
"Asawa ko siya kaya may karapatan po akong malaman kung saan niyo dadalhin ang asawa ko!" humahagulhol na sabi ko. Sa puntong ito ay sobrang bigat ng nararamdaman ko dahil alam kong ilalayo na nila samin ng anak ko si Manu tulad ng gudto nila.
"Gusto mo bang mamatay sa mumurahing hospital na ito ang Apo ko! Dadalhin ko siya sa ibang bansa at ilalayo sa iyo at wala kang magagawa roon!" matigas na wika niya.
"Sasama po ako, parang awa niyo na sasama po ako kami ng anak ko para mabantayan siya" desperadang pagmamaka awa ko dahil sa sitwasyong ito ay wala akong magagawa para manatili rito ang asawa ko dahil sa lubha ng lagay nita.
"hindi tanggap ang isang kagaya mo sa pamilya namin!" parang isang sampal iyon sa akin.
"Halina kayo para ma ilayo ko na rito ang Apo ko!"
Muling itinulak nila ang hinihigaan ni Manu, sobrang nanghihina na ako, pilit kong yinayakap ang katawan ng asawa ko at nagmamakaawa ako na gumising siya baka marinig niya ang tinig ko at mag mulat siya.
"M-mahal ko p-plsss gumising ka na, wag mo kaming i-iwan dito ng a-anak mo plsss." humahagulhol at pilit na yinayakap parin ang asawa ko kahit maraming umaawat sakin na tauhan ng lolo niya.
"Hija ayaan mo munang ipagamot namin si Manu" wika ng Ina ni Manu.
Pagka kita ko sakanya agad akong lumuhod at nag maka-awa.
"T-tita plss po..., isama niyo po kami ni b-baby para kay M-manu, hindi ko kaya ng wala ang anak niyo t-tita plss..." pagmamaka awa ko habang patuloy na umiiyak.
"Wala akong magagawa hija, iyon ang utos ni Papa, wag kang mag alala hindi ko kayo pababayaan ng A-apo ko" anito ng umiiyak na rin.
"Madisson! Halika na!" muling sigaw ng Lolo ni Manu, na ipasok na nila sa van ang asawa ko, parang gumuho ang mundo ko ng isara nila ang van at tuluyan ko ng hindi nasilayan si Manu.
"a-anak tumayo ka diyan, magiging maayos din ang lahat, makakasama mo rin si Manu pag gumaling na siya. Halika na tahan na anak ko, nag hihintay ang anak mo roon magpaka tatag ka para sakanya."
"M-mama" ani ko at yumakap kay Mama dahil parang kahit anong oras ay mawawalan ako ng lakas.
"tahan na anak, andito si Mama si Wayne at si Baby, babalik din si Manu anak alam kong 'di niya kayo pababayaan"
alam kong babalik siya babalikan niya kami ng anak niya, nanangako siya sa 'kin na hindi niya kami pababayaan ng anak niya at maniniwala ako roon.
Narinig kona ang makina ng van tanda ng papaalis na ito.
"hihintayin kita mahal ko! Maghihintay kami ng anak mo sayo!" Sigaw ko at muling yumakap kay Mama.
Pagbalik namin sa kwarto nandoon ang nurse at si Baby.
"Misis ano po ang ipapangalan niyo sa cute at magandang baby mo?" tanong ng nurse.
Pumatak na naman ang luha ko dahil ang usapan namin ni Manu ay siya ang mag bibigay ng pangalan ng baby namin. Ngayon ay wala siya inilayo na siya samin.
"Maple, Maple ang ngalan niya" sabi ko habang sa malayo naka tingin na para bang lumulutang ang isip ko.
"Wow bagay na bagay kay baby, sge po Ma'am at ibibigay po ang form sainyo para sa pangalan at iba pang tungkol sa bata." wika ulit nito.
"Maraming salamat nurse" dinig kong pasalamat ni Mama.
"Kinuha na nila si Manu sa amin M-mama," wika ko at sunod sunod na tumulo muli ang aking mga luha, sa tingin ko ay simula ngayon ay walang sawa silang papatak dahil sa nararamdaman ko.
"Tatagan mo ang loob mo anak ko makakabalik din aagad si Manu."
Ang sanang pinaka masayang araw sa 'min ni Manu ngayon ay siyang pighati ngayon. 'di ko lubos na ma isip na mangyayari sa isang iglap ang mga ito, at kasalanan ko kung bakit ito nangyare sa asawa ko. Hindi ako mapanatag kahit isang segundo manlang dahil alam kong hindi biro ang lagay ng asawa ko dagdag pa ang malayo kami sakanya na wala kami sa tabi niya habang ginagamot siya.
Wala akong magawa kase wala naman akong pweding gawin manlang para sa asawa ko kase eto lang ako, walang pera, walang maibubuga, para sa pamilya niya ay isa akong peste sa palayan nila.
"H-hhintayin natin ang pagbabalik ng d-daddy mo Maple.., alam kong babalik siya agad at hindi biya tayo papabayaan ah? Hintay lang anak." bulong ko sa anak ko habang patuloy na dinudurog ang puso ko at lumuluha ang mata ko
BINABASA MO ANG
My Multi Billionaire Husband
RomanceWarning: Mature Content Inside This story is work of fiction. The Characters, places, Name etc. It is only from the imagination of the author. Hi guys, this is my first story here in wattpad. So I hope y'all understand the typo's and grammatical err...