"Hello Maple anak, pasensiya kana kay Mommy ahh? Sorry kung hindi kita na alagaan agad. Pangako, kahit na anong mangyare hinding hindi na kita pababayaan at lagi rin kitang po-protektahan." kasabay ng pag-hele ko sakanya ang siyang pag patak ng mga luha ko dahil sa pag-sisisi.
Happy 1st Month birthday baby ko. Hintayin lang natin ang Daddy ah? Babalik siya, babalikan niya tayo.
.
.
.
.
Anak magbabayad na tayo ng bills sa kuryente at tubig, e wala pa tayong pera baka maputulan tayo niyan.
Andito ako sa sala habang pinapatulog si Maple isang taon na rin nang mangyare ang aksidente. Wala na rin ang mga binigay na tulong ni Davis at ng iba.
Simula nang nanganak ako ay hindi pa ako nakakapag trabaho puro si Wayne ang nagbabayad at naghahanap buhay para sa amin. Marami rin gastusin dahil hindi na dumedede sa akin si Maple dahil inawat ko na ito, isang taon na rin kase siya.
Ayaan niyo po nay hahanap po ako ng trabaho bukas din, alam kong kulang na ang kinikita ni Wayne kaya bukas mang u-utang ako ng puhunan sa kaibigan ko at didiskarte sa palengke ng pwesto para makapag-tinda ng gulay tulad ng dati nay.
Ngayon nararanasan na naman namin ang hirap ng buhay. Minsan na kaming ini-angat ni Manu roon ngayon wala siya, tuluyan na kaming bumagsak. na rito ako ngayon sa palengke nagtatawag ng customer para sa panindang mga gulay. Walang wala kami ngayon at kailangan kong mag double kayod para sa anak ko at kila Mama. May gamutin si Mama na bawal pumalya, si Maple naman ay kailangan ng gatas at pampers.
Kumakain na rin naman siya ng kanin pero lagi parin niyang hanap ang gatas, makulit ang anak ko at bibong bata kaya kahit pagod ako sa trabaho napapawi iyon kapag nakikita ko siya.
Si Manu, wala, wala na siyang paramdam umalis na rin kami sa bahay namin ni Manu, unti-unti ko ng tinatanggap na hindi na siya babalik dahil may iba na siyang pinag-kakaabalaan at wala na siyang pake sa amin ng anak ko.
Nalaman ko yon bago mag isang taon si Maple nakita kon sa isang magazine ang litrato niya na may kasamang babae, napaka ganda at mukhang mayaman kagaya niya.
Sobrang nadurog ang puso ko. Kasal kami, may anak. Pero dahil sa aksidente nawalay siya sa amin at hindi na bumalik. Marahil natanto niya na hindi siya bagay sa isang katulad ko at mas matimbang ang manang makukuha niya sa pamilya niya kaysa sa amin.
Higit sa lahat ay nasasaktan at na a-awa ako para sa anak ko. Lalaki siyang walang kumpletong pamilya..
Kaya umalis kami sa bahay namin ni Manu para kalimutan siya. Iniwan ko lahat ng gamit na galing sakanya roon sa bahay niya. 'di ko kailangan ng lalaking kagaya niya na sa simula lang magaling, walang puso. Pagak akong natawa dahil sa kahibangan ko noon na totoo ang pagmamahal niya sa akin at sa magiging anak namin. Na kaya niyang piliin kame kaysa sa mana niya. Pero hindi pala kami sapat sakanya.
Hindi niya kami mahal, kase kung mahal niya lang kami uuwi siya rito para samin ng anak niya po-protektahan at hindi niya kami hahayaang makaranas ng ganitong buhay.
Simula noon pilit ko na siyang binibura sa utak at sa puso ko. Kaya bumalik kami sa bahay namin para magsimula, mahirap man ang buhay pero kinakaya pa rin.
"hello anak ko, andito na si Mommy ako na mag babantay sayo anak, napaka ganda mo talaga mana ka sa Mommy" gigil ko sa anak ko, nakakalungkot man pero hindi talaga siya nagmana sa akin mas nakuha niya ang features ng tatay niya. Kahit yata kasi bihisan ko ng pambabae si Manu noon e maganda pa rin ito.
Hays bakit ko pa ba ini-isip ang lalaking 'yon.
"anak dumaan pala si Davis dito kanina, binisita si Maple at hinahanap ka rin niya." patuyang tugon ni Mama.
Simula ng lumipat kami ng bahay lagi ng dumadalaw dito si Davis at hindi ako tanga para hindi mapansin ang pagka gusto niya sa akin. Ewan ko kung tama ba ang salitang pagka gusto o hinde dahil ramdam ko ang special na trato niya sa anak ko at ganun na rin sa akin.
"heto" lahad ni Mama sa bulaklak.
Tamad kong kinuha ang bulaklak. Hindi ko alam kung anong mararamdam ko para rito, awa ba o saya. Na a-awa ako dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kayang suklian ang damdamin niya para sa akin. At isa pa kaibigan siya ng tatay ng anak ko.
Noong araw na may nabasa at nakita ko sa magazine ang litrato ni Manu at ng babaeng 'yon, agad kong kinontak si Davis para linawin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng litratong 'yon.
Dahil 'di ako bobo sa nabasa ko na magka sintahan sila.
"totoo ba 'to Davis?" lumuluhang tanong ko.
Hindi siya makatingin ng maayos sa akin. Sa galaw palang niya na 'yon nanlumo na ako. "So, totoo nga?" pagak na tawa ko.
"I'm sorry," sambit niya. "I confirmed it to his cousin in abroad. Hindi ko siya ma contact kaya sa mga malalapit niyang pinsan ako nagtanong. And they said yes mag kasintahan nga ang dalawa." tinignan ako nito ng may awa sa mga mata.
Bumuhos ang mga luha ko ng walang tigil. Kaya pala hindi siya bumabalik sa amin dahil may iba na siya at hindi na niya kami kailangan pa. Pinipiga ang puso ko ng mga panahong 'yon habang hawak ang anak ko at nagsisibalutan ng gamit. Dahil sa araw din na iyon nilisan namin ang bahay na binili niya dahil simula sa araw na iyon buburahin ko na rin siya sa buhay namin ng anak ko.
Na roon si Davis ng mga panahon na 'yon siya ang tumulong samin para makauwi ng probinsiya. At hanggang ngayon lagi parin siyang na riyan kapag kailangan at kahit hindi kailangan.
Kaya na isip ko na, bakit kaya hindi ko siya bigyan ng pagkakataon para rito. Mabait siya lalo na sa anak ko at pamilya. Tutuosin ay satingin ko hindi siya mahirap mahalin.
BINABASA MO ANG
My Multi Billionaire Husband
RomanceWarning: Mature Content Inside This story is work of fiction. The Characters, places, Name etc. It is only from the imagination of the author. Hi guys, this is my first story here in wattpad. So I hope y'all understand the typo's and grammatical err...