"Eat this baby." rinig kong sabi ni Manu habang pinapakain ng mashed potato si Maple.
Dadaluhan ko sana sila nang biglang nag ring ang cellphone na hawak ko. Sinagot ko ito agad.
"Goodmorning pretty lady." bungad ni Davis.
Tumawa ako ng bahagya.
"Goodmorning" tugon ko.
"How's Maple? I miss the both of you." anito.
"She's okay naman." ani ko at binalingan si Maple. Nakita ko ang pagdilim ng tingin ni Manu sa akin.
Tumalikod ako para hindi siya makita.
"Good, I'll be home within one week. What do you want pasalubong?" tanong ulit nito.
"Nako, kahit ano lang. Kahit si Maple na lang wag na ako."
"Tsh, ofcourse you have too. You know naman na you two are very special in my heart" dagdag pa nito.
Pumasok sa isip ko si Manu. Dapat bang sabihin kay Davis na nandito si Manu?
Parang feeling ko nagiging unfair na 'ko kay Davis ngayon dahil hinahayaan ko si Manu na makasama kami.
"Ahm.. Davis, na rito pala si M-manu bumibisita siya kay Maple." sabi ko.
Bumilang pa ng segundo bago muli ito nagsalita.
"O-okay, I will be home tomorrow then." medyo gulat at nawalan ng sigla ang tono ng boses nito.
"Osige, mag ingat ka." tugon ko.
Bumuntong hininga ito sa kabilang linya.
"Are you happy being with him now?" daretsahang tanong nito.
Nabigla ako sa kanyang tanong at nag-isip sandali.
Masaya nga ba ako na narito siya kasama namin ni Maple?
"Don't worry, narito lang siya dahil kay Maple." ani ko. Tama andito lang siya para kay Maple at dapat hanggang doon na lamang iyon.
"Okay, I'll see you tomorrow.... Iloveyou." sa huling sinambit niya ako kinabahan, ang salitang 'yon ay napakahirap ilahad sa sino man, dahil hindi natin namamalayan kung saan a-abot ito.
"See you." tipid na sagot ko tsaka agaran pinatay ang linya.
Ayokong biguin si Davis. Marami na siyang natulong pa ra sa 'min ng anak ko. Siya rin ang kasama namin noong hirap kame. Lagi siyang nandiyan kapag kailangan namin siya. Kaya tama na sigurong suklian ko 'yon ng pagmamahal. Pero hindi ko alam kung saan aabot ang pagmamahal na iyon.
"Davis huh?" hindi ko alam na nakalapit na pala siya sa 'kin at naiwan si baby kay Mama.
mariin na pag-titig ang sinukli ko rito."So?"
"Can we talk?" biglang pag seryoso nito.
"Nag-uusap na tayo." sarkastikong sagot ko.
"I want to talk about us, please.. hear me out this time?" nagsusumamong tugon nito.
Tumango ako at nag martsa pabalik sa kwarto.
Pag-pasok ay agad niya itong ini-lock.
Napataas ako ng kilay dahil do'n
Bumuntong hininga ito."I still love you... Hindi pala, dahil ni minsan hindi nabago ang nararamdaman ko sayo." panimula niya. "Can we start again? And let me make it up to you and to Maple. Hmm..Love?"

BINABASA MO ANG
My Multi Billionaire Husband
RomanceWarning: Mature Content Inside This story is work of fiction. The Characters, places, Name etc. It is only from the imagination of the author. Hi guys, this is my first story here in wattpad. So I hope y'all understand the typo's and grammatical err...