Chapter 25.
Maaga akong nagising dahil parang hinahalukay ang sikmura ko at naduduwal ako. Ewan ko ba pero may ideya ako kung anong pagbabago sa sarili ko. Malaki ang tiyansa na tama nga ang hinala ko, pero gusto kong makasiguro upang matuldukan na itong hinala ko.
Naghanda ako ng almusal namin ni Manu at pagtapos ay nag iwan ako ng note na dadalaw lang ako kina Mama para naman hindi na siya magtanong pa kapag nakauwi na'ko.
Sa totoo lang kinakabahan talaga ako sa magiging resulta pero nangingibabaw pa rin yung excitement kung totoo nga ang hinala ko, siguradong matutuwa si Manu kung tama nga ako.
Pumunta ako sa isang ob gyne clinic na malapit lang sa bahay namin, para naman 'di na 'ko bumiyahe ng malayo. Si Doctora cynthia ang may ari nitong clinic na ito.
" oh Mrs., bakit ikaw lang mag isa? Asan si Mr.? " tanong nito. " ahh busy kase ang asawa ko sa trabaho, tsaka balak ko po sana siyang sorpresahin kung tama nga ang hinala ko na nagdadalang tao ako." masayang sambit ko.
" nako, siguradong matutuwa yang mister mo kapag totoong buntis ka nga. " masayang sambit nito. Na imagine ko tuloy ang reaksiyon ni Manu kapag nag positibo nga na buntis ako.
" ilang buwan ka na bang hindi dinadatnan? " tanong ni Doctora habang pinapahiga niya ako at may nilalagay na gel sa aking tyan. " Mag dadalawang buwan na po Doc. " sagot ko.
" mukhang hindi ka nga nag-kakamali Misis, dalawang heartbeat ang naririnig ko, sa ngayon hindi pa malinaw ang sonogram dahil 7weeks pregnant ka pa lang." na ka ngiting pag-papaliwanag niya.
Nag uumapaw ang kasiyahan ko dahil tama nga ang hinala ko, hindi na ako makapag hintay na sabihin kay Manu ang magandang balita. At simula rin ngayon ay mag iingat na 'ko at kakain ng masustansiyang pag-kain.
Binigyan ako ng reseta at iilang vitamins para sa baby ni Doctora at inilista rin niya ang mga bawal kong kainin. Pag tapos ay nagpasalamat ako at nag paalam na.
Pag balik ko sa bahay wala na si Manu, may notes din siyang iniwan na naka dikit sa ref at sabi niya ay tawagan ko raw siya kapag nakauwi na 'ko kaya dali-dali kong dinaial ang numero niya.
" Hey love, nasa bahay ka na ba? " bungad niya. " Oo love, may sorpresa ako sayo pag-uwi mo na siguradong matutuwa ka." excited na sambit ko.
" Really? sabay tawa nito, Ano naman kayang sorpresa yan at na ccurious ako love " tanong nito. " basta.. Pag-uwi mo roon mo malalaman, ingat ka sa pag-uwi mo mamaya love. " tugon ko.
" Sus.. osge love, maaga akong uuwi para diyan sa sorpresa mong iyan."
Napaka sweet talaga ng asawa ko, swerte ko talaga.
" Osge love, pag-luluto kita ng paborito mong ulam, osiya na at baka naabala na kita sa trabaho mo, iloveyou." pag-papaalam ko.
" Ano ka ba love, kahit kailan 'di ka naging abala sa akin no, seeyou later iloveyoutoo.." malambing na tugon niya.
" Osige na I loveyou so much."
" Iloveyoumore "
" I loveyou 'till my heart beat stop."
" I loveyou 'till I die and I will continue to love you in heaven." banat pa nito. Hahaha hindi talaga nagpapatalo ang ungas.
" Sira tama na, ibababa ko na 'to at baka hindi tayo matapos sa pag-uusap." sabi ko habang tumatawa pa rin. Bago ko pinatay ang tawag ay narinig ko pa ang tawa niya, baliw talaga siya haha.
Ginawa ko ang mga dapat gawin sa araw na iyon, nag luto ako at nag ayos ng kwarto at nang wala na akong magawa ay nanood nalang ako ng palabas sa tv habang hinihintay kong umuwi ang asawa ko.
Mag aalas sais na nang narinig ko ang busina ng sasakyan ni Manu, agad akong nag tungo sa harap ng pinto para salubungin siya.
Pagka parada ng sasakyan niya ay mabilis itong bumaba, agad na sumilay ang ngiti sakanyang mga labi.
" I miss you love, " salubong niya sa akin. " I miss you too love " sabay halik ko sa pisngi niya. " kumain ka na ba niyan? " tanong naman niya. " Hindi pa, syempre hinihintay kita para sabay tayo." ani ko. " Sus, kaya mahal na mahal kita e, so lets eat? " aniya at hinalikan ako sa labi. My goodness kinikilig nanaman ako. Na amoy ko ang pabango ng asawa ko ang sarap sarap ng amoy niya, nakakapang-gigil ang amoy.
Nang na sa kusina na ay pinag hila niya ako ng upuan at siya na rin ang nag handa ng mga kubyertos at nagsandok ng kanin at ulam. Napaka ganda niyang oag masdan habang inaasikaso niya ako, feeling ko ako na ang pinaka maswerteng babae dito sa mundo dahil wala na akong mahihiling pa sa panginoon dahil ibinigay na niya ang mga hinihiling ko.
" Love may surpresa ako sayo." sabi ko ng maalala ang magandang balita na manalamn ko kanina.
" What is it?? " curious na tanong nito habang may naglalarong ngiti sa mga labi.
" Hmm.., buntis ako 7weeks na." sa wakas ay nasabi ko.
" W-what? Can you repeat it??." walang reaksiyon na sabi niya. Kinabahan ako dahil bakit hindi siya masaya? Blangko ang kanyang mukha na parang 'di nagustuhan ang sinabi ko.
" ang sabi ko buntis ako. " pag-uulit ko.
" Really?? " bigla itong tumayo at lumapit sakin at niyakap ako. " Oo nga, mukha ba akong nagbibiro? " sabi ko naman, akala ko hindi niya gusto ang sinabi ko, nagka mali ako eto siya ngayon sa harapan ko hinahalikan ako ng pa ulit-ulit habang maluha-luha ang kanyang mga mata.
" thankyou love, thankyou very much. Pangako mag t-trabaho ako ng maayos para mabigyan ko kayo ng magandang buhay. At hindi ko kayo papabayaan kahit kailan, kahit magkanda kuba ako sa trabaho gagawin ko ang lahat mabigay ko lang ang pangangailangan niyo. I will always protect the two of you to those bad peolple who trying to hurt you two, I love you so much love." mahabang tugon niya.
" ang OA mo naman love," sabay tayo ko. " pangako ko rin sayo na hinding hindi ko papabayaan si baby at magiging mabuting ina ako sakanya. At syempre magiging mabuting asawa rin sayo. I love you more love. " umiiyak na sabi ko. At hinalikan niya ako ng may buong pag-ma mahal.
Keep voting.
BINABASA MO ANG
My Multi Billionaire Husband
RomanceWarning: Mature Content Inside This story is work of fiction. The Characters, places, Name etc. It is only from the imagination of the author. Hi guys, this is my first story here in wattpad. So I hope y'all understand the typo's and grammatical err...