Chapter 18.
Dumaan ang ilang araw at walang nagbago sa mga routine ni Manu sa pag dalaw sa'kin. Lagi niyang pi-na-paramdam ang pagmamahal niya sa bawat araw na nag daan. Gusto kong sulitin ang araw na ito bago siya bumalik ng maynila sa makalawa. Hinihintay pa kasi niya ang kanyang lolo at dad niya rito bago siya bumalik doon. At eto na naman tayo sa meet the family niyan... Ki-na-kabahan ako dahil panibagong pagpapakilala na naman ang magaganap, sana ay gaya rin sila ni tita Madisson na mabait sa'kin.
Nag half day ako ngayon sa trabaho dahil sabi ni Manu ililibot daw niya ako sa kompanya nila. Gusto raw niya na makita ko kung saan siya nag ta-trabaho. Nag text siya sa'kin na susunduin niya raw ako ngayon dito sa sa pinag ta-trabahuhan ko. At ilang minuto lang ang lumipas, pumarada na sa harap ng coffee shop ang hummer niya at unti-unting nag bukas ang pinto ng sasakyan niya. Ang astig talaga niyang tignan kapag bumababa siya sa sasakyan niya habang may suot na shades.
"Hola love,Te amo. Mi amor de mi vida." sabay halik niya sa labi ko. " Hoy.. hindi por que may lahi kang españyol. Mag sasalita ka na ng ganong lengwahe sa'kin! Malay ko ba na minumura mo na pala ako." naka pamaywang at naka taas kilay na asik ko.
Humalakhak lang naman siya sa sinabi ko!
"Ang sabi ko. 'Mahal kita, my love of my life.'" tumatawang sabi niya.
"Amp! Kala ko minumura mo ko eh..." naka pout na sabi ko.
Lumabas na kami ng shop at iginiya niya ako sa sasakyan niya at pinag buksan ng pinto.
" Ano bang na isip mo at gusto mo akong ipasyal sa opisina mo rito?" kunot noong tanong ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nun"Syempre, I want you to introduce to my employee's as my girlfriend. Ayaw mo ba 'yon?" naka simangot na tanong niya.
Nakaka proud na marinig mula sakanya na i-pa-pa kilala niya ako sa mga tabahante niya.
"Syempre gusto ko. gustong gusto ko na malaman nila na may nag mamay ari na sayo no... Para wala na rin aaligid sayo!! Ang gwapo gwapo mo kasi.. Mahirap na baka masulot ka ng iba sa'kin."
Ngumisi lang siya na para bang tinatago ang mga ngiti sakanyang mga labi.
"I like the possessive side of yours." iiling-iling siya abang may mga ngiti sa kissable niyang labi. Parang ang sarap tuloy niyang halikan...
"Ewan sayo." bumaling nalang ako sa labas ng bintana para itago ang kilig ko.
Agad kaming nakarating sa kompanya nila Manu. Malapit lang naman kasi ito sa trabaho ko. Pag pasok palang namin agad na siyang binati ng mga empleyado niya.
Dumaretso kami sa desk nang secretary niya.
"Sabihin mo sa lahat ng mga empleyado rito na magtipon tipon dito."aniya sa secretary niya. Tango lang ang sagot nito. At may sinabi ito sa microphone na nag ko-konekta sa lahat ng opisina nila rito.
Agad naman nag si-datingan ang mga empleyado niya.
"All of you here, I want you to all meet my girlfriend Isabella Rios. remember her name, Respect her the way y'all respect me. Understand?" ma awtoridad na sabi niya.
"Yes Sir." bigkas nilang lahat.
"Go back to work." matigas na tonong sabi niya.
Hinawakan niya ako sa kamay at dumaretso na sa elevator papuntang opisina niya. Malawak ang kompanya nila rito, pero ang sabi sa'kin ni Manu mas malaki ang sa maynila at ibang lugar. Bumukas ang opisina at bumungad sa'min ang glass wall ng nag iisang opisina rito. Pumasok kami at nakaka mangha ang desenyo nito. Classic ito at makikita ang pagka elegante ng nagsisilbing opisina ni Manu.
BINABASA MO ANG
My Multi Billionaire Husband
RomanceWarning: Mature Content Inside This story is work of fiction. The Characters, places, Name etc. It is only from the imagination of the author. Hi guys, this is my first story here in wattpad. So I hope y'all understand the typo's and grammatical err...