MMBH-47

4.3K 72 4
                                    

Narito ako ngayon sa palengke. As usual nag titinda na naman ng gulay, wala e para rin kaming palitaw dito lulubog lilitaw. Kapag gipit dito ang kapit.

"Hoy..! Mabuti at nag comeback ka rito? Wala na bang datung?" Anang baklang si Roberto A.K.A Shantal.

"Kita mo sirgurong wala na 'di ba...?" Pang iisnob ko. Alam kase ng mga tao rito na pag walang wala na kami ay saka lang kami bumabalik sa pagtitinda rito.

"Osiya pabili ako ng talong, yung mahaba at mataba sana. 'yun kashe ang peberito ke..!" Pabebeng aniya.

"Aba't mahilig ka talaga sa talong ahh.., siguro ay mahaba at mataba ang hilig mo." Pambobola ko.

"Aba'y syempre. Parang naman hindi mo rin gusto 'yon. Miss mo na siguro ang mahaba at matabang talong ng ex husband mong-" huminto ito at tumingin sa likuran ko at nagpatuloy muli sa pagsasalita. "Matangkad, gwapo, magandang katawan at higit sa lahat malaki ang umbok! baklang 'to papalapit na sayo ang grasya..!" pa tiling aniya at tinuro ang sa likod ko

Tumingin ako sa likod ko at nakitang si Manu 'yon.

At ang bakla inuga-uga ang katawan ko dahil sa kilig. At ako naman ay daretso lang na nakatingin kay Manu habang papalapit sa kinaroroonan ko. Naka white polo siya na tinupi hanggang siko at naka black pants. Grabe bakat nga!

Hanggang nakalapit siya ay hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Si shantal naman ay na ka tunganga na rin kay Manu. Mabilis kong inabot ang binili nitong talong at binigay sakanya ito ng walang binibigay na sukli.

"Ano ba wala pa akong sukli!" Naniya at pilit na sumisiksik sa tabi ko at wagas ang ngiti kay Manu.

Harot!

"Umalis ka na nga! Bukas mo na kunin ang sukli mo Roberto!" Ani ko at pinagtutulakan siya.

"Shantal ang pangalan ko. Wag mong ibalik ng sumpa gaga ka! Pasalamat ka at yummy ang ex mo kung hindi sinabunutan na kita." Anang bakla at umalis na ng may malagkit na tingin kay Manu.

Hinarap ko si Manu at kunot noo lang itong nakatitig sa akin.

"Anong ginagawa mo rito." Seryoso sabi ko.

"Can we talk?" Aniya ng seryoso at nanghihinang boses.

"Wala na dapat pag-usapan pa. Umalis ka na, ayokong mag eskandalo ka pa rito." Inis na dagdag ko.

"P-please love, kahit isang minuto lang." Garalgal na sabi niya.

Kahit na maayos ang dating niya ngayon. Ang porma niya ang tindig niya hindi pa rin maiiwasan mapuna ang mga mata niya. Nangangalumata ito at mangitim-ngitim ang sa ilalim ng mga berdeng mata niya. Namumula rin ang mga ito at tila ba pagod.

Ang hirap punain ng kanyan. Nahihirapan akong kaawaan siya dahil ako rin, pagod na. Pagod na ang mga mata kong lumuha pa at magdamag na gising dahil iniisip ko o tumatatak sa isip ko kung bakit dinaranas ko ang mga bagay na hindi ko naman deserve.

"Sige." Tipid na sabi ko.

Inihabilin ko muna sa mapagkakatiwalaang kasama kong nagtitinda rin ng gulay ang pwesto ko kung sakaling may bumili man.

Naglakad ako palabas ng palengke sa may iskinita sa malapit kung walang gaanong dumaraan.

"Magbibilang ako ng isang minuto."

"Thankyou lov-," aniya ng akmang yayakapin ako ngunit agaran akong umilag.

"Isa, dalawa, tat-" pagbibilang ko.

Lumuhod ito at hinawakan ang mga palad ko.

"Hindi ko na kayang wala kayo. Please love, bigyan mo sana ako ng pagkakataon para mapaliwanag. Ican't live like this. Parang bumabalik ako sa d-dati. I'm depressed, I can't think right anymore kung iiwan niyo ako ni Maple. Please pagkatiwalaan mo 'ko. I'm your husband I need you right now. I want you to fight for us, for our family. I want your comfort, kayo nalang ni Maple ang masasandalan ko at pinagkukuhanan ng lakas. Please lend me your ears-"

"Tapos na ang isang minuto." Matigas na sabi ko.

Inagaw ko ang mga kamay ko sakanya at iniwan siyang nakaluhod.

"P-please love. I n-need you." Dinig kong bulong niya habang papalayo ako sakanya.

Nang na sa dulo na ako papalabas ng iskinita ay muli ko siyang binalingan.

Nakaluhod pa rin ito. Nakayuko at umiiyak.

Walang luhang pumatak sa mga mata ko sa pagkakataong ito. Wakang luhang nagbadya. Marahil siguro naubos na sa nagdaang mga araw.

This time ako naman. Sarili ko naman, hindi ang iba. Hindi siya.

Nagdaan ang pa ang ilang araw at laging pumupunta si Manu sa bahay ngunit hindi namin siya pinapapasok. Hindi namin nilalabas si Maple kapag nariyan siya. Minsan ay naabutan niya si Maple at nagkita sila. Iyak ng iyak si Maple dahil gusto niyang puntahan si Manu.

Maayos pa rin naman ang ayos niya halata lang sa katawan niya at mukha niya na may pinagdadaanan siya dahil pumayat ito ng bahagya.

"Ate Bella, I'm sorry hindi n kita na contact. I heard what happend, and lolo trace our phones kung sinong katawagan namin kaya ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob dahil na rin kay kuya Manu. Lolo don't want to have connections with you. And he only wants to get Maple, but kuya Manu's didn't agreed with that. Dahil gusto niya kasama ka at tanggapin ka ni lolo. And lolo can't accept it. So he cuts his all connection kay Lolo and pinaalis na rin niya ang mga mana na binigay ni lolo sakanya. He's miserable right now. He needs you ate, kuya Manu's can't control his emotion. I've seen him always na tulala at hindi kumakain. I hope you can help him. I love my kuya so much and I don't want to see him being miserable." Isang text message galing kay Macy.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung awa ba o guilt.

Nag ring ang phone kasunod ng text ni Macy.

"Ate Bella. Can we meet tomorrow?" Bungad ni Macy.

"Osige. saan?" Tanong ko.

"Sa penthouse ni kuya Manu. Please ate, hindi siya lumalabas ng kwarto niya lately kahit na binibisita ko siya. Ang kalat lagi kapag bumibisita ako. Wala ako sa posisyon para sabihin ito pero sana, sana ate give him a chance." Dagdag pa nito.

"Pag-iisipan ko." Tipid na sagot ko.

"Okay, please meet me sa address na i ti-text ko sayo. And if you come, it means a lot for me. I'll wait for you no matter what kahit na hindi ka pa sumipot." Aniya ng malungkot na boses.

"Osige, ibababa ko na." Aniko.

"Thankyou ate." Aniya at pinatay ko na ito.

Sobrang naguguluhan na 'ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Nagtatalo ang puso't isip ko.

Sorry for the typo's and errors. I will revise the whole of the story when it's done. Happy readings, love lots!!

My Multi Billionaire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon