MARGARETTA'ˢPOV
Maaga ako umalis ngayon, kasi may dadaanan ako, wala si Phoenex dito, umuwi muna siya sa kanila.
Pero nag usap kami na magkita kami sa mall, maaga akong umalis para asikasuhin ang mga negosyo ko. Una kong pinuntahan ang kindergarten school ko, kasi mukhang matagal na akong hindi nakapunta do'n.
Pagdating ko, binati ako nang mga teachers, at nag-usap muna kami saglit nang punong guro at maya lang ay nagpaalam na ako.
Palabas na ako nang school nang makita ko si Ytian palabas sa isang classroom.
"Oh young madam" wika niya sabay yuko.
Napangiti naman ako at nakipag beso-beso sa kanya saka niyakap ko siya, nagulat man ay niyakap din ako ni Ytian.
"kumusta na si Tams?" Tanong ko sa kanya, napangiti naman siya saka napabuntong hininga.
"Maayos naman po, kaso napakamainitin ang ulo, minsan nahahampas ako."
Natawa naman ako saka tinapik siya sa balikat.
"Unawain mo na lang ang fiance mo, at gano'n talaga kapag buntis."
Tumango siya saka nagpaalam na ako umalis, nagyakap kami saka tinapik pa muli ang balikat niya at tumango, gano'n din naman siya.
Dinaanan muna namin ang Botique at ang Publisher saka dumiritso na kami sa mall kung saan nag-aantay ang naghihintay sa 'kin.
Ilang minuto pa ang byinahe namin, abala si Sabrina sa Tablet habang ako abala sa pag mamake up, napahinto ako nang may maalala ako.
"By the way Mr. Jiru." wika kong napatingin sa rare view mirror, napatingin naman si Mr. Jiru sa salamin saka lumingon sa akin.
"Yes po young madam?"- Mr.Jiru
"Kayo na ba ni Amanda" walang gatol kong wika na ikinasamid naman ni Mr. Jiru, napatingin saglit si Mang Roy sa kanya at gano'n din siya kay Mang Roy saka nagkamot nang ulo.
Pangiti-ngiti namang binalik ni Mang Roy ang atensyon sa kalsada, habang si Sabrina naman natatawang nakatingin sa kanya.
"Binigla mo naman ako maam, 'di man lang ako nakapaghanda.." wika niyang pakamot-kamot, pero ako nanatiling nakatingin sa kanya."Ahh maayos naman ma'am, hmm nasa process of getting to know each other po."
"Whatttttt!!!!"
Sigaw ko na ikinahinto naman ni Mang Roy dahilan para masamid kami lahat.
"Madam, nakakagulat ka naman po, abeh 'wag na po kayo uulit nang gano'n madam ha, abay aatakihin ako sa inyo sa nerbyos." Atungal ni Mang Roy.
"Sorry mang Roy, itong si Mr. Jiru kasi." paninisi ko pa kay Mr. Jiru na ikinagulat naman niya.
"Bakit po ako ma'am?" inosente naman niyang tanong sa akin.
"Ay nako, wala po.. Hahay ang tagal n'yo nang magkakilala ni Amanda, getting to know each other pa.."
Magsasalita pa sana siya kaso dumating na kami sa mall kaya tahimik kaming binaba ni Mang Roy sa entrance, bumaba na din ang ibang guard.
"Mang Roy sunod kayo nina Edwin sa loob ha para mag lunch.."wika ko kay mang Roy "Edwin, Mang Ador sunod po kayo sa loob."
"Opo young madam" halos sabay nilang wika saka tumango na ako at pumasok na kami sa loob ng mall kasunod ang mga body guards kong bente piraso.
"Sab you go inside first, and tell the manager that we will reserve the whole restaurant for all of us. okay"
"Yes young madam" wika niya saka naunang pumunta sa restaurant na pinag usapan namin ni Phoenex.
BINABASA MO ANG
THE SAVAGE QUEEN
Teen FictionSeñorita Lady Margaretta Grayzella Monteclaro-Aragon, A daughter of a multi-trillioner. A señorita, A Lady, A princess, A queen, but she is Savage. She was born with a gold and silver spoon with her mouth, she has everything, she was born under the...