MARGARETTA'ˢ POV
Maaga akong nagising, hindi ko alam kung bakit, paggising ko pinuntahan ko kaagad ang kwarto ni Phoen na nasa tabi lang ng room ko.
Pipihitin ko na sana ang pinto pero napatingin ako sa dating kwarto ni Phoenex.. naisipan kong bisitahin, six years ko din itong hindi na nakikita pa.
Pinihit ko ang pihitan saka sumilip, at nagulat ako dahil lahat ng gamit niya ando'n pa rin, pumasok ako at tiningnan ang mga gamit na nando'n, napangiti ako dahil amoy na amoy ko pa rin ang pabango niya.
Naupo ako sa kama at hinimas ito, napangiti ako sa mga alalahaning natutulog dito si Phoenex.
"Naaalala mo siya?"
Nagulat ako at napatingin sa nagsalita na nakatayo sa may Pinto.
"Mom..."
Napangiti siyang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko, nilibot din niya ang paningin niya sa kabuuan nang kwarto.
"Alam mo hija, kung mahal mo ipaglaban mo huwag mo na paabutin sa puntong pagsisihan mo dahil huli na ang lahat."
Napatingin ako kay Mommy, napangiti naman siya sa akin saka tumayo.
"Anyway, 'yong anak mo ando'n sa baba nakikipag harutan kay C.E"
Napangiti naman ako sa sinabi ni mommy, napatayo ako at nagpaalam muna na maliligo, napangiti naman siya saka tinawagan si Aling pening sa intercome.
"Ya, paakyatin mo nga si Riza dito sa kwarto ni Sir Phoenex n'yo, palilinisan ko lang."
Napangiti ako habang naglalakad pabalik sa kwarto ko, mahal na mahal niya talaga si Phoenex na 'yon.
------------------
Pababa ako nang hagdan naririnig ko ang sigaw ni Phoen, tawa ng tawa ito habang hinahabol ni C.E. Nako may nahanap na kasundo.
Hindi pa man ako nakababa ng husto dumating si Shirelle at ang yaya niya.
"Tita Ganda asan po si Phoen?"
Lumapit siya sa akin at humalik, linggo ngayon at kompleto kami para sa family dinner namin.
"Shirelle I'm here! I'm here!"
Sigaw naman ng anak ko, tapos sabay takbo kay Shirelle pero biglang napahinto naman at nagtakip ng bibig nang makita ang Pinsan.
"Wowww Shirelle, look at you! you look like a Princess!"
"Really? Thank you Phoen!"
"Lets go, me and Tito C.E is Playing"
Saka sabay tumakbo papunta kay C.E. Mga bata nga naman oo.
Napapailing na lang akong sumunod sa mga bata.Maya lang dumating na si Shire kasama ang asawang buntis at si Adam, lumapit sa akin ang pamangkin ko at humalik.
"Hello Tita ganda"
Eto talaga ang unang nagbansag sa'kin ng Tita ganda...binata na, ngumiti ako at niyakap siya.
"You're not my little Adam anymore, you're now a handsome young man."
Napangiti naman siya saka yumakap sa akin.
"I can protect my younger cousin now."
Napa "ohhh" naman ako sa sinabi ng pamangkin ko, kahit anak siya ni Shire ay nakikita ko ang Shore vibe sa kanya.
"Kamukha na nga niya ang Tito Shore niya, same vibe pa sila. As in kuhang-kuha ang pagiging Shore, lahat... madalas sila pa mapagkamalan na mag-ama."
BINABASA MO ANG
THE SAVAGE QUEEN
Teen FictionSeñorita Lady Margaretta Grayzella Monteclaro-Aragon, A daughter of a multi-trillioner. A señorita, A Lady, A princess, A queen, but she is Savage. She was born with a gold and silver spoon with her mouth, she has everything, she was born under the...