PAGE 15 LETS PLAY YOUR GAME

955 35 0
                                    


PHOENEX POV

Maaga ako umalis, para maaga akong makapasok, wala ngayon ang aming school director nasa bakasyon kaya panandalian daw na si Sir Zandro muna ang mamahala sa school.

Si Sir Zandro ay ang nag-iisang anak ni Mr.Edward ang matandang Aragon. Ang mga magulang nina spoiled brat.

Nagmamadali akong pumarada nang may makita akong familiar na mga sasakyan..nako po nandito pa ata ang bruha, sasakit nanaman ulo ko tiyak.

Pagkababa ko, sakto namang bumaba ang bruha sa sasakyan niya, nako po ang bruha, naka blue ang maldeta, pero infairness maganda siya sa sa suot niya.

Nakatayo siya habang may dalang paypay, at ang ganda niya sa sout niyang 'yon. Hindi niya alam kinuhanan ko siya ng picture.

Maganda naman pala ang maldita, cute siya at fierce ang mukha. Mahahalata mo talagang anak mayaman. Ano nanaman kaya ang ginagawa niyan dito?

Nagpasya na 'din akong lumabas, saka naglakad na kung saan nakatayo siya, do'n kasi ang entrance papunta kaya wala akong choice.

Nang dumaan ako sa kanya, wala lang siyang imik na nakatayo, ni halos hindi niya ako nakita, hindi niya ako nakita o ayaw niya lang akong pansinin? Nakakapanibago.

Dumiritso lang ako, at naramdaman kong nakasunod lang siya, nagpatuloy ako sa paglalakad nang makasalubong ko ang mga studyanteng nakaaway ni Gray..

"Good morning Sir"

Bati nila sa akin, napatango lang ako sa kanila nang bigla silang tinawag ni Gray. Napahinto naman ako saka lumingon.

"Hindi n'yo ba ako babatiin? Bakit nilalagpasan n'yo lang ako?"

Napayuko naman ang tatlong babae, samantalang si Gray nakapa meywang na nakaharap sa kanila.

"Good morning po Miss Gray"

Halos sabay nilang wika, habang si Gray masama pa 'din ang tingin sa kanila.

"Next time you need to learn how to respect the owners daughter.. Understand?"

"Yes Miss Gray"

Pagkasabi niya ay umalis na siya, ako naman ang nilampasan niya. Himala talaga at 'di ako ginagambala, pero kailangan kong gawin ang mission ko na napaka imposible.

Nakasunod lang ako sa kanya nang walang imik, bakit kaya hindi umiimik ang babaeng 'to.

Nang makarating ako sa department ko, siya naman diri-diritso sa office kung saan ang opisina ng lolo niya.

Pagkapasok ko sa loob nakasalubong ko kaagad si Miss. Alfaro.

"Good morning"

Pagbati niya sa akin na dala-dala ang mga folder.

"Saan ka pupunta Miss. Alfaro?"

Tanong ko sa kanya.

"Ihahatid ko lang ang mga folder na to kay Mr.Aragon"

Aalis na sana siya nang maalala ko na ando'n pala si Grayzella, kabilin-bilinan pa naman ni Mr. Aragon na iwasan muna niya ito.

"Teka Miss. Alfaro, ako na ang maghahatid niyan kay Mr. Aragon"

Nagulat naman siya at napangiti saka lumapit sa'kin at bumulong.

"Ako na Mr. Buenaflor, gusto ko makita ang anak ni Director Aragon"

Kahit kaylan talaga itong si Ms. Alfaro ang landi. Kahit may asawa na pagpapantasyahan pa.
Lumapit ako sa kanya at bumulong 'din.

"Sege, para makita mo 'din si Ms. Grayzella do'n. (Ngiti)"

THE SAVAGE QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon